Feelings

4.2K 127 0
                                    

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at nakatambay dahil di na ako p.a. Nadagdagan na ang free time ko. Kaya heto kami ngayon nasa kama ako kaharap ang ipad sya naman ang laptop.

"Bessy alam mo bang may gusto sayo si david?" Biglang tanong nito.

"Oo! At sinabi ko narin sa kanya na hanggang friendship lang ang kaya ko ibigay."

"Agad-agad? Kaya di ka nagkaka boyfriend kahit dati pa e pinifriendzone mo agad yung iba minumura mo pa!"

"Ah ganun? Personalan?" Seryosong sabi ko sa kanya.

"Joke lang! Ang sungit mo lately buntis ka ba?ay bat ko pa ba tinanong ano yan Immaculate Conception?" Sabi nya sabay malakas na tawa. Hinagisan ko nga ng chichirya.

"Paki explain nga kung pano kita natatagalan?"

"Because you love me? Ay bessy tignan mo tong pinsan mo oh anyare? bat ang hotness na nya ngayon? Di na sya bagets sa paningin ko." Sabi ni jen habang nakatingin sa laptop nya kaya lumapit naman ako.

"Malandi ka talaga kung isumbong kaya kita kay kuya na minamanyak mo ang pinsan namin?" Sabi ko sabay sabunot.

"Ouchy naman! Kailangan manakit?tsaka minamanyak agad? Di ba pwedeng inaappreciate lang?"

"Mukha mo!Pareho lang yon para sayo. Akala ko pa naman nagbago ka na manyak ka."

"Maka manyak wagas teh tao lang ako at babae... Mahina, marupok, mayumi."

"Ang dami mong alam! E kamusta naman kayo ni kuya?" Tanong ko sa kanya. Kapag gusto mong maka usap ng matino si jen gawin mong topic si kuya gab.

"Okay naman kami sweet na ulit sya." Biglang simangot ang drama ng lola mo.

"Eh bakit nakasimangot ka dyn?"tanong ko.

"Kasi 3 days nalang birthday ko na! Parang wala naman syang plano para sakin." pagmamaktol nito.

"For sure may pasabog yan si kuya! Yun pa ba ang mawawalan?! Kung wala naman mukha nalang nya ang pasabugin mo tulungan pa kita" tumawa naman to ng malakas.

"Hahahahaha you're so gaga talaga! Kaya kita love! Pero wag naman ang face ng future husband ko di pwede magasgas"

"Bat ka naman tumawa agad?magtitirik pa sana ako ng mga kandila dito at ipag dasal ang problema mong sobrang bigat."

"Ano ka big deal yon for me. Tse!"

"Maka emote ka dyn kayo na ba!?"

"Alam mo ang sagot dyn syempre hindi pa! hanggat di pa nga daw ako nakakagraduate akalain mo yon parang ako ang nanligaw teh sya pa ang nag bigay ng kundisyon kalerke."

"Eh kayo? Kayo na ba?" Pahabol nya.

"Ha? Nino? Ni seb?"tanong ko.

"Nagtanong pa may iba pa bang nag tatyaga sayo? Hahaha!"

"Baliw! Hindi pa no!"

"Pero may feelings na ba?" Naisip ko bigla si seb di ko namalayan napapangiti na ako.

"Siguro" sagot ko.

"Ako pa ba ang lolokohin mo e kitang kita naman sa fez mo!LOL!" Kinikilig na sabi ni jen.

"Para kang baliw dyn!" Sigaw ko.

"LOL ka talaga bessy!" Kinikilig parin nyang sabi.

"Bat ka ba lol ng lol?"

"LOL! As in LANDE OVER LOAD HAHAHAHAHA!" Natawa nalang din ako sira ulo talaga!

"Ulol ka naman."

NOT your FanWhere stories live. Discover now