CHAPTER 37

8.1K 365 28
                                    

A/N: Happy Easter loves!! :)

****
-CLOUDE

Pagkalabas ko ng hospital kung nasaan naka confine si Zack ay agad akong pumara ng taxi at nag pahatid sa companya na pag-aari ni Chase. Kaya ito ako ngayon kinakabahan na nakatayo dito sa labas. Tinignan ko ang relo kong pambisig at nakita kung malapit na palang mag lunch. It's already 10:45 am.

"Okay...Let's do this!" I said to myself at huminga ng malalim bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob. Pagpasok ko ay pansin ko ang kakaibang aura sa loob. Ang bigat sa pakiramdam. Pansin ko din ang mga empleyado ni Chase na hindi magkandaugaga sa kani kanilang mga ginagawa. Lahat sila busy. Walang hindi nagtatrabaho. Seryosong seryoso din sila na para bang ayaw nilang magkamali.

Napakunot ang noo ko. Hindi naman sila ganito dati, in fact last 3 days lang nung huli akong pumunta dito ay hindi naman sila ganito.

Pati ang receptionist na si Cindy ay busy din kaya hindi na nya ako napansin na dumaan sa harapan nya. She's busy answering some telephone calls. Hindi ko nalang din sya binati baka kasi maka distorbo pa ako sa ginagawa nya. Dumiritso nalang ako agad sa private elevator at nag pahatid sa last floor kung nasaan ang opisina ni Chase.

Ang daming tumatakbong what if's sa isipan ko sa mga oras na to. Sobra din akong kinakabahan at ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko din para akong hihimatayin. I hope talaga magkaayus na kami ni Chase. I really miss him alot.

I was back to my senses when I heard the elevator's 'ting!.Ibig sabihin lang nun ay nasa top floor na ako at nasa opisina na ni Chase. Ilang beses muna akong huminga ng malalim bago ako lumabas at naglakad papunta sa pintuan ng office ni Chase. Yung kabang naramdaman ko kanina ay mas domoble pa ata ngayon. Sobrang namamawis na din ang mga kamay ko.

Bahagya pa akong nagulat ng makita kung lumabas si Mark at Chris mula sa opisina ni Chase. Bitbit ni Chris ang mga gamit panglinis at isang malaking basurahan. Habang matamlay namang nakasunod si Mark sa kanya. He seems so stress at para ding kagagaling lang nya sa pag-iyak. What happend to him?

Huminto ako sa paglalakad at tinignan lang silang dalawa. Hindi pa nila ako napapansin hanggang ngayon.

"Sige Chris, salamat" Rinig kung sabi ni Mark sa lalaki. Nakita ko namang tumango ito at naglakad na papalapit sa kinaruruunan ko. Dun lang nila ako napansin na katayo sa kanilang harapan. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mark. Bahagya pang umawang ang kanyang bibig at lumaki ang kanyang mga matang nakatitig sakin. Para bang hindi sya makapaniwala na anditi ako ngayon sa harapan nya.

"U-uhm...Hi" Mahina kung sabi sa kanya at bahagya syang nginitian. Duon lang sya napabalik sa kanyang ulirat at mabilis na tinakbo ang distansya naming dalawa at mahigpit nya akong niyakap pagkatapos. Hindi agad ako nakakilos sa kanyang ginawa. Mga ilang segundo din ang nakalipas bago ko sya niyakap din pabalik.

"Thank God! At andito ka na!..Gosh! Salamat...salamat talaga. OMG! Matatahimik na din kaming lahat dito lalong lalo ni si sir Chase...Gosh! Magkakaroon na din ng kapayapaan ang opisinang ito! Thank you talaga Cloude at andito kana huhu" Sabi ni Mark sakin habang yakapyakap ako. Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Hindi naman nagtagal ay humiwalay sya sakin ng yakap at maluhaluha akong tinignan.

"A-ah...anu ba ang ibig mong sabihin na tatahimik at magkakaroon na ng kapayapan sa opisinang ito? Ano bang nangyari dito Mark? Is everything okay?" Nagtataka at may halong pag-aalalang tanong ko sa kanya.

Humingi muna sya ng malalim bago nagsalita. "Alam mo ba Cloude simula nung nangyari sa inyo ni sir Chase..eh araw-araw nalang syang galit samin at lagi nya din kaming nasisigawan..kunting pagkakamali lang ay nagagalit na sya agad...tatlo na din ang nawalan ng trabaho ng dahil dun...lahat kami takot kay sir...halos maihi kami sa tuwing sumisigaw at nagagalit na sya...my goodness Cloude! Parang halimaw kung sir! Ibang iba sya sa Chase nakilala ko...haixt" Pagkukwento sakin ni Matt.

Nakaramdam ako agad ng awa para sa kanila. Kasalanan ko to.

"...at saka yung nakita mo ngayon lang na galing kami ni Chris sa loob ng office ni sir Chase...uhm, nagwala na naman kasi sya sa loob kanina. Dalawang araw na syang ganyan Cloude. Kung hindi sya galit samin nag wawala naman sya sa loob ng opisina nya...halos hindi din sya kumakain at laging nagkukulong sa loob ng opisina nya...please Cloude...patawarin mo na si sir...please..." Pagsusumamo ni Mark sakin. Napayuko naman ako sa sinabi nya. I feel guilty!

I bit my lips at tumingin ako sa kanya. "I...I want to talk to Chase...anjan ba sya sa loob?" I ask him.

Umiling naman sya sakin. "He has a meeting right now...baka matagalan pa yun bago matapos.." Mark replied.

"Ah...okay...hihintayin ko nalang sya sa loob ng opisina nya" Sabi ko. Medjo nakaramdam ako ng kunting disappointment, kasi akala ko ay makakapagusap na kami ngayon kaagad ni Chase. But it's okay. Maghihintay nalang ako sa kanya.

"Kung may kailangan ka sabihin mo lang sakin ah? sir Cloude...ay! Ibibili nalang kita ng paborito niyong snack ni sir... okay? Sige...aalis na ako...good luck! Sana magkaayos na kayo ni sir..shocks! Kayo pa naman ang isa sa paborito kong couple! Kyaaaah!! " Kinikilig na sabi ni Mark sabay hawak ng kanyang magkabilang pisnge. Napangiti naman ako sa ginawa nya.

Pagkatapos ay nagmamadali na syang umalis. Ako naman ay pumasok na sa loob ng opisina ni Chase. Hindi ko maiwasang maalala ang nakita ko nun pero agad ko din naman itong inalis sa isipan ko. May ilan akong napansin na pagbabago sa loob ng opisina nya. Yung ibang mag gamit dati ay wala na at napalitan na ng mga bago. Pati yung vase na halos hindi ko malapitan sa sobrang mahal ay na wala na din. Haixt!

Ilang minuto din akong naghintay sa loob ng bigla nalang malakas na bumukas ang pintuan sa opisina ni Chase at pumasok doon ang nagmamadali at natatarantang si Chase. Hingal na hingal sya at hindi mapakaling inilibot ang kanyang paningin sa loob ng kanyang opisina. Nakaupo lang ako sa sulok habang pinagmamasdan sya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko sya. I miss him so much.

Nang mapunta sakin ang kanyang mga mata ay mabilis pa sa kidlat na tinakbo nya ang distansya naming dalawa. Niyakap nya ako ng sobrang higpit at ganun din ako sa kanya. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Gosh! I really miss him..

"I'm sorry baby...I'm so sorry..please! Don't leave me again..please baby...hindi ko na kakayanin pag nawala ka pa ulit sakin...fvck! I love you so much baby....I love you..I love you..god! You don't know how much I missed you! Para akong mababaliw nung wala ka.." Puno ng emosyong sabi ni Chase habang paulit ulit na hinahalikan ang ulo ko.

Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. "I-I'm sorry too babe...I'm sorry...hindi na ako aalis ulit pangako yan...I love you too" I said to him. Humiwalay naman sya sakin ng yakap at tinitigan ako ng buong pagmamahal. Umiiyak din sya kagaya ko.

He cupped my face "I'm so so happy baby now that your here with me baby...I love you so much! " Chase said then kiss me. Agad ko namang pinulupot ang aking mga braso sa kanyang batok at tumugon sa halik nya. I miss this! Puno ng pananabik at pagmamahal kaming naghalikan.

Namalayan ko nalang na nakahiga na pala ako sa couch at nakapatong na sya sakin. We were still kissing. Ramdam ko din ang pagpasok ng kanyang mga kamay sa loob ng suot kung shirt. I moan when I feel his hands on my skin. I tug his hair when he bit my bottom lips.

Nasa ganuong posisyon kami ng maabotan ni Mark.

"Andito na yung----kyaaaaaaa!!! So-sorry!! OMG! MY EYES!" He said at nagmamadaling lumabas. Namumulang ibinaon ko ang mukha ko sa leeg ni Chase. Eeek! Nakakahiya!!

"Kaasar! Panira ng moment" Narinig kong bulong naman ni Chase.

********

A/N: Chapter 1 of His Playboy baka ma post ko na bukas. :)

(Pls. Do vote and comment... tnx love yah!)

LOVE,POSESSION AND OBSESSION (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon