Dear Crush, I Exist

2.2K 52 21
                                    

May tatlong uri ng tao towards their crushes.

1.) Yung PAPANSIN

     Eto yung mga taong gagawin lahat para mapalapit sa mga crush nila. Yung mga lantaran pang nagsasabi na malaki ang paghanga nila sa crushes nila. Walang pinipiling lugar ng pambobroadcast.  Pag dumadaan ang crush nila sa corridor, kilig na kilig! na halos magkurutan na nga at maghampasan pag nakikita si crush. Eto yung mga taong nag-uumapaw sa confidence sabihin sa crush nila kung ano ang tunay nilang nararamdaman.  Which some of you can consider as a good, or a bad thing.

2.)  Yung SEMI

      80% of the people falls under this category. Normal pa 'to.  Gusto nilang sabihin sa crush nila na crush nila yun, pero TAKOT sa magiging reaksyon nito. May iba na ayaw maging awkward ang pakikitungo ng mga crush nila sa kanila. They keep it COOL kumbaga. Eto yung mga taong nagpapakita ng motibo, pero they're still on their dilemmas. Eto rin yung mga hindi makapag-offline pag nakitang online si crush. At kung ka-chat naman, halos 2-4 beses munang pinagiisipan yung sasabihin bago i-enter.

At last but not the least......

Ang pinaka paborito kong category.....

3.) Yung INVISIBLE.

     Kadalasan eto yung napagkakamalang stalker.. Yung mga tahimik lang. Yung hindi sigurado sa sarili nilang existence. Yung hanggang tingin nalang kay crush... Yung magtatago sa isang tabi tuwing dadaan si crush, pero hindi mapigilang tumingin sa kanya.. Yung hindi gumagawa ng paraan para makausap si dream boy. Nganga nalang sila jan. Yung pagdating sa bahay, daydream ang buhay. Yung mga nagsasabi at nagsusumigaw na.........

DEAR CRUSH........

I EXIST.

By: TheSinisterIsDead

----- ------- -  - - - - - - ------- - - - - - ----------

Dear Crush, I Exist (SHORT STORY)Where stories live. Discover now