Chapter 6:

19 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Yay! :D Thankyou po kay Y0gurt_milk <3 Hi there! haha nagkaroon ako ng bagong friend :D and Thankyou rin sa mga readers! :) <3

Enjoy! ^^

______

SARIAH'S POV

"Goodmorning sainyo!" sigaw ni kuya with matching open arms pa. Mukhang maganda gising.

Nandito kami ngayon sa kusina. Kumakaen kami ni Mom ng breakfast. Wala pa rin sila lola manang baka next week na daw sila makabalik dito.

"Goodmorning kapatid" bati ni kuya sakin sabay kiss sa cheeks ko. "Goodmorning maganda kong ina" bati naman ni kuya kay mom with kiss din sa cheeks

"Bakit si mom may maganda? ako wala? maganda naman ako ah" sabi ko sabay pout.

Ang unfair kaya -3- . Maganda rin naman ako e, kasing ganda ng pagsikat at paglubog ng araw Bwahahaha xD

"Wag ka nga mag pout! mukha kang pato" sigaw ni kuya sakin sabay upo sa tabi ko at nagsimula kumain. Kumuha lang siya ng TINALOGHOT. tinapay+itlog+hotdog <3 haha okay.

"SWAN kuya! Grabe ka!, mahal mo talaga ako. Tagos-tagusan sa puso" sabi ko *insert sarcasm* sabay lagay ng right hand ko sa dibdib

*POK*

*POK*

"Aray!" sigaw namin kuya sabay hawak sa ulo na pinalo ni mom gamit yung sandok ng kanin.

"Nagsisimula na naman kayo! Aga-aga! Pinag aawayan nyo kagandahan ko! Kumaen nalang kayo!" sermon ni Mom with matching flip pa ng hair.

Nagkatinginan nalang kami ni kuya saka ulit tumingin kay mom sabay..

"Pft- BWHAHAHAHA" tawa namin ni kuya. Ang taray lang kasi ni Inay. Well? Maganda naman talaga siya pero mas maganda ako bwhahaha . maliit na bagay. kafal!

"Mom, tigilan mo po pag singhot ng katol sa ulo ni simsimi Bwhaha" biro ni kuya tapos tawa na naman kami ulit dalawa.

*POK*

*POK*

At syempre naka tikim na naman kami ng hampas de gulat ni kuya. -3- Saka kami tinignan ng masama. Nagkatinginan kaming tatlo saka--

"Pft-HAHAHAHA" tawa naming tatlo. Ganito kami pag magkakasama. Parang tropa lang, pero di namin kinakalimutan ni kuya na parents pa rin namin sila at kailangan galangin. Sayang wala dito sa daddy. Namimiss ko na siya :( Sana maka-attend siya sa graduation ko.

"Mom, how's dad po?" tanong ni kuya. Mukhang namimiss niya na din si dad. Partner in crime kaya sa kalokohan yang dalawang yan tapos Partner in crime din kami ni Mom.

"He's fine, tinatapos niya lang yung project nila sa U.S.. Uuwi daw siya soon, surprise daw" sagot ni Mom sabay ngiti.

*Beep Beep*

Natigil kami ng may bumusina na kotse. Baka si Ken na yun. Ano kaya yung sasabihin niya?

"Mom, alis na ko nandyan na ata si Ken" paalam ko kay mom with kiss sa cheeks niya. Inubos ko na yung gatas ko.

"Mom, Alis na rin po ako. Sunduin ko pa si Aya eh" sabi naman ni kuya with kiss din.

"yiii~ nagbibinata na ang anak ko" asar ni mom kay kuya saka sinundot sa tagiliran si kuya.

STAY close, DON'T go..Where stories live. Discover now