Chapter 1

443K 4.9K 942
                                    

Written by: nerdyirel/irel b.

All rights reserved 2012.

Guys! Book 2 na po ito ng Stuck in the Moment okay? Kung hindi niyo pa po nababasa yung book 1, please buy the published book. Available in bookstores nationwide! MAHALAGANG MABASA NIYO IYON PARA MAINTINDIHAN NIYO ITO ^_^ (Kaso vol. 1 pa lang po ang napapublish hehe)

This story won as BEST TEEN FICTION in Watty Awards Philippines 2013 ♥

--------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1

Kathryn’s POV

After a year…

  

“Number 26 shoots! 3 points for Padilla University!”

Nag-rock and roll sign ang napaka-poging boyfriend ko kaya ayun!

Nagwala at nagsigawan na naman ang mga tao dito.

Mapa-babae or mapa-lalake, sumisigaw.

Daming baklang naghihiyawan oh!

Nandito kasi kami ngayon sa gymnasium ng college gym ng PU.

Last game na ng competition kaya pati yung mga students sa ibang school, pumunta dito.

Crowded tuloy kami.

“Number 03 stole the ball!!” Natawa na lang ako dahil naagaw ni Quen yung ball kay Diego.

Makaka-shoot na sana si Enrique when Daniel stole the ball again.

Natawa ulit ako.

Ang loko eh!

Hindi talaga papayag na malalamangan siya.

Halos silang dalawa lang ang naglalaro.

Sobrang hiyawan na nga ng mga tao.

Kahit ako, gusto ko ng sumigaw kaso ayokong ma-distract si DJ.

Ang intense na kasi ng paligid eh!

Ten seconds na lang bago matapos yung game.

“10…9…8…”

Nag-count down na yung mga tao dito.

Lahat kami nakatayo na rin dito sa bleachers.

Putek! Tie pa yung score ng AMU AT PU.

Fourth Quarter na kaya ng game nila!

Kapag hindi pa nanalo kahit isang team dito at tie pa rin, dagdag five minutes na naman yun.

Stuck Forever with You (Stuck Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon