Prologue

42.9K 1.1K 72
                                    

 

        "Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo, tandaan mo yan. In the future sabay tayong magkwekwentuhan ulit sa garden. Antayin mo lang ako." She clicked save as she finished typing  the protagonist very last line bago niya ito patayin sa next chapter.




        All great love stories end in tragedy. Mas realistic. Mas romantic ang idea ng isang love story na may love and loss. Yung mga tipong walanghiyang  papatayin ng author ang isang character kaya mapapaiyak ng sobra ang readers and for sure na ang conclusion na napakagandang love story ito. Yun ang paniniwala niya. Tandang tanda niya pa noong nagsisimula pa lang siya sa pagiging writer at pinepresent ang mga ideas sa boss niya.




        "What kind of idea is that? Masyadong tragic. Hindi yan kakagatin ng tao, Mika. Go write a new one. Yung masaya. Yung kakaiba."Pinalo ng boss niya ang lamesa at hinilot hilot pa yung noo nito. 



        Alam niyang most people sa mundong ginagalawan niya gustong gusto ang happy ever after love stories. Yung tipong girl meets boy, may obstacles, tapos magkakabalikan, obstacle ulit, tapos ayun after malagpasan ang hurdles, hardships and lahat ng sufferings, magiging sila na in the end. Para sa kanya cliché ito at hindi niya talaga maintindihan kung bakit gusto ng lahat ng fairy tale endings.  Masyadong fiction. At hindi niya kayang maniwala doon.



        Sa kabilang banda ay may mga tinig na naririnig ang isang nilalang. Mga tinig na hindi naririnig ng kahit sinong mortal. Sa hindi niya mabilang na taon na pamamalagi sa paligid ng mga tao, tanging kalungkutan lang ang naririnig niya. Maganda ang langit pero malungkot ang mga tao.  Sa loob niya ay minsan niya ring ginusto na maramdaman kung paano maging malungkot. Gusto niya ring maranasan umiyak. Tila ba nabubuhay ng kalungkutan ang mga tao sa mundo. Masarap kaya sa pakiramdam ang kalungkutan?



        "Bakit iniwan niya ko? Mahal ko naman siya."



        "I still get angry for what you did, even though it was so long ago. I feel justified in making you feel jealous and having feelings for other people because you made that one mistake. Sometimes to make you feel guilty makes me satisfied."



        "Last night, naisip ko ang suicide. Lahat ng sakit mawawala. Pero natatakot ako"



        Sa isipan niya, masyadong maraming nararamdaman ang mga mortal. Minsan masaya, minsan malungkot, galit, suicidal. Masyadong komplikado. Madaming bagay na hindi nageexist sa mundo ng mga tao dahil hindi nila kayang paniwalaan ang mga yun. Dahil dito lalong nababawasan ang possibility ng mga tao na maging masaya.



        Naalala niya ang babaeng kasama ng kanyang alaga kanina. Nababasa niya ang isipan nito pero nahihiwagaan siya sa mga ngiti at kalungkutan sa mga mata ng babae. Para bang may nagsasabi sa kanya na may kaugnayan sila sa isa't isa. Pero wala siyang maalala. Wala siyang maramdaman.



        Isang aksidenteng pagkikita na nangyari sa nakaraan. That tragic meeting that ended years ago. Now, they’re back with their blurry string of memories. Sa magkaibang mundo na may magkaibang paniniwala, magsisimula ang kwento ng muli nilang pagkikita.



        A love story that is brought together by fate and separated by death.  A love story without any memories.  A love story full of broken promises.



        He would give up the heaven for her. She would give up the Earth for him.



         Can love break thy heaven’s law? Or history will just repeat itself?



        A love story of two people believing in loving someone forever.



        The Angel’s Promise

The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon