Overtime (OneShot)

496 8 5
                                    

I’m on my laptop at 3pm, nagiisip ng pwedeng isulat. Habang blanko ang aking utak, nagpalipat-lipat ako ng web pages, Facebook, Yahoo and Symbianize while thinking how to start my writing ng tumunog ang aking cellphone.

“I will be late ha, overtime eh. I’m on my way na to SM Bicutan Branch. Don’t miss me so much ok? I will be home. =) ”

“Ok lang.” ang tanging kong reply. Nasa job description naman nya yun eh. I made myself busy surfing the net and writing poems. I never realized, gabi na pala. 6pm no text at call. I tried calling him pero patay phone nya. “Baka busy talaga.” Usual naman nya ginagawa ang pagpatay ng phone lalo na kapag nasa kisame sya at nagkakabit ng mga kable.

Balik pagsusulat muna ako. Nang muli kong tignan ang relo, nagulat na lang ako its already 10pm na. Kaya pala gutom na gutom na ko. Tinignan ko cellphone ko, “No text or call from him pa rin, kamusta na kaya yun?” Habang iniisip ko sya, hindi ko alam kung baket pero biglang nagtayuan ang aking mga balahibo at binalot ng kaba ang aking dib-dib. Napakabilis ng tibok ng aking puso. “Hindi ko gusto ang pakiramdam na ganito.” Muli kong kinuha ang aking cellphone para try ulit na tawagan sya, cannot be reached! Lalo akong nanginig sa kaba. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung san ko sya tatawagan.

Sinamantala ko ang kakayahan ng internet. Ginoogle ko ang number ng SM Bicutan. Ring lang ng ring...mababaliw na ako kakaisip. Internet ulit ako, hinanap ko naman ang number ng branch nila sa SM Bicutan. Buti na lang nasa fanpage nila sa Facebook yung number. Pero baket ganun, wala rin sumasagot. Inabot na ako ng 11pm, kakahanap kung san ko sya pwede macontact. Wala pa rin kasing tawag or text mula sa kanya.

“Hindi ko na kaya to. Iba na tong nararamdan ko.” Muli kong kinuha ang telepono, redial…redial. Ayun may sumagot.

“SM Bicutan guard goodevening.”

“Boss,” nauutal kong sagot. “Pwede ko bang maitanong kung meron pa po pang nag-oovertime sa loob ng mall.” Ano ba naman klaseng tanong to. Pero wala na kong maisip. Nahihiya rin kasi ako sa guard.

“Sarado na po ang mall ma’am. Wala na pong tao sa loob.”

Nanghina ako ng marinig ko ang sagot ng guard. “Ay alam nyo na lang po ba ang number ng TOMATO dyan sa loob ng mall. Yung mister ko po kasi overtime po sila ngayon dyan. Anong oras na po kasi, wala po akong nare-receive na tawag or text galing sa kanya.”

“Ay ma’am wala na po talagang mga tao sa loob, nakapag-roving na po ang guard sa loob at nakapag-report na po na wala na pong mga trabahador pa sa loob ng mall.”

Umiiyak na ko sa mga oras na ‘to. Asan na ang mister ko. Narinig ata ng guard na umiiyak na ako.

“Ganito na lang ma’am. Meron po akong list ng mga Managers and Supervisors ng mga store naming. Try nyo pong tawagan baka po alam nya kung nasan ang asawa nyo.”

Medyo lumuwag aking dib-dib sa sinabi ng guard. Hindi ako nagdalawang isip na tawagan ang number na binigay nya kahit na manager pa yun ng store nila. Wala na talaga paglagyan ang kaba ko.

“Ring lang ng ring. Baket ayaw nya sagutin? Diyos ko alas-dose na po. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Hindi ko na mapigilan ang pag-tulo ng aking mga luha. Nang makareceive ako ng text.

“Sorry hindi ko nasagot mga calls mo, I was driving kasi. Who’s this please?”

Akala ko sa mister ko na nanggaling ang message. Ngunit kahit ganun pa man, agad kong sinagot ang kanyang text.

“Sorry if I disturb you, are you the manager of Tomato SM Bicutan Branch. I happen to be the wife of your IT staff who’s still on your branch to do the installment of your system. I was just wondering if you’re still with him. I’m sorry but I’m so worried because he’s not calling and texting and its already late. I tried calling your branch but no ones answer. I got your number from SM Bicutan guard. Thanks.”

Patiently waiting for his reply. Sana magkasama sila at pauwi na.

“Im sorry ma’am but I’m no longer with SM Bicutan Branch. Sa Marikina na ako assigned.”

“I’m sorry and thank you.” Yan na lang ang reply ko sa kanya dahil pagkabasa ko ng mensahe nya gumuho ang konting pag-asa sa akin. Kumawala na ng tuluyang ang aking pag-iyak. “Nasan ka na?”

1am na. Wala pa rin ni isang liwanag ng pag-asa. Tahimik ang lugar. Tanging tibok lang ng aking puso ang aking naririnig. Walang landline or cellphone ang tumutunog. Naghihintay pa rin ako. Nakatingin sa blankong screen ng aking laptop, umiiyak at ramdam pa rin ang kaba sa aking dib-dib. May narinig akong serena ng ambulansya na dumaan. “Diyos ko, huwag naman po sana.” Maya-maya naramdaman kong may gumalaw sa aking tabi.

“Ala una na Red, tulog na.”

Pagkaharap ko sa kanya, agad-agad ko syang niyakap. Nawala lahat ng kaba, ng takot, Nandito na sya. Hawak ko, yakap ko. Iyak ako ng iyak…sa tuwa.

“I’m sorry Red, aksidente. Bumagsak yung sinasakyan kong bus sa skyway. Nagblanko paningin ko. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nakaramdam ako ng patak ng luha sa mukha ko Red, at narinig kong tinawag mo ko. Dun ako napadilat ng mata, nagising ako. Akala ko katapusan ko na Red. Akala din ng lahat sa ospital na patay na ko. Red, you brought me back to life, you’re love brought me back to this world. Kaya sabi ko sa doctor at nurse na uuwi na ko. Uuwian kita. Nangako kasi ako sa’yo na uuwi ako. “ Tuloy-tuloy nyang kwento ng mga pangyayari.

Inalis ko ang aking pagkayakap sa kanya. “Ssshhh... wag ka na magsalita blue, masaya ako kasi nandito ka na.”

_ the end.

Overtime (OneShot)Where stories live. Discover now