TEN

16.9K 376 16
                                    

55 votes ang previous chapter. 5 more to go! Pero nag-UD na lang ako. Medyo mahaba 'to. Kung sa mga previous chapters ay puro sila ang focus, this time...let's check out kung paano ba tumatakbo ang buhay nila kapag di sila magkasama. 

SALAMAT SA VOTERS AT READERS!
PLEASE CONTINUE!

Btw, may new character tayo sa story. Si Mycah nga pala. [See image above] Alamin nyo kung ano role nya!

====================================================================

TEN



XYRA'S POV


"Ma? Pa? I'm home." tawag ko sa kanila pagpasok ko ng bahay. Wala man lang katao-tao sa baba. Iniwan nilang bukas ang gate pati ang main door. Hinanap ko sila sa kitchen, sa dining araw at sa may CR pero wala sila. Last option ko na ang backyard garden namin. Pagkalabas ko ay tinawag ko sila ulit. "Ma?" 

 "Xy, anak! Nandiyan ka na pala?'' sinalubong ako ng yakap ni Mama. Niyakap ko sya pabalik. 

 "Opo. Saan na si Kersey, ma?'' tanong ko. 

 "Ito oh." hinatak ako ni mama papunta kay Kersey. ''Nagsswimming." Aw, ang anak ko! So cute. Tuwang-tuwa syang nilalaro ang kanyang mini boat habang nakatampisaw. 

 "Kersey, mommy is here!" lumapit ako agad sa kanya at pinaliguan ng halik ang anak ko. "I miss my baby so much. Did you miss mommy, hmm?" Napahagikhik sa tuwa ang anak ko. Tumayo sya't niyakap ako agad. 

 "M-mommy. O-opo, miss mommy." Ohh, hay ang baby ko talaga. 

 "Sige nga, kung miss mo si mommy, kiss mo nga si mommy." Agad namang hinalikan ako ng baby ko sa pisngi. Masunuring bata. 

 "Wow! Very good ang baby ko ah?" Tumango-tango ang anak ko. Muli syang umupo sa pool nya't naglaro ng kanyang mini boat. 

"Bery good, Bery good, Bery good." paulit ulit nyang sinasabi habang naglalaro. Pumapalakpak pa ang anak ko sa tuwa. Hay. 


"Oh? Kumain ka na ba? May natira pang ulam sa kusina." 


"Sige, ma. Magbibihis muna ako. Pakibantayan mo muna si Kersey ha? Wag mo masyadong ipababad sa tubig baka lamigin." paalala ko kay mama. Pumasok na ako ng bahay at nagbihis. I'm hungry and tired at the same time. Sobrang traffic kanina pauwi. Kaya ito late lunch na ako nakarating. After ko mabihis ay diretso na ako ng kusina at naghanda ng makakain ko. I was surprised na adobong manok ang niluto ni mama, my all time favorite. Simula nung bumalik dito sila sa Pinas from America ay na-miss ko ang luto niya. Super galing nya kaya magluto. Kaya naman naimpluwensyahan nya ako. Yun nga lang, I prefer baking pastries and cakes.

"Ma! Kumain na ba si Kers?" 

 "Oo, nak! Kanina pa." Buti naman. I guess I'm eating alone.  


Masyadong tahimik. Kapag mga ganitong situation talaga, I contemplate. I was thinking of finding a job. Ayoko naman umasa lang kila mama at papa sa pagpapalaki ng anak ko. Ayoko na sila bigyan pa ng sakit ng ulo. However, who's gonna take care of Kersey when I'm at work? Eh di si mama na naman. Maybe I should talk about this with mama and papa later. 


"Paliguan ko lang si Kersey, 'nak. Tapos patutulugin ko." 

 "Kahit ako na magpatulog ma, miss ko ng katabi anak ko." sabi ko. 

JUST ONE MORE NIGHT [One Night, #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon