[Chapter 3]: The Snow Princess

4K 67 7
                                    

[Chapter 3]: The Snow Princess

-Third Person's Point of View-

"Aisht!"

Sabay-sabay humiga sa kanyang-kanyang kama sina Hero, Dark and Blood sa kanilang dormitory.

"TANGINANG FIRST DAY NAMAN TO OH!" naiiritang reklamo ni Dark.

Bumuntong-hininga si Hero. "We need to get out of this school as soon as possible."

"YEAH WE HAVE TO! Shit! Bawas na kaagad ang uniform natin ng isa! Tsk." -Blood.

Tiningnan ni Dark si Hero. "Sigurado ba si Tito na andidito ang Red Angel na pinapahanap niya?"

Nagkibit-balikat lang si Hero. That was his dad said based on their investigation.

"PAG YANG RED ANGEL WALA DITO, BAKA PAPASUNOG KO TONG SCHOOL NA TO!" banta ni Blood.

Umupo si Dark sa kama niya. "Ilang taon na siya hinahanap at dose-dosena tayong naghahanap sakanya pero bat di pa rin siya nakikita?!"

Napaisip si Blood. "I think isa siya sa mga gangster na magaling mag disguise. No one knows kung ano ang tunay niyang itsura. That's why she's hard to find."

"Pag nakita mo na siya, will it seems familiar?" tanong ni Dark kay Hero.

"Oo." seryosong sabi ni Hero.

-Hero's Point of View-

Inangat ko yung kanang kamay ko at tiningnan yung pulso ko.

May tattoo ng isang apoy at sa ibabaw nito ay crown. Simbolo ito ng pagiging isa sa mga malakas na gangster.

Red Angel..

Nag flash sa utak ko yung image niya. Napahinto ako at napaisip. Her red hair and red eye.

Red eye lang dahil yung kanang mata niya lang ang expose. Yung kaliwang mata niya ay naka cover ng eye patch. Yan ang disguise niya.

Depende saamin kung gusto namin mag disguise pag nasa rising ground. Ito ang lugar kung san nag titipon at naglalaban ang mga gangsters. Pero ako, i chose not to disguise. Wala naman ako tinatago at alam ng tatay ko na pampalipas oras ko ang pagpunta sa rising ground. Sina Dark at Blood ay mga kaibigan ko na simula pa nung pinasok namin ang mundo ng mga gangsters. At gaya ko, hindi din sila nag d-disguise.

"Malaki ang Devin High. May mga middle school pa dito. Paano natin malalaman kung sino siya dito?" tanong ni Dark.

Napaisip ako.. pano nga ba? Red angel is one of the strongest gangster in rising ground. Lahat ng mga nasa top 20 ay nilalagyan ng tattoo para maging simbolo ng pagiging malakas nila.

Ang tanong, san kaya magiging marka ng babaeng yon?

**

Kinabukasan, hindi na kami nag suot ng mga salamin dahil alam na naman nila ang tunay naming mga itsura. At ayaw na namin maulit yung nangyari.

Habang naglalakad kami sa corridor ay pinagtitinginan pa rin kami ng mga babae. So much for keeping a low profile huh? Binalewala nalang namin dahil sanay na kami sa mga tingin ng mga tao nung nasa sherlock academy pa kami.

Pagkapasok palang namin sa loob ng school ay kaagad kong nakita yung babaeng puti ang buhok. As usual, she looks emotionless while watching us enter the room. Nakapatong ang kanyang kanang pisngi sa kanyang palad habang ang kanang siko ay nakapatong sa kanyang mesa. Nung nagtama ang tingin namin ay kaagad niyang tinanggal ang tingin saaming direksyon at tumigin sa malapit na bintana sakanya tila ba'y wala siyang pakialam sa presensya namin.

Devin High [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon