I Regret •KathNiel•

286 4 1
                                    

He regrets. Well, she doesn't.

--

Third Person's POV

Si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay magka-relasyon sa loob na ng dalawang taon. Daniel loves Kath so much. Well, Kath loves Daniel so much too. They're legal to their parents. Minsan nga binibiro sila ng mga magulang nila na magpa-kasal na para magka-apo na sila na lagi namang ikinapupula ng mukha nilang dalawa. 2nd year college na silang dalawa. Hinding-hindi mo mapaghihiwalay ang dalawa kaya hanggang sa course na kinuha nila ay parehas sila.

May kaya ang kanilang pamilya. Di mo masasabing mahirap at di mo rin masasabing mayaman. May bake shop sila. Yes, sila. As in ang mga magulang nilang dalawa ang nagtayo nito. Masarap ang mga tinitinda nila lalo na ang cake na ginagawa nila. Dahil minsan si Kath at Daniel ang gumagawa nito. Sabi nga ng pamilya nila 'Yan ang cake with love!'

"Kathryn anak, gising na dyan." -Min. Ginigising ni Min ang kaniyang anak dahil tanghali na.

"Ma, sembreak naman po eh. 5 more minutes pls?" -Kath. Napabuntong hininga na lang si Min dahil sa kakulitan ng anak. Aba'y may naghihintay kasi sa kanya sa baba.

Bumaba si Min at hinarap ang bidita ng kanyang anak.

"Hijo, ikaw na lang gumising sa anak ko. Tulog mantika!" Natatawang sabi ni Min sa nobyo ng anak. Natawa rin si Daniel sa sinabi ng ina ni Kathryn dahil totoo ang sinasabi nito.

"Sige ho, tita. Akyat na po ako." Sabay ngiti ni Daniel kay Min.

Sinundan ng tingin ni Min si Daniel habang pa-akyat ito at ngumiti dahil alam niyang nahanap na ng kanyang anak ang mag-aalaga sakanya... pang habang buhay.

Pumasok na si Daniel sa kwarto ng girlfriend. Lumapit siya dito at pinag-masdan ang mukha nito. Lagi niya itong ginagawa pero hindi siya nagsasawang titigan ito. Hinalikan ni Daniel sa noo si Kath at nag-stay lang siya ng ganung pwesto hanggang sa nakita niya itong ngumiti.

"Goodmorning." Sabi ni Daniel ng tanggalin niya ang kanyang labi sa noo ng girlfriend.

"Morning..." Sabi naman ni Kath sa kanyang nobyo habang nagkukusot mata pa. Pagkatapos ay niyakap niya ito ang kanyang nobyo na nakahiga na ngayon sa kanyang tabi. Tumingin siya dito at biniyan ng quick kiss na siyang kinangiti ni Daniel.

"Bangon na baby ko. Tutulong pa tayo kila Mama at Tita diba?" Sabi ni Daniel kay Kath para mag-ayos na.

"Opo. Sige na, hintayin mo na lang ako sa labas."

 

"Oh bagong na." Sabay hatak ni Daniel pataas si Kath. Umupo naman si Kath.

"Lalabas na ako ha. Ligo na baby ko." Sabi ni Daniel kay Kath. Kath mouted the word 'opo' to Daniel.

Nang makalabas si Daniel ay agad niyang hinawakan ang kanyang labi at ngumiti ng kinikilig. Kahit ilang beses ng naglapit ang kanilang labi ay di pa rin niya maiwasang kiligin. Tumayo na siya at pumasok na sa cr upang maligo.

--

(Setting: Starship Bake Shop)

"Oh, ayan na ang bakers natin!" Sigaw ni Miles na kaibigan ni Kath at Daniel. Lagi rin itong tumutulong sa bake shop nila.

Collection of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon