TWO

26.8K 676 47
                                    

Guys. Musta na? Sorry ngayon lang naka-UD si author. Internship po kasi. Monday to Friday duty. Haay. Grabe kita ko comments nyo sa previous chapter. Nakakataba ng puso! Salamat. ☺ 

Happy 5k reads! Para kay ayrahdantes ang chappy na ito. Sana kiligin kayo! ☺

Support whatever it take! Watch nyo trailer sa Ytube. ^____^

=======================================================

TWO


XYRA'S POV

OH MY GAD. Super duper awkward! At muntanga lang talaga kanina. Okay, so let me just clear this. Hindi ako nahihiya sa kanya. It's just that I don't want him to see me! Pinangako ko talaga yun sa sarili ko na hinding-hindi na dapat pa kami magkikita ni Kyle. NEVER. But then, this happened. Wala na akong magawa kundi harapin na lang. Since na break yung promise na yun, may isa pang natitira. NEVER TALK TO HIM. Ayan! Whatever happens, I won't talk to him. He won't hear a single word from me. K. Game na. 

We're already at the wedding's reception which is a 20 minute drive away from the church. Infairness, bongga talaga ang napili nilang venue ng reception. Maganda ang ambiance ng lugar. Promise. Ang colorful kasi dahil unang makakakuha ng atensyon mo yung mga blooming flowers. Nakakarelax tingnan tuloy. 

So since maid of honor ako, kasama ko sa presidential table ang mga ninang na kinuha ni Bianx. Ang nasa kabilang side naman ay yung best man kasama ang mga ninong. Buti na lang hiwalay ang babae sa lalaki. "Okay, the buffet is now open. Enjoy your lunch!" announced ni Rhian na emcee sa wedding ni Bianx. Oh diba, may kanya kanya kaming role. At dahil nga nasa presidential table kami, pagseserbisyuhan kami ng mga waiter. Oh yes, sila ang magdadala ng food sa aming table. From appetizer to main course to dessert. Ito yung nakakatuwang part kapag maid of honor ka or sponsor, di ka na talaga tatayo. Hihi. Take advantage e noh? 

"Appetizers, ma'am." sabay lapag ni kuya waiter ng pagkain sa table ko. "Caramelized Onion Canapé and Tomato and Mozarela Bruscheta and clam chowder." pakilala nya sa pagkain na dala nya. Oh wow! Mukhang masarap. Na-ttrigger na naman ang pagkababoy ko. 

"Thank you." sabi ko. Pag-alis ni kuya waiter, kumain agad ako. Ang sarap grabe! Lalo na yung tomato and mozarela na 'to. Masarap din naman yung soup. Gutom na gutom talaga ako. Hay. Kahit kain naman ako ng kain, di pa rin ako nataba. 

--o--

KYLE'S POV

I've been staring at her for a while now. Nakakatawa talaga siya. She's really the Xyra I knew way back in college. Yung tipon na hindi pinapahalata ang katakawan. At kahit matakaw siya, di pa rin nataba. Well ngayon? Medyo lumaki na. But still...sexy. She still hasher curves. 

"Oh, oh! Ang mata." sita sa akin ni Pao ni siniko pa ako. Loko talaga 'to! "Kanina ka pa titig na titig sa kanya ah." Tss. Di ko siya pinansin. Nagsimula na akong kumain. 

"Namiss mo siya noh?" pang-asar nya habang ginugulo ang buhok ko. 

"Lul! Dun ka na nga, Pao!" nakakayamot. Iniwas ko ang kamay niya sa ulo ko. Takte naman. Guguluhin pa ang buhok ko! He knows I hate it the most. 

"Haha! Mamaya, pre ah?" umalis na sya at lumapit kay Rhian. Grabe makangisi ang loko sa akin. Anong ibig nyang sabihin sa mamaya na yan? Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Naalala ko yung tinanong ni Pao kung miss ko daw ba si Xy. Well...it's been 2 years since I saw her. Wala ako naging balita sa kanya. At hanggang ngayon? Hindi pa rin ako nakakalimot. I still feel guilty for what happened. 

JUST ONE MORE NIGHT [One Night, #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon