CHAPTER 53

5.8K 249 40
                                    


(Not edited,sorry for the errors)

*********

3 years later.

-CLOUDE

Tatlong taon na din ang lumipas magmula ng araw na iyon. Ang daming nangyari sa tatlong nagdaan sa akin at sa aming lahat. Few of those things are I gave birth to my son, Kyro Sebastian Cruz-Collins. Chase and I's baby. The first time I held him in my arms is one of the most emotional and memorable day of my life. Sobrang napakasaya ng naramdaman ko ng araw na iyon. Para akong lumulutang sa alapaap at ang lakas ng tibok ng puso ko. Lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko sa pagbubuntis sa kanya ay naging worth it yun lahat ng makita at mahawakan ko ang aking anak. Iyak ako ng iyak ng mga oras na iyon.

He is the most cute/beautiful baby I have ever seen. Yes! I know I'm so bias, sorry can't help it after all he is my son. Hihi! But seriously my baby is so so cute and tiny at time time until now that Kai is already 2yrs old ang cute cute nya parin. But as the time goes by habang palaki sya ng palaki ay pamukha sya ng pamukha kay Chase. Ang tanging nakuha nya lang sakin ay ang kulay ng kanyang buhok at ng kanyang balat. He has a blonde and white skin as me and after that nakay Chase na lahat. So unfair. But I love my baby so much that I would do everything I can na mapalaki sya ng maayos. Gusto kong ibigay sa kanya ang mga bagay na hindi naibigay sakin ng mga magulang ko.

I just really wish that Chase is with me. Sana andito sya sa tabi namin ni Kai. I miss him so much. Gusto ko na syang makita. It's been 3yrs pero hindi parin sya bumabalik.

Naalala ko pa nung sinabi ni Lola sakin ang nangyari kay Chase.

- Flashback 3 years ago -

Nakaupo ako sa kama ng kwarto namin ni Chase habang nakatingin sa nakabukas na veranda. Tatlong araw na din magmula ng lumabas ako sa hospital. Tatlong araw na din akong tanong ng tanong tungkol kay Chase ngunit walang parin silang sinasabi sakin. Hindi ko alam kung bakit nila inililihim sakin kung ano ang nangyari kay Chase. I have the right to know! Even though what happend to us, he is still my boyfriend. The father of my child and the man I still love. But they wont tell me. Kaya naging dahilan ito upang sumama ang loob ko. I know  that I should not stress myself dahil hindi yun nakakabuti sakin pero hindi ko lang talaga maiwasan. Haixt. Gusto ko lang talaga malaman kung anong nangyari sa kanya.

--
Napalingon ako sa nakasiradong pinto ng kwarto namin ng may marinig akong mga katok doon. Bumukas ito at pumasok si Lola sa loob. Ngumiti sya sakin at ngumiti din ako sa kanya.

Lumapit sya sa kama at umupo katabi ko.

"Kamusta kana apo?" Malambing na tanong nya sakin sabay hawak sa kamay ko.

"Ok naman ako lola. Kayo po?" Tanong ko pabalik sa kanya. Ngumiti sakin ulit si Lola bago sya sumagot. "Ok lang din ako apo".

Pagkatapos nun ay wala ng nagsalita saming dalawa. Ilang minuto din ang lumipas ng muli syang magsalita.

"Nasa america ngayon sina Chase apo" Sabi ni Lola na nagpagulat sakin.

Lumingon ako sa kanya sabay sabi ng "Po?"

Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nya sa kamay ko. "Nung isugod kayo ni Chase sa hospital ay nag-aagaw buhay na sya noon apo. Sa daan palang ay dalawang beses na tumigil sa pagtibok ang puso nya. Akala ng lahat ay hindi na sya makakaabot pa. Pero sa awa ng diyos ay buhay syang nadala sa hospital.Halos sampong oras ang itinagal ng naging operasyon nila kay Chase nung araw na yun apo. Ang sabi ng doctor ay maraming dugo ang na wala sa kanya kaya kinailangan nilang salinan ng ilang bag ng AB+ type na dugo si Chase. Mabuti nalang talaga at may stock pa sila ng ganun na dugo sa hospital. Kaya hindi yun naging problema. Sabi pa nga ng doctor samin ay mga ilang ulit din syang nag flat line na naging dahilan upang mahirapan sila" Sabi ni Lola sakin na naging dahilan upang maiyak ako. Hindi ako makapagsalita.

LOVE,POSESSION AND OBSESSION (completed)Where stories live. Discover now