MY LOVE STORY IN CEMETERY (One Shot)

642 35 63
                                    

This story was inspired by my friend's love story...ninakaw ko yong moment nila ng irog niya..haha....sanay maghunus-dili sila pagnabasa ito...medyo ibang version kasi to...hehe...this is for you beautiful Erlinda! *kaway-kaway* (umuto pa)

COPYRIGHT © 2012 ~ ALL RIGHTS RESERVED.

...........................................................................................................................................................................................

Naghahagulgulan ang lahat. Everyone was filled with sorrow. Libing ng kaibigan ko. Hinahatid na namin siya sa huling hantungan. Naaksidente ito nabundol ng pison.

Biro lang.... Ang usap-usapan nakalimutan nitong huminga.

Joke lang ulit. Pinapagaan ko lang ang sarili ko kasi ang sakit...sabay dagok sa dibdib.

Aray naman.

Napalakas kasi.

Seryosong usapan... Na-hit and run ang kawawa kong kaibigan. Ang nakabundol ay mukhang nagtago na sa ilalim ng lupa.

May nakakitang saksi pero ayaw nilang paniwalaan. Sabi kasi ni Mang Justine V. Itim na kotse raw ang nakabangga. Ang plate number nakuha pa nito.

So dahil mahal ko ang kaibigan ko, nag-drama ang beauty ko. By the way si Erlinda pala to, Lyn sa mga kaibigan ko.

Sabi ko sa family niya. " This is not right. Keith needs justice. That careless driver should be punished by the law. What matter it makes, how long it takes, the best part of me is..........you."

Napatingin sila. Worried. Mag-english ba naman kasi tapos kung anu-ano pa sinabi.

Sensya na nasobrahan sa emote. Friend ko kaya yong nadali.

Ayan, tapos syempre nagpasama ako sa hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Punta kami kay manong Justine V. Sa malas natsugi na kahapon. Na-hit and run din. Gawin bang bakuran ang highway.

Lintik naman oh. Bulag pala itong manong Justine na to.

Paanong di black eh itim lang ang nakikita no'n. At yong plate number, labas sa lotto. Ang lakas palang mangtrip nitong si manong.

(now playing- " Hindii Kita Malilimutan by Basil Valdez)

" Anak ko bakit? Bakit mo ako iniwan?"  tungayaw ni mother. Best actress.

Dahil nakakaiyak naman talaga (syempre patay alangan namang party-party), tumulo na yong luha ko. Parang buhos ng ulan pati ilong nakisabay na. Iyak singhot ang ginawa ko.

Iyong mother iyak pa rin ng iyak. Ayaw bumitaw sa kabaong eh ilalagay na sa hukay.

" Anak ko. Huwag mo kong iwan."

Tatlumpong minuto yatang nakipagbunuhan si mother sa supoltorero. Ayaw ihimlay ang anak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY LOVE STORY IN CEMETERY (One Shot)Where stories live. Discover now