Chapter 3

293 18 3
                                    

Chapter 3: [Tears]

Wayne's POV

Tangna. Ako galit? Hindi ah. Galit na galit. Iwanan ka ba naman ng taong mahal mo ng walang pasabi kung hindi ka masaktan eh manhid ka non.

Ganto ba ung naramdaman nya nung iniwan ko sya? Pero walangjo naman oh, nagsabi naman ako sakanya na babalik ako eh. Bakit sya umalis ng hindi man lang nagsasabi.

Ginagantihan nya ba ako kasi iniwanan ko sya? Andito na nga ako bumalik nga ako diba? Ni hindi man lang nya ako kinausap. Wala kahit man lang pasabi kung aalis sya.

Fvvk. Ang sakit lang eh.

" Wayne tama na yan." Sabi ni Ellen saka kuha ng bote ng alak sa kamay ko. Sya ang best friend ko simula pre school kami "Nakaka isang case ka na oh!"

"Grabe ang OA mo ah. Hindi pa nga ako nakaka dalawang bote." diretsong sagot ko. Tinignan nya ako ng diretso sa mga mata. Bakit ba hindi nalang ako sakanya nagkagusto? Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

"Bakit ganon YamYam?" tanong ko sakanya na ikinamutla nya. "H-huh?" natuutal na tanong nito.

"Bakit ka nauutal?" hinawakan ko yung leeg nya, "Namumutla ka pa? Wala ka namang sakit ah?" agad sya lumayo at tumalikod.

"Iwan na kita dyan. Bahala ka na nga!" at ayun iniwan nya ako.

Lahat na lang ba ng tao iiwanan ako? Ibinaling ko ang tingin ko sa dance floor nitong bar. Ang daming chix! Pero kay Helena lang ang puso ko.

May napansin akong isang couple. Ay hindi siguro sila couple kasi si guy pinipilit halikan si girl. Si girl naman layo ng layo. Sa inis ni lalaki sinabunutan nya ung babae. Aba tarantado to ah!

"Hoy!" sigaw ko ng makarating ako sa dance floor. "Wag mo ngang pilitin tong babae na halikan ka kung ayaw!" sabay kuha ko sa kamay nung babae.

"Sira ulo ka ba!? Wag ka nga mangielam! Sino ka ba!" kinuwelyuhan ako nung lalaki. Baliw ba to? Isang beses na hinawakan ako para mo na ring sinabi na patayin kita.

"Tama na please!" mangiyak-ngiyak na sigaw nung babae. Naawa ako sa itsura nung babae. Hindi sya mukang prosti. Puno ng luha ang mukha nya.

Hinatak ko palayo sa dance floor si Miss pero agad naman ako nakatanggap ng sutok galing dun sa lalaki nagkagulo tuloy sa buong bar tas dumating din ung mga bouncer.

"Sya ba ung lalaki mo ha Jonah! Sya ba!" ngayon hawak hawak na nung lalaki sa bibig ung babae.

"Tama na yan! Kung gusto nyo mag away sa labas kayo!" sabay hawak samin nung tatlong bouncer. Dinala kami sa parking area. "Dyan! Dyan kayo mag sapakan!"

Binalingan ng tingin nung lalaki ung Jonah daw. Tangna. Tumulong lang ako nadamay pa ko dito. "Ano Jonah, sya ba huh!?" sigaw ulit nito.

"Hi-hindi Kristoff. Hi-hindi ko nga sya ki-kilala." ah Kristoff pala pangalan nung lalaki.

"Eh tangna kang gago ka! Bat ka ba nangingielam." susuntukin sana ako nung Kristoff pero humarang si Jonah. SHT!

Nasalo ko si Jonah kasi nasa harap ko sya natumba. Fvck hindi na talaga ako mangingielam. Ako pa ata mapapagastos.

At pagtingin ko aba ung gagong Kristoff wala na. Iwan ko kaya to dito? Kaso baka mamatay tapos multuhin ako.

Wag na, dadalihin ko nalang to si Miss Jonah sa hospital. Kinarga ko sya tas ipinasok sa kotse ko. Chineck ko ung cellphone ko. Aba may text! Baka si Helena!

1 message from YamYam...

Asa ka pa kasi Wayne na magtetext un. Dibali na nga lang. Nislide ko ung screen ng phone ko.

From: YamYam

Hoy lalaki, wag ka magpapakalasing at magdridrive ka pa! Uwi na!

Ang bossy naman. Tss.

To: YamYam

Yes ma'm! YamYam tulungan mo ko, punta ka sa ospital malapit dito sa bar.

Tinignan ko ung katabi ko. Maganda sya, sayang malas nya sa pangit nyang boyfriend.

From: YamYam

Ano nanaman nangyari sayo!? Sabi kasi magingat eh. Sigesige. Papunta na.

Ay OA lang tong si YamYam eh. Sabi ko lang naman tulungan ako. Tsaka ipagpalagay na nating may nangyari saakin, pano ako makakapunta sa ospital? Pssh. Di talaga nagiisip si YamYam.

To: YamYam

Hindi naman kasi ako. Basta! Mahabang kwento!

Nakarating na ako sa ospital at pinark ko ung kotse. Binuhat ko ulit babae at dinala sa Emergency Room.

"Kayo po ba ang kasintahan ng pasyente?" tanong agad nung nurse. Tanga lang? Nakita ng putok ung labi ni Miss Jonah tapos uunahin pang manginterview?

"Alam mo miss nurse na chismosa," agad nanlaki ung mata nung nurse "Girlfriend ko man yan o hindi, baka naman gusto mo munang tanungin kung ano nangyari bago mo ko tanungin kung kasintahan ko sya."

"Tinanong ko lang naman po kung kaano ano mo sya." aba't tinatarantado ako neto.

"Miss nurse na chismosa't sinungaling, ang sinabi mo kung girlfriend nya ung babaeng un, hindi mo sinabi kung kaano-ano." mataray na singit ni YamYam.

"Pasensya na po Ma'm, Sir." sabi nung nurse. Psh. Parang hindi naman nag sorry. Sobrang hindi sincere.

"Aray! Putcha!" napahawak ako sa batok ko ng binatukan ako ni YamYam. "Para saan naman yon!?" tsk! May pasa na nga ako eh! Ang gwapo kong muka.

"Para sa pakikipag away ng walang dahilan." nakapameywang na sagot nya habang nakataas ang isang kilay.

"Nakipag-away ako kasi tinulungan ko ung babae. Masama ba yun ha!?" tss. Bahala na nga. Iniwan ko sya at tumalikod na.

"Hoy! Pinapunta mo ko dito tas iiwan mo din ako!? At hoy! Sino magbabayad sa bill nung babae!?" aba't!

"Pinapunta kita dito kasi kailangan ko ng tulong hindi para mangsermon." malamig na sagot ko. Psh. Ladies and there armalite bunganga.

"Ang drama mo naman Yam! Bayadan mo nalang kaya ung bill para makaalis na tayo! Libre kita ice cream para kasing bata!" sabay inabot nya ung leeg ko at inipit sa kilikili nya at ginulo ung buhok ko. Gets nyo?

"Hoy ano ba! Ung buhok ko!" ang liit liit kung umasta kala mo siga. Kababaeng tao kala mo lalaki kung gumalaw. Psh. Tomboy ata to si YamYam eh.

Binayadan ko nalang ang bill at binilin sa mga nurse na babalik ako kinabukasan at wag nila papaalisin ung babae.

"Tara na nga YamYam!" inakbayan ko si Ellen. Bakit ba naiisip kong si Helena ang kasama ko. Psh.

HelenaWhere stories live. Discover now