CHAPTER 13

3.3K 71 0
                                    




Continuation :

[FLASHBACK 2/2]

Carl's POV :



Tinignan ko ang wrist watch ko ang it's already 1am. Nang makarating ako sa bahay ng tita ko ay nagulat siya kung bakit may mga dala akong bag habang karga karga si baby Clyde.

"Ah wala ho pwede ho bang dito nalang muna kami mag stya sa bahay niyo ho tita?" Magalang na tanong ko sa kanya

"Oo naman ijo hala dali pumasok kayo at para makapag pahinga kayo." Sabi neto sakin at pinapasok kami

"Akin na si Clyde ako na magdadala sa kanya papunta sa guest room. Make your self fell at home Carl." sabi ni tita at kinuha si baby Clyde sakin peor bago yun ay hinalikan ko muna ang noo ni baby Clyde. Pagkatapos nun ay umalis na si tita papunta sa guest room sa taas.

palaging bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Kath. I can't believe this is this what they call 'KARMA?' well they are right KARMA IS A BITCH.

"Tita aalis lang po ako paki bantay nalang kay Clyde" Sabi ko kay tita na pababa sa hagnan.

"Sige ijo basta bumalik ka ingat ka" sabi ng tita ko. Tumango naman ako, lumabas ako ng bahay at pinaharorot ang kotse ko sa isang bar. They're still open thank god.

Pumasok ako at may nakikita akong mga babae at lalaki na nag hahalikan habang ang iba naman ay nag sasayawan may iba naman na nag iinoman. It's been years since I last go to a bar.

'Isang Gilbeys Vodka" sabi ko sa bartender at tumango ito sakin. Ni lapag ng bartender ang vodka ko at bigla ko iyong ni lunok.

"isa pa" sabi ko sa bartender tumango ito at ni lapag muli ang vodka na ni order ko. Naka ilang order ako at nararamdaman ko na nahihilo na ako at umiikot na yung paningin ko at inaantok ako. Binayaran ko yung na inom kung vodka. Tumayo ako pero bigla nalang akong na hilo napahawak ako sa ulo ko at dahan dahang lumakad.

Nangmakalabas ako ng bar ay bigla nalang may kumapit sa braso ko. Tinignan ko yun pero blur na yung paningin ko pero nakakatayo parin ako.

"K-kathrine Baby?" tanong ko pero nanahimik lang siya inalalayan niya akong sumakay sa sasakyan ko.

"Go home Carl our baby needs us. I'm a worthless mother and a wife to you. Please take care of our son and to yourself to. I love you both with all my heart but I really need to do this because if I don't they'll hurt the both of you my love." mahina niyang sabi sakin at kiniss ang forehead ko.

I know it's Kathrine yung paghawak niya....yung boses niya every inch of her kabisado ko na. Dinilat ko muli ang mga mata ko pero wala na si Kathrine o baka nagiimagine lang ako dahil sa sakit ng kanyang ginawa na pag iwan niya samin ni Cylde.

Nang makarecover ako ay pinaandar ko ang sasakyan ko. Habang nasa byahe ako ay parang inaantok ako dahil sa tama ng alak sakin 'No!! I can't sleep while driving' Sigaw ng isipan ko.

Ilang milya nalang ay malapit na ako sa bahay ng tita ko ng bigla nalang may dumaan na truck at nawawalan ito ng control kahit ako nawawalan ng control dahil sa kalasingan ko pero hindi naman mabilis yung takbo ng sasakyan ko.

Na bigla nalang ako ng papunta sa direksyon ko ang truck binubosinanhan ko siya pero wa epek i tuturn ko na sana yung manubela sa ibang dereksyon pero huli na ang lahat ng bigla nalang itong sumulpok sa sasakyan ko. At nagdilim ang paligid ko.

'No!!! No!!! I can't die now....I still have my son who need me' sigaw ng sigaw ang isipan ko pinilit kung magmulat pero ayaw talaga ang bigat bigat ng pakiramdaman ko hindi ko magalaw ang katawan ko. Nahihirapan na akong huminga pinilit kung buksan ang mata ko pero ayaw, pinilit kung igalaw katawan ko pero ayaw.

At unti unti na akong nawawalan ng hinga hanggang sa wala na akong marinig sa kapaligiran ko. 'B-baby c-clyde i'm sorry I can't see you grow as a fine man in the future. I'm sorry If daddy isn't there for you when you grow up baby....... I'm sorry......' iyang ang last na sinasabi ng isipan.

[TO BE CONTINUED]


_________________
A/N: Poor Carl..... COMMENT YOUR THOUGHTS PO. Hanggang sa susunod....

My Husband's Wish✔️ [Under Revision]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang