Back on track.

2.7K 74 1
                                    

The next day nagpaalam na kami kyla mom at dad na babalik na kami ng manila. Syempre si mom eksena nanaman, at kay seb lang nag drama mas nalungkot pa sya dahil sa pag alis nito kysa sa akin na anak nya. Kaya laking pasasalamat ko nung nakaalis na kami. Nakasakay kami ni celine sa sasakyan ni seb, si jen naman kay kuya sumakay. Una akong hinatid ni seb sa condo, pag dating ko dun wala pa si jen kaya naisipan ko nalang mag handa ng dinner.

Dumating si jen after 1 hour at saktong nakahada na ang dinner namin, dumaan pa pala si kuya sa office at may kinuha kaya natagalan. Habang kumakain...

"Mag eenroll na ba tayo sa review center?" Tanong ni jen.

"Oo, sabay na tayo hay di parin natatapos ang paghihirap natin kailangan parin natin mag aral."

"That's life bessy ka excite kaya this time magkakasama na tayo!" Sabi nito habang tuloy tuloy ang pagkain. Gutom na gutom?

--

Lumipas ang 1month at 1month narin kami sa review center. Kahit madalas natutulugan ko lang ang lecture at wala masyadong natututunan pumapasok parin ako. Kaya heto kami ngayon ni jen.

"Aba teh mukhang himala ang gusto mong mangyari! Nagreview center ka nga pero lagi kang tulog. Pano ka papasa?" Panenermon nya.

"Papasa ako tiwala lang!" kahit malabo mangyari.

"Wala akong tiwala sayo!Ngayon palang ipunin mo na ang dragon balls para makapag wish kang pumasa! Makipag tulungan ka na kyla goku at picolo." Sasagot pa sana ako pero biglang nag annouce ang lecturer.

"Nakapost na ang scores nyo sa likod dun sa exam nyo, congrats sa top10 keep it up guys at sa iba alam kong kaya nyo rin yan." Nag tayuan naman lahat ng nasa room at tumingin sa score board. Shit pasang awa nanaman ako papasa nga kaya ako nito?si jen naman walang problema yan sa pag aaral kahit malandi masipag yan mag aral di tulad ko.

"Sabi ko sayo bessy simulan mo na hanapin ang dragon balls! Tignan mo si carl oh top1 nanaman consistent nakakabilib talaga sya pano nya ba nagagawa yan?" Bilib na bili na sabi nya. Si carl, sya nanaman? Sobra talino nya sana pwede mahiram ang utak nya.

"Sus! Matalino nga e ang sungit naman snobero akala mo kung sinong gwapo."

"Eh bessy gwapo naman talaga sya ha halos lahat nga ng girls crush sya. Kakaiba kasi ang dating nya. Bat di ka kaya humingi ng tulong sa kanya para pumasa?"

"Wag na no mapahiya pa ako." Di na nagpumilitsi jen, bat nga kaya ganun ang lalaking yon? Walang kasama at ayaw makipag usap. Schizoid ata.

Natapos nanaman ang isang araw na lecture naunang umalis si jen dahil may bibilhin pa raw sya sa mall, susunduin daw ako ni seb kaya dito ko nalang sya hinintay sa may tapat ng review center. Pero mukhang minamalas ako dahil biglang umulan at wala akong dalang payong. Kailangan ko pang tumawid para makabalik sa review center para makasilong, nagulat ako ng may biglang pumayong sakin.

Si carl. Tumawid kami para makasilong. Nauna na akong nagsalita dahil malamang di naman to magsasalita.

"Thanks carl! Buti nalang nandun ka kundi naligo na siguro ako sa ulan!" Nakangiting sabi ko rito. Pero di naman to sumagot at parang wala lang narinig.

"Im angel nga pala, gel para mas short!" Wala paring sagot.

"Hoy ganyan ka ba talaga di ka marunong makipag usap?" Tanong ko,

"Bat kailangan nating mag usap? Para saan? Tatalino ka ba?"

"Ang yabang mo naman! Para mo naring sinabing bobo ako!" Naiinis kong sabi sa kanya akala mo naman kilala nya ako kung makapag salita to,

NOT your FanWhere stories live. Discover now