"Ikaw muna" (Part two)

53 2 3
                                    

"Ikaw muna"

~Thea~

February na. Di ko akalaing malapit na kami gumraduate. Hayy.. Ang bilis talaga ng panahon. After ng "conversation" ko with Cody last year, di na kami nagkausap ulit. Pero hanggang ngayon may gusto pa rin ako sa kanya. Gusto pa lang rin ba 'to? Ewan ko ba. EH KASIII, feeling ko talaga in love na ko dun sa lalaking yun. Ang lakas talaga ng tama ko eh.

Minsan nagkakatinginan kami sa hallway pag nagkakasalubungan. Ako naman si kinikilig. Feelingera ko talaga!!  Malay mo naman kasi diba, baka hindi ako yung nginitian nun!

Nasabi ko na ba na Prom season na ngayon? Oo, lahat busy sa prom na yan? Me, I'm not really interested. I may be a hopeless romantic person, pero pagdating sa ganyan, friends ko lang yung makakasama ko na alam kong mag-eenjoy ako. Okay and drama! Haha! Alam ko naman kasi na walang mag-aask sa'kin maging prom date. Okay lang naman sa'kin yun. Sanay na ko, pati hindi naman required. Ako, na may makapal na salamin at braces, in short pangit, magkakadate? HAHA! Funny! Si Lovely na lang kadate ko! :D

Hindi nga ako interesado sa prom, isa naman ako sa mga napiling mag-organize ng event na 'to kaya no choice. Ayoko sanang umattend kasi alam kong magiging boring lang 'to para sa'kin kaya lang naisip kong last year ko na pala 'to sa High School kaya kailangang sulitin. Required din umattend ang organizers. -___-

Nandito ako kasama ng iba pang mag-oorganize neto sa Butterfly . Maganda naman yung place. Hall lang siya, paglabas mo, garden. May makikita kang iba't-ibang flowers. Aalis na rin ako maya-maya. Hinihintay ko lang yung prof namin. Ang tagal kasi dumating eh.

"Ms. Thea! Kanina ka pa ba dito? Sige na umuwi ka na muna. Kami na lang mag-aayos nito. Baka kailangan mo pang maghanda sa darating na prom niyo. Thank you Ms. Carvajal."

"Wala po yun. Mrs. Gonzales!"

Sa wakas makakaalis na rin! Agad akong pumunta sa McDo. Kanina pa kasi naghihintay si Lovely. Baka magalit yun.

Pagdating ko, bubuksan ko na sana yung pinto nang may saktong magbubukas din sa loob. Si Cody. (O__O)

Tinanggal ko agad yung pagkakahawak ko sa glass door. Tapos binuksan niya yung pinto, akala ko lalabas na siya kaya lang sabi niya,

"Ikaw na muna" Naka-extend pa yung kamay niya na parang winewelcome pa ko sa McDo. Pwede na siyang magtrabaho dito, baka dumami pa yung mga tao. Pumasok naman agad ako.

"T-Thanks!"

"No problem! Una na ko!" Nagwave lang siya then umalis na. Di man lang ako hinintay na magsabi ng babye.

"HUY. Kanina ka pa nakatingin sa labas! Alam mo bang kanina pa ko naghihintay dito! TAGAL AH!" Si Lovely lang pala. Sabi na nga ba magagalit to kasi ang tagal ko.

"Sorry na! Ang tagal kaya ni Mrs. Gonzales kanina! Namuti na mga mata ko, wala pa rin!"

"HAHAHA! Okay lang yun ano ba! Wag ka nang magpalusot nakita ko kayo ni Cody loves mo! Hihi! Good mood ako ngayon no!"

"H-ha???!! A-anong palusot? Totoo yung sinasabi ko! Cody loves ka dyan!"

"Wag nang magdeny. HALIKA NA! DALI! May pupuntahan pa tayo!"

"San?"

"Basta, sumama ka na lang. Alis na tayo kung ayaw mong abutin ng gabi."

Natakot naman ako. Saan kaya ako dadalhin neto.

We ended up sa fashion boutique ng tita niya.

"Anong ginagawa natin dito?"

"DUH?! Tindahan to ng damit. Malamang bibili ng damit."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon