Chapter 9: Ilipad Mo Ako

23.5K 689 53
                                    

        CLICK!



        Hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tumakbo palayo. Kinuhanan ko siya ng picture para mapablotter ko siya sa susunod na guluhin niya ulit ako. Kung hindi lang talaga siya weirdo kumilos at hindi niya sinabing angel siya, malamang sa malamang makikipag kaibigan ako sa kanya. Binuksan ko ang kotse ko tsaka huminga ng malalim. Pilit kong kinakalama ang sarili ko habang nagmasid masid sa palid dahil baka nasundan na naman ako ng makulit na yun. Kinuha ko ulit yung phone ko at tiningnan ang picture ng napakagwapo pero may sayad na nilalang.



        "My God!"
Sigaw ko at biglang napatakip ang kamay ko sa bibig ko.Halos malaglag ang puso ko.



        "Bakit ganito?"
Tarantang taranta akong kakaisip kung bakit isang malaking liwanang lang yung picture ni Akihiro.



        Hindi kaya dahil sa flash? Pero di ko naman nilagyan ng flash eh. Pinaikot ikot ko pa yung phone ko at pilit na hinahanap ng mali ang camera. Baka may nagspark lang na ilaw or may nagreflect pero baka burado siya? Bakit liwanag lang? Kahit man lang tenga or ilong or kahit balikat wala akong maaninag sa picture.



        Dont tell me....



        "Kung totoo lahat ng  sinasabi niya, it means inaway ko yung angel na yun! Baka sabihan niya si San Pedro na ipatapon ako sa impyerno pag namatay na ko!”
Pasigaw kong sabi sa loob ng kotse habang nagpapadyak at sinasampal sampal ng mahina ang sarili ko.



        
Biglang may kamay na naghahampas sa salamin ng kotse ko. Nakayuko ako at isinubsub ko ang mukha ko sa manibela ng kotse. Pinilit kong hindi tumingin sa bintana dahil baka si Akihiro yun at sinusundo na pala niya ko at tsaka dadalhin sa langit para litisin tapos sisipain na nila pababa sa impyerno kung saan ako nararapat.



        "Hoy Mica! Buksan mo nga tong kotse mo! Pinag alala mo ko ah! Bakit ka ba natawag at ngayon nasigaw ka pa"Literal ng nalaglag ang puso ko ng makita ko ang pagmumukha ni Jana sa bintana ng kotse ko. Agad ko namang binuksan ang kotse ko.



        Binuksan ko ang pintuan nung kotse pero di pa rin ako nababa. Nakaupo lang ako habang si Jana ay nakatayo at nakapamewang sa harapan ko. Naka high heels at party dress  siya. Naka full make up din kahit gabing gabi na. Bitbit pa niya ang inumin niya galing Serenitea. Hindi ko alam kung galing siya sa bar o sa malapit na coffee shop. Wala ako sa katinuan para mag-isip.



        "Jana, naprapraning na ata ako. Nakakakita na ko ng anghel eh...." Iniinom niya yung inumin niya at pinandidilatan ako ng mga mata. Sa reaksyon niyang yun alam kong iniisip na naman niyang wala na naman ako sa sarili ko.



        "Seriously? Anong tinira mo? Bakit nagkakaganyan ka? Sabi ko naman sayo tigilan mo na yung katol sa bahay niyo eh! Pang lamok lang yun girl!” Nakataas ang kilay niya habang pabirong sinesermunan ako sa mga kalokohan ko.



        Hindi naman ito ang first time na nasaksihan ni Jana na naghahalucinate na ata ako. Madalas niya kong nakikitang ganito pero yun ay dahil lang sa trabaho at di naman umaabot sa sukdulan na literal na kong mukhang baliw.  At sa mga oras na ito, kahit ako hindi na rin sigurado kung nasa katinuan pa ko or wala na.



        "Kinuhanan ko siya ng picture pero isang malaking liwanag lang yung nagregister sa phone ko." Ipinakita ko sa kanya yung picture pero wala siyang reaction sa nakita niya. Mas nagreact pa siya ng wala na siyang masipsip sa iniinom niya,



        "Alam mo Mika, malala na yan eh. Ang layo pa ng pinanggalingan ko sa sobrang pag aalala sayo  tapos yun pala napapraning ka lang. Umuwi ka na at matulog ng hindi ka matuluyan diyan. At ako? Pupunta akong bar at makikipagkilala sa mga boys ng hindi ako mabaliw katulad mo. Uwi na!"Pilit niya kong pinasok sa loob ng kotse tsaka sinara ang pinto.Natulala na lang ako at pinagmasdan si Jana ng patakbuhin ng mabilis yung kotse niya. Ewan ko kung ako ang praning or sadyang walang kwenta siyang kausap ngayong gabi.

The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon