Chapter 7:

15 1 1
                                    

^^v

----

SYRIL'S POV

"Thank you sa pag hatid, Sy.. Ingat ka pag uwi bye" paalam sakin ni Aya ng nakangiti at pumasok na sa loob ng tutuluyan niyang condo kasama ate niya .

Pumasok ako sa loob ng kotse ko ng may ngiti sa labi saka pinaandar.

Seeing those smile of hers, mapapangiti ka din talaga. Inlove na nga talaga ako kay Aya. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko ng ibang -iba siya sa mga babaeng nagkakandarapa sakin. Well, Gwapo eh, Hahaha. Hindi niya nga lang napansin ang kagwapuhan ko.

Nagustuhan ko siya kasi simple lang siya, maganda, basta para sakin perfect siya eh. Ngayon lang ako nainlove ng ganito, I do have crushes but hanggang dun lang yun. Kay Aya na love at first sight ako.

Gusto ko siya ligawan but I don't know how? Hindi ko pa nasusubukan manligaw noon. Hindi ko alam paano mag sisimula, last week madalas ko na siya sinusundo at hinahatid pauwi. Hindi ko alam kung enough na ba yun?

What a stupid question?! Isip-isip ko. Syempre that's not enough right? Knowing girls gusto nila yung may effort.

'Bahala ka, baka maunahan ka'

Sh*ts!! Naalala ko na naman yung sinabi ni Alien kong kapatid kanina. Bahala na! bukas na bukas tatanungin ko na si Aya.

'Pero paano kung busted ka? ' tanong ng puso ko.

'Bigti kana pre' sagot naman ng utak ko. 

Aish! Bahala na si Barney -,-

Pinark ko na yung kotse ko at pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko naman si alien kong kapatid nakatulala habang nginangatngat yung choochoo.

Nilapitan ko siya saka kinalabit. Kaso hindi kumikibo eh. Tulala pa rin.

*ting!*

Dahil may naisip ako, pumunta ako sa kusina. Kumuha ako ng kaserola at sandok tapus lumapit ulit sa kanya.

1 ..2..3

*PANG PANG*

"HAPPY NEW YEAR!!!" Sigaw ko sa tapat ng tenga niya habang pinopokpok yung kaserola ng sandok wahahahaha

"WAAAHH HAPPY NEW YEAR!! HAPPY NEW YEAR!!" Sigaw ni sars habang tumatalon saka takip yung tenga niya. Di ko napigilan matawa.

"Pft - HAHAHAHAHA" tawa ko habang hawak ko yung tiyan ko. Sakit eh. Grabe epic talaga ng itsura niya. Nabitawan ko yung hawak ko saka nag pagulong - gulong sa upuan katatawa whahahaha

Grabe! Alien talaga itong kapatid ko. Haha

*POK*

"Aww ! " sigaw ko sabay hawak sa braso kong hinampas ng sandok ni alien ko kapatid.

Napatingin ako sa kanya. "Pft-hahaha " kaso hindi ko mapigilan hindi matawa.

Tinignan niya lang ako ng masama saka umupo ulit.  Bumuntong hininga pa siya.

Mukhang may problema si sars. Kilala ko yan kapag hindi siya gumaganti sa mga trip ko maliban sa isang hampas, may problema yan. Dagdag mo pa yung pag buntong hininga niya. Tumabi ako sa kanya.

"Spill it " sabi ko sa kanya. Gusto ko siya tulungan sa problema niya, kuya niya ko eh. Tapos ang pogi ko pa haha

"Wala kuya, gutom lang ako" palusot niya sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STAY close, DON'T go..Where stories live. Discover now