Chapter 1

2.2K 88 17
                                    

Andrei's POV

"Naku Drei! Saan ka ba pumupunta batang ire? Kanina ka pa hinahanap ni boss! Pina-page ka na nga niya eh." Nasestress na sambit sa akin ni manong Ester, ang matandang guard dito sa kumpanya.

Napa-iling na lang ako sa sinabi niya. Gustuhin ko man mag-facepalm, hindi ko magawa dahil may mga bitbit ako na pinautos sa akin ng magaling kong BOSS. Oo magaling siya. Sobrang galing niya nga eh. Ang galing niyang makalimot kaagad.

Ganito kasi 'yan, maayos akong nagtatrabaho sa lugar ko kanina. As in chill lang akong nageencode ng mga data. Tapos itong magaling kong boss, tinawagan ako. Kailangan niya daw ako sa opisina niya.

Since I'm a very obedient secretary, I went to his office showing my perfect smile and posture. I thought he's going to praise me for being his best secretary or maybe, he's going to increase my salary. However, he just only looked at me with dull eyes and asked me "what does she want?"

I was like, "what the fuck are you talking about, boss?" But of course, I didn't tell him that 'cause I still love my job and my precious life.

"Boss sinong she?" Tanong ko na akala ko sasagutin niya pero may follow-up question pa pala siya.

"How 'bout a box of chocolates?  Bouquet of flowers?" Tanong niya ulit na hindi ko alam kung ako ba talaga ang tinatanungan niya o ang sarili niya. Kasi naman, di niya naman ako sinasagot.

"Boss," tawag ko ulit sa kaniya pero imbes na pansinin ako, nagsimula na siyang tumayo sa upuan niya atsaka naglakad ng pakaliwa't-kanan.

"What kind of flowers does she like? Rose? Sunflower? Tulips?" Sambit niya nanaman sa sarili niya.

Ako ba talaga yung pinapatawag nito?

At dahil hilong-hilo na ako sa mga ginagawa niya, pinuntahan ko siya at tumayo sa gitna at harap ng mesa niya since doon siya naglalakad-lakad.

Boss, ako na ang nag-adjust. Nandito na ako. Pansinin mo naman ako. Nakakatampo ka na.

Ang magaling kong boss hindi pa din ako pinapansin kaya ang pinakamatalinong ginawa ko ay ang pigilan siya. As in pagkarating niya sa gitna hinawakan ko na kaagad yung magkabilang balikat niya atsaka ko siya pwersahan na pinaharap sa akin.

Anong sabi ko kanina? I still love my job and my precious life diba? Oh well, life sucks. Mukhang kailangan nang ituloy ng tatay ko ang pagbabayad sa lupa kung saan ako ililibing.

"Boss, okay ka lang?" Tanong ko at tutal alam ko naman na bilang na lang ang mga oras ko dito sa mundong ito ay nakipag-eye-to-eye contact na ako sa kaniya.

"Hello Kitty? Does she still love Hello Kitty?" Tanong niya na ata sa akin kasi nakatingin na rin siya sa akin habang sinasabi niya 'yon.

Fuck. Kailangan kong makipag-inuman sa mga pare kong makulay mamaya.

"Drei, help me buy some gifts for her." Seryoso niyang sinabi sa akin na ikinagulat ko.

Himala! Isang himala! Humihingi ng tulong sa akin si boss? Ano 'to? Sasamahan ko siya?

"Saan tayo bibili boss?"

"Ikaw nang bahala. Ibibigay ko na lang sayo card ko." Sabi niya na ikinataka ko naman.

Sandali, akala ko ba tutulungan ko lang siyang bumili ng mga regalo? Bakit parang ako na lang ata ngayon yung bibili ng regalo?

"Ano po boss?" Wala sa sarili ko pa ring tanong sa kaniya pero hindi niya nanaman ako pinansin. Kinuha niya ang pitaka niya sa loob ng coat niya atsaka inilabas ang black card niya.

"I'll leave the rest to you." Sambit niya bago ibinigay sa akin ang black card niya atsaka tinapik ang kanang balikat ko.

