Chapter 21.5: Mystery guy revealed (Part two)

292 12 8
                                    

GRABE! SOBRANG IKLI NETO! SORRY NA PO HA? >.< Magkaduktong lang yung chap 21 at eto :D Pagpasensyahan niyo na :D

Shaira's POV

"For Shaira....

Ang mystery guy mo ay si...

MAC

by: Gaile" O______________O

"WHAT?!" gulat na tanong ni Neil...

"Uhm.. Why?"

"No-Nothing"

Napako ako sa kinatatayuan ko... 

Di ko ineexpect na siya pala. Pinagtagpo nga siguro talaga kami? Pero parang... Parang 

Parang nadisappoint ako... Bakit siya? I mean.. Teka? Siguro nga iba lang yung ineexpect ko. Nagulat nalang ako ng nakita ko si Mac sa harap ko may dalang flowers. Naririnig ko na din yung sigawan nila ng "Ayie" At yung music turned into something sweet. Ako? Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Parang.. Ewan. Hindi ko alam...

Sa dami ng iniisip ko..Di ko namalayan na hinawakan na pala ni Mac yung kamay ko at sinasayaw na ko... Tumingin ako sa paligid. All eyes on us. Nakita ko si Gaile, nakangiti at nag thumbs up sakin. Tinignan ko siya at ngumiti ng pilit. Napatingin din ako kay Neil, mukhang gulat pa din siya.

Ako din eh. Gulat....

Gulat na gulat.

"Di mo siguro ineexpect na ako nuh?" Natauhan nalang ako bigla siyang nagsalita.

"A-ah oo." Ano ba tong iniisip ko? Bat ba ganito yung kinikilos ko?

"Thank you nga pala ha! I never expect na ikaw pala yung sumama sakin." sabay ngiti ko.

"Wala yun ano ba. Basta ikaw..." sabay kindat sakin. Loko talaga toh.

Maya maya ay tumigil na din kami sa kakasayaw. Lumapit na din samin si Gaile.

"Ano bes? Nagulat ka noh?" 

"Oo haha. Ikaw ha! Pinadedication booth mo pa!"

"Syempre para bongga"

"Osige maiwan ko na kayo ni Mac ha?"

Wala din naman kaming masyadong ginawa ni Mac,tas tinatanong ko siya tungkoldun sa gabing yun =___= Ang panget ko daw nun, binatukan ko nga. Ang sama niya ha=__= Umuwi na din ako kasi pwede naman ng umuwi ng maaga. Inalok pa nga ako ni Mac na ihatid na daw ako, kaso sabi ko wag nalang :D Ang sama ko talagang leader,umuwi nalang basta basta.. Sinabi na nga din sakin ni Neil na okay lang naman daw at magpag uusapan pa nga daw kami. Ano naman kaya yun? o.O Ohwell mag papahinga nalang ako. Nagulat ako ng biglang tumunog yung phone ko...

From: I shall return(MAC)

Goodnight :D Matulog ka na ha?From now on nililigawan na kita :*Sleep na. I LOVE YOU SHAIRA.

----------------

O_____________O

Parang ang bilis naman yata? Bakit.. Ewan >.< Di ko pa siya pinapayagan ha? Pfsh! Bahala na nga >.< ano na naman kayang pumasok sa isip ni Mac? Baka naman joke time lang toh? Oo nga nman. Mahilig pa naman mag joke yun. Makatulog na nga lang >.< Paniguradong mai-stress ako bukas sa second day ng Mini fair.

a/n: AYAN NA ANG UPDATE! AT DAHIL MAY KLASE NA KAMI! WALA LANG =))))) HEHE ^__^V

My Clumsy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon