Bite Thrill | Tres

2.1K 67 15
                                    

AN: Ang susunod na kabanata ay rated SPG. Wag kang bastos, hindi dahil sekswal, kundi dahil sa karahasan. Tsk! Deny pa, kilala ko kayo uy! Hahahaha  anyways next UD, finale na. Ilalabas ko na kung sino yung killer pero ngayon, hulaan nyo muna hahahaha. Tas yung mga nagrequest ng songs, abangan! hihihi ^^ 

Isang lingo ng walang matinong kain, tulog, ligo o bihis sina Karylle. Wala kasi silang naretrieve na kahit ano sa nasunog na resort. Tanging sa kubo o silong na ginawa ni Vice sila nagpapahinga.

“Brad, iniisip ko lang, pwede siguro natin galugurin ‘tong gubat na to. Nakakasawa na din kasi na purong isda nalang ang kinakain natin.” Billy proposes.

Napatingin naman si Vice sa mag ina. “Pano sina Darlene? Alam naman nating hindi ligtas tong lugar na to” Vice asked.

Iniabot ni Billy ang baril nya kay Karylle. “Aim and shoot. Sasaglit lang kami dun. Bast kung may makikita kayong kahina-hinala, don’t hesitate to use the gun.”

Tanging nod nalang ang nasagot ni Karylle sakanya, sa mga ganitong pagkakataon, mas kailangan nyang protektahan ang nag iisang anak nya.

Kinuha naman nina billy ang itak na nakuha nila sa buko tree. Ngunit bago pa umalis ay nagback hug si Karylle kay Vice “Please be safe. I need you” She whispered.

Speechless to what he heard, Vice held K’s hand and kissed it before they left.

~

Mataas na puno ang nakapaligid kina Billy. They easily spotted a mango tree kaya naman nagpresenta nang umakyat si Billy “Ako ng aakyat. Just be alert” He ordered.

Umakyat na sa puno si Billy and pick those mangoes. Habang si Vice naman ay naiwan sa baba. Maya maya din ay nakaramdam si Vice ng may papalapit sakanila.

“Billy, may tao” He said.

Hindi naman sya agad narinig ni Billy kaya hindi sya pinansin nito. Sinubukan ni Vice hanapin kung nasan ang misteryosong taong nagmamasid sakanila. “Billy!” Sigaw na nya.

Pag lingon ni Billy sa baba, ang walang malay na Vice ang nakita nya. Naalarma sya sa nakita kaya naman dali dali syang bumaba para tulungan si Vice. Yumuko sya upang akayin ang walang malay na si Vice pero may nagtakip sa bibig nya at buong lakas syang hinila sa likod ng puno. Nabitawan ni Billy ang itak kasabay ni Vice.

Sinubukan ni Billy tanggalin ang kamay ng lalaki. Nakaramdam na sya ng may hindi magandang gagawin sakanya. Paulit ulit nyang sinubukan kumawala ngunit mas malakas ang lalaki sakanya.

“Sir, wag po kayong malikot. Andito pa sya.” Sabi ng pamilyar na boses. Naconfirm naman ni Billy na si Eruption nga ang lalaking iyon.

Hinila sya papalayo ni Eruption. Alam ni Billy na hindi dapat sya sumama sa number one suspect nila pero may pakiramdam syang may tama sa ginagawa nya. “Pano si Vice?” Tanong nya kay Eruption na patuloy pa rin sa pagtakbo.

Tumigil sila sa likod ng malaking puno. Hingal na hingal, sinubukan ni Eruption ipaliwanag ang nangyayari “Sir, hindi nap o kayo ligtas dito. Nasa panganib po ang buhay ng kasama nyo.”

“Bakit kita pagkakatiwalaan, diba ikaw yung killer? Ikaw ang pumatay kay Anne, kay Jhong at Vhong? Ano bang kailangan mo samin?”

“Hindi pa po patay ang inaakala nyong patay. Pero sir maniwala po kayo sakin, baliw na po yung taong yun. Nakita ko lahat, nakita ko kung pano nya pinatay ang mga kasamahan nyo.”

“Anong ibig mong sabihin? Sino ang killer?” Tanong ni Billy.

“Sir, ang killer po ay si—“ Hindi pa man natatapos ni Eruption ang sasabihin ng may lumabas na dugo sa bibig nya. Makikita rin ang tumagos na itak sa kaliwang dibdib nito na iniikot pa ng taong nasa likod nya.

Vicerylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon