Destined 1

7K 102 9
                                    


Omega.

Bata palang ako ayun na ang naririnig ko na tawag sakin ng mga kapatid ko. Isang salot sa pamilya ng promenenteng All alpha family.

Di ko pa noon alam kung ano yon. Ang alam ko lang lalaki ako. Ayun ang gender ko pero habang lumalaki ako. Unti unti kong naintindihan kung ano yun.

Sa mundong ito. Hindi lang nabibilang sa dalawang gender na babae at lalaki ang population. May pangalawang classification pa na nahahati sa tatlo.

Ang mga Alpha o mga superior type. Mga Leaders, lahat ng successful na tao ay halos mga Alpha. Why? Because halos nasa kanila na lahat. Beauty, brain and even skills sinalo na ng uri nila.

Mga Beta o mga normal na tao na nabubuhay sa normal na pamumuhay sila ang pinaka madami 70% ng population ay Beta. Kahit na di sila ganun sa mga Alpha maswerte parin sila dahil normal sila. Wala silang ibang iniintindi kundi buhay nila.

At ang mga kagaya kong Omega.

Omega or rare type. Sobrang rare kami na 10% out of 100% ng population sa buong mundo lang ang uri namin. Pero kami ang pinaka may mahirap na buhay. Bakit? Dahil isa kaming Omega. May quarterly cycle ng heat. At pag nangyari yun kahit na ayaw namin na-a-attract namin ang mga Alpha at minsan mga Beta. Tapos pag ni-rape nila kami kami pa may kasalanan dahil nilandi daw namin sila. Arrg!! Isang patapong uri ng lipunan ayun ang tingin nila samin.

"Anak Kei tanghali na. Ma-le-late na ka na." Sabi ni mama sabay tapik sa balikat ko. Napatingin ako sa kaya.

Si Nay Minda. Isa syang Beta. Simula ng ma identify ako bilang omega pina alis na ako ni papa sa bahay at dinala kung saan man malayo sa kanila. Sabagay kahihiyan ako. Isang omega. Shit! Si Nay Minda lang ang naiwan sakin at tumayong magulang ko.

"Ayokong pumasok, nay." Sabi ko sabay talukbong ng kumot kayalang ayun sa kakulitan nya pinagkakakiliti ako. Nawala tuloy antok ko.

"Nay tama na. Haha ok na ok na maliligo na ako." Sabi ko. Tumayo na ako sya naman inayos ang kama ko.

"Ako na dyan."

"Hindi maligo ka na. Student council President ka tapos ikaw pa tong hindi sumusunod sa rules. Nako, sige kang bata ka. Maligo ka na." Sabi nito. Wala na akong nagawa at agad na akong naligo.

--------

"Anak yung pills mo? Dala mo ba? Dapat may dala ka lagi sa bulsa mo. Yung injectable suppressants mo. Nasa bag mo ba meron pa ba sa locker mo?" Tanong nya sakin ng palabas na ako ng bahay. Ngumiti nalang ako ng unti. Inaayos naman nya ang mahaba kong buhok na naka tirintas. Simula ng paalisin akonsa bahay noong 13 years old ako di ko na ginupitan ang buhok ko. It means a lot to me. Parang paalala na dapat akong mag excel sa bagay na gusto ko at di ko hahayaang humadlang ang second gender ko sa mga pangarap kong yun. Kaya hanggat di ko natutupad ang pangarap ko hinding hindi ako magpapagupit.

"Ok lahat nay. Sige alis na ako." Sabi ko at naglakad na palabas.

"Wahhh si senior Akashi!! Ang ganda talaga nya kahit lalaki sya."

"Ang ganda ng buhok nya. See kahit naka tirintas hanggang bewang nya! Nakaka inggit. Ang tangkad pa nya! 185cm sya diba?"

"Beta lang ba talaga sya? Pustahan Alpha sya!"

"Gigs, diba nga nung may first year na omega na nag heat sya ang tumulong kasama ng mga beta. Kaya di sya alpha."

Ang dami dami nilang sinasabi. Di ko nalang sila pinansin naglakad nalang ako ng naglakad. Papasok na ako mg school ng...

"Akashi-senpai!!!" Sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko. Si Gabriel isang omega kagaya ko. Yung first na tinulungan ko noong isang taon. First time lang pala nya noon na mag undergo ng heat. Buti nalang at nasa malapit ako kundi napano na sya. Second year na sya ngayon at di na naulit ang aksidenteng yun. Kinuha ko narin sya under student council supervision kaya naman wala ng nakakagalaw sa kanya.

My Destined Pair (OMEGAVERSE BOYXBOY)Where stories live. Discover now