Kingina. Pareng berde! Pareng asul! I need you! Malapit na akong mabaliw sa kaibigan niyo!

At 'yon ang dahilan kung bakit may mga bitbit akong regalo ngayon. Masyadong cliché lang naman yung mga binili ko. A box of chocolates kasi 'yun daw ang simbolo na sweet kasa kaniya. Isang bouquet kasi nakakatouch daw 'yon sa mga babae at ang huli kong binili ay isang Hello Kitty cake. Doon pa lang kasi sa binanggit ni bossing na Hello Kitty, alam ko na kung sino ang kinababaliwan este yung sinasabi niyang "she".

Yung "she" na 'yon, she's the one who made him crazy just by thinking about her. She's the one who made him wait for years. She's the one who warmed his cold heart and stole it after. She's the only one for him. She's his Ms. Pambara and the only sunny thing in his life.

Hindi ako ang mga nagsabi niyan. Si boss talaga ang mga nagsabi niyan habang lutang pa rin siya sa kagaguhan na ginawa daw niya which is 'yun nga pinakawalan niya ang babaeng kinababaliwan niya na pala at mahal niya pero wala naman daw siyang magawa kundi maghintay na lang daw.

Si bossing kahit isa't-kalahati ay mali. Kahit isang buong mamaw siya sa opisina, sobra akong nalulungkot para sa kaniya. Mabait naman si bossing eh hindi nga lang halata. Kapag umalis na ang lahat ng mga staff niya sa kumpanya, kami na lang matitira tapos bubuksan niya yung mga mamahaling alak niya tapos magtutungga na kami sa private room niya.

Oo may malaking private room siya sa loob ng opisina niya at ako pa lang ang nakakapasok doon kaya nga masasabi kong proud ako bilang secretary niya. 'Yon din ang dahilan kung bakit minsan inaaway ako ni pareng berde kasi nakailang attempts na siya na pumasok doon pero palagi siyang nahuhuli ni bossing kaya 'yon. Napaparusahan siya.

Saksi din ako sa samahan nilang magkakaibigan. Actually, new member nga lang nila ako pero siyempre, iba pa din yung aura kung silang apat yung magkakasama. Hindi naman ako naleleft-out sa kanila, linulugar ko lang ang sarili ko minsan atsaka may sarili din akong barkada kaya okay lang.

"Hala! Ano pang dine-daydream mo diyan hijo? Puntahan mo na si boss!" Pangungulit sa akin ni manong na ikinabalik ko sa huwisyo.

Ito na nga po. Pupunta na. Si manong talaga hindi ko alam kung concern ba siya sa akin na baka sermunin ako ni bossing kasi di ako nagpakita kaagad sa kaniya o ayaw lang talaga ni manong nakakakita ng gwapo sa harap niya? Hay... ang hirap talaga magkaroon ng ganitong hitsura. Bakit nga ba hindi na lang ako nag-apply bilang model? Sayang yung pinamana sa akin na magandang lahi ng magulang ko kung hindi ko lang naman irarampa sa maraming tao diba?

Naku bossing sinasabi ko na sayo, pasalamat ka talaga at ako ang naging secretary mo.

Steven's POV

Inaayos ko na lang yung mga papel ko since I've already finished every paperworks that I have for today when there's a sudden knock on my door.

"Come in." Sagot ko bago pumasok si Andrei, ang secretary ko na may bitbit na tatlong bagay.

Hindi ko muna siya pinansin dahil kinuha ko muna ang phone ko atsaka ang susi ng sasakyan.

"Boss," tawag niya sa akin pero di ko pa rin siya pinapansin bagkus ay tinapik ko na lang ang kanang balikat niya atsaka sabay sinabing "thanks, dude." After telling him those words, I took all of the things that he bought and made my way out of my office.

Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ulit ang boses niya dahil mukhang nakalabas na siya ng opisina ko.

"Boss! You owe me big time!" Pahabol niyang sinabi na ikinangisi ko lang at nagpatuloy pa din sa paglalakad.

I hope she will like these things. Damn. Getting nervous is definitely not cool.

Ms. Pambara meets Mr. Pilosopo againWhere stories live. Discover now