I

4 0 0
                                    

Psyche POV

    " PSYCHE( Pronounce as Sayke)!! GISING NA!," napabalikwas ako sa kama. Nakakainis naman si Papa kung makagising akala mo may sunog.

" Gigising na po!" sigaw ko pabalik. Tsaka kinuha ko ang alarm clock ko 6:10. Nanlaki yung mata ko sa nakita. Wahhh!! LATE na ako! Napatakbo tuloy ako agad sa CR.

Pagkatapos ko magbihis kinuha ko na yung bag ko di na ako nag ayos tsaka kumain.

"Bye Pa, alis na ako" paalam ko kay papa sabay kiss sa pisngi nito tsaka mabilis na tumakbo pasakay sa bike ko.

" Anak di ka pa kumakain,!" pahabol nito.
Pero kinawayan ko na lang.

Sa school patakbo ko nang inakyat ang hagdan papunta sa room ko nasa second floor pa kasi.

" Good morning po, Miss" hinihingal kong bati.

Tinaasan lang ako ng kilay ng teacher. First day ko lang  kasi rito. Forth year high school. Kaya ako lumipat sa school na ito dahil sa isang gwapong kadahilanan, hahahha.

" Aba' t pumasok ka pa, Ms. Ruelles."buti pa si Miss kilala ako.

" First day na first late ka na agad! Ano ba naman blah blah blah blah..." hasst sabi ko na nga ba, sesermonan langa ako nito kaya ang bagsak ko ayun di pinapasok sa first class ko.

************
" Nakakainis na teacher yun, first day palang naman ah, pwede namang palampasin muna. Kala mo naman mag tuturo agad siya. Eh puro pagpapakilala lang naman ang gagawin ngayun ehh. Arggg! Nakakainis!" naiinis kong kausap sa mga damo na pinagbuntunan ko nang galit. Inimagine ko na lang ito yung buhok ng teacher na kinakalbo ko.

Napahiga na lang ako dun sa damohan, nakakapagod din palang mainis. Napatingin ako sa field, wahh may nag pi PE. Lumapit ako roon sa bandang malapit lang yung tama lang na makita yung maglalaro. 4-A pala yung naglalaro. Badminton yung nilalaro nila.

     Biglang nag slow motion nang makita ko si Wynter Arctic Rin Arellano. Yung gwapong dahilan kung bakita ako nandito.
Wahh ang galing niya maglaro. Nakakainis, huhuhu.
Parang gusto ko tuloy pasalamatan si Miss na hindi ako pinapasok sa klase ngayun, haha, jowk!

Si Wynter yung dahilan kung bakit nagpalipat ako rito kahit graduating na ako. Dati kasi schoolmate ko yan dun sa former school ko pero trinansfer siya ng family niya sa Paris pero trinansfer ulit dito sa Pilipinas pagkatapos nang ilang taon. Dahil sa isa akong umiibig na babae nalaman ko lahat yan. Kung pwede nga lang na sundan ko ein siya sa Paris eh, kaso di pwede kasi panigurado di papayag si Papa. Si Papa na lang yung kasama ko. Namatay daw kasi si Mama nang manganak sa akin kaya wala rin akong kapatid tapos di na nag asawa muli si Papa.––––

*Ring!Ringg!Ringgg!* napatingin ako sa bag ko tsaka kinuha yung phone kung kulay pink na maraming keycahin na pusa na pink din.

Tiningana ko muna kung sino yung tumatawag. Si Lia lang pala.

" Hellooo, beshy! NAMISS KITA!!!" automatic na nailayo ko yung phone ko sa tinga, anak ng tukwang may luya ang sakit sa tenga!

" ANAK KA NANG NANAY MO LIA, ANG SAKIT MO SA TINGA!" sigaw ko din pabalik, ano siya sinuswerte kung di ko siya gagantihan, hahah.

" Sira, hahahhahh!!! Namiss kitang pangit ka! Bakita di ka manlang nag paalam na lilipat ka pala ng school,hampasin kita ehh." - Lia

" Ay naku tehh pano ko sasabihin kung nasa ibang bansa ka, mahal kayang tumawag sa ibang bansa." napairap ako kahit di niya makikita.

" Hayy oo na, pero tehh, bakit ka nga nagpalipat nang school? Wag mong sabihing––– WAHHH!!!" napalayo na naman yung phone ko sa tinga, letse masisira yata eardrum ko.

" Wahhh!! Tama ka tehh!!" tili ko rin. Para na akong tanga rito, nakikipagsigawan sa phone, pero dedma langa hahha.

" Si Aicka yun,hindi ako,"- si Lia

"Alam ko, hahhhah, magkasama pala kayo. Nakauwi na rin pala siya. Buti pa kayong dalawa."- ako

" Hahah, sira ka talaga! Ammh, yap nagkita kami sa airport pagakauwi namin. Pero Ash, marami din bang gwapo dyan?" siraulo talaga tong babaeng to, mana sa akin, hahahah.

" YESS BEHHH!!! Super! Ngayun nga oh, nasa harapan ko silang lahat, huhuhu!!!" tili ko, hahha pinagtitinginan na ako ng mga student na nandito ngayun. Pati yung mga naglalaro. Pati na rin si Wyn nakakunot pa yung noo, ma gosh ang sama makatingin.

" Miss, wag ka dito tumili ng tumili, nakakadisturbo ka!" sigaw sa akin nung isang babaeng nakaupo sa bench.

" Seree okee! Serree sa kaINGAYAN ko tehh!" sarcastic kong sabi sabay alis. Nakakainis kala mo naman ako lang yung maingay eh mas malakas pa nga tumili sa akin yung mga haliparot na nag checheer kina Wynter ehh. Sarap hambalosin ng cellphone!

" Oh, anong nangyari? " napatingin ako sa phone ko, kausap ko pa pala sina Lia. Nakalimutan ko tuloy.

" Yung mga haliparot don, naiingayan sa akin. Sarap ibaon ng buhay, mas maingay pa nga sila sa akin ehh kasi marami sila." nag aalborotong sabi ko.

*Cring! Cringg!* (Alarm po yan sa school)

" Sige besh, eend ko na, magsisimula na yung second class ko. Babosh, lab lab"sabi ko tsaka nagmamadaling inioff yung phone.

************
Pagdating ko dun wala pa yung teacher namin kaya umupo na lang ako sa pinakadulong upuan malapit sa may bintana.
   Mga ilang minuto pa bago dumating yung teacher. Nagpakiala langbito tsaka nag simula nagturo.

Blah....

Blah...

Blah.....

*Cringgg!!!!!*

 
    Uwian na!!kaya nagmamadali na akong lumabas nang room. Kailangan ko kasing alamin kung saan nakatira si Wynter. Susundan siya, hehhe.

Paglabas ko nang gate pumuwesto lang ako sa may gilid, hinihintay kong lumabas siya kaso lumipas na ang halos isang oras na paghihintay di pa rin lumalabas si Wynter. Halos wala nang student ang nasa loob. Napasimangot tuloy ako.

" Nakauwi na yata siya, kakainis!" kausap ko sa mga damong nasa harapan ko. Haysst nakakainis talaga.
No choice ako kundi umuwi na din.

*********
   Naabutan kong walang tao sa bahay tulad nang dati, tulad nang palaging nangyayari.

Dumiretso na lang ako sa likod bahay. May duyan kasi rito at masarap yung hangin.

Humiga ako sa duyan at tiningnan yung mga bituin. 7 na kasi at malapit nang lumabas lahat ng mga bituin.

Naisip ko, si Wyn parang mga star ang hirap abutin mali pala impossibleng abutin.

  Nalungkot ako sa naisip pero ipinangako ko na sa sarili ko na susugal ako kaya kahit anong mangyari magiging kami ni Wyn.
Tama ako yata si Psyche Throe Ruelles, matapang at wala sa bokabolaryo ang salitang pagsuko. Kaya mo yan Sy!




To be continue....

A/N: Pls vote😉
Kundi ibabaon ko kayo ng buhay. Hahahah, jowk!
Pagpasensyahan nyo na guys, di masyado ng maganda ehh,hahah. (Maka guys kala mo may nag babasa haha)




All About LoveWhere stories live. Discover now