Mirror

4.9K 115 8
                                    

AN: Wooo! As promise, Part 2 ng Latch <3 #5daystogo Sibs. But please boto pa rin tayo sa YCA ^^ See you sa mga pupunta sa awards night <3

Aren't you something to admire, 'cause your shine is something like a mirror and I can't help but notice, you reflect in this heart of mine. If you ever feel alone and the glare makes me hard to find. Just know that I'm always parallel on the other side

Sa wakas, bumaba na din sya ng building. She was carrying her bag kaya lumapit na ako to assist her with her stuffs. Ngumiti naman sya while handing me her bag. Naglakad kami papunta sa kotse ko and when we reach it, I opened the car doors for her. Nilagay ko naman ang mga gamit nya sa likod at umupo na sa driver's seat. I assist her with the seatbelts.

"So how's work?" I asked her.

"Ayon, very tiring" She answered

"Nakakapagod din pala mag model?" I confusedly ask her. Natawa naman sya at hinampas ang braso ko. "What? Alam mo namang med tech ako, wala akong alam sa pagmomodel George" Yeah. You read it right. It is Georgina Wilson.

She took her phone and scanned some pictures then pinakita sakin. "Look. Nakakapagod magpose ng ganyan for almost an hour no!" Sobrang ganda nya sa mga pictures na yun. Sobrang swerte ko talagang sakin sya.

Karylle and I are still together, pero my mga bagay bagay lang talagang mahirap iexplain. Alam nyo na. Mahirap kasi yung set up namin ni K. Nung mga unang buwan, ayos lang pero habang tumatagal, mas naglolong ako sakanya. Syempre iba pa rin yung kasama at nakikita mo sya palagi.

~

"Thanks Vice. So see you tomorrow?" Geogina asked

"Yup. Sunduin kita pagtapos ng duty ko. Good night George" I kissed her forehead.

Before ako makapasok sa kotse ko, may pahabol pa sya. "Ingat sa pagdrive ah!" She reminded me. Napangiti nalang ako sakanya at nag nod.

~~~

'Cause with your hand in my hand and a pocket full of soul, I can tell you there's no place we couldn't go. Just put your hand on the glass, I'm here trying to pull you through, you just gotta be strong

Pag dating ko sa bahay, I opened my laptop para makipag skype kay Karylle. She's on her last year na sa med school kaya medj madalas na din syang nagiging busy. Di ko marecall when was the last time na nag uusap kami ng matagal dahil madalas, batian nalang ang nagagawa namin para sa isa't isa.

"Hi Pogi kong asawa!" She greeted. Okay correction, we're not married. Nasanay lang kaming tawaging asawa ang isa't isa. Dun din naman kasi patungo; yan ang pananaw ko dati pero mukhang malabo na ngayon.

"Kamusta?" I simply asked her.

"Okay naman. Sobrang nakakapagod pero worth it naman lahat. Grabe, excited na talaga ako sa graduation lalo na after ng grad kasi makikita at makakasama ko na ang asawa ko." She happily said. I can see all these excitements and happiness all throughout her face habang sinasabi nya yun. Ayoko namang sirain yung happiness nya thru confronting her about this relationship. "Hey Vice, are you okay?" Napansin nya siguro yung pagbabago ng mukha ko.

"Oo naman. Ano, pagod lang kasi talaga sa trabaho. Ang daming ginawa sa lab eh." I lied.

Mukhang naniniwala naman sya at nag nod. "Gusto mo na bang magrest?" She asked me.

"Pwede ba?" I asked her in return.

Nagsmile naman sya sadly. "Kahit naman sobrang namiss kita, kung kailangan mo ng magpahinga, okay lang. Go rest ka na mahal."

Vicerylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon