Chapter 2: In progess

606 25 7
                                    

Chapter 2: In progess

Shaira’s POV

Good morning Philippines! Good morning world! HAHAHA.

Bumangon na ko at gumising, at ginawa ang lahat ng dapat gawin pagkababa ko nakahanda na yung pagkain kaya kumain na din ako. 

Kasabay ko si kuya papuntang school, by the way! Nagtatrabaho pala siya dun, isa sya sa mga faculty members, in short teacher siya sa highscool dept. Di ko lang alam kung anong level, mga advisory teachers lang kasi yung mga pumasok kahapon eh.

Pagkalabas ko andun na si Gaile! At ang bruhang toh?! Kelan pa natutong mag ayos ng buhok? Alam niyo ba! Na yang babaeng yang di nag aayos ng buhok, walang kaayos ayos sa katawan. Pero ngayon aba! Naka half pony siya tas may ribbon pa! Mukhang gusto nga ata talaga niya si Neil ah?

“Aba kung makapag ayos ka! Congrats babae ka na ” Sabay batok sakin, ARAY NAMAN! 

Babatukan ko sana siya kaso pinalo niya yung kamay ko…

“Minsan na nga lang mag ayos ng buhok guguluhin mo pa!”

“Ayy oo nga sorry naman!”

Mag lalakad na sana kami papuntang school kaso etong si Kuya sabing sabay nalang daw kami sakanya

“Ano sabay nalang kayo sakin?”alok ni kuya

"Wag na maglalakad nalang kami:P”

“Ede bahala ka maglakad! Tara na Gaile” Aba mokong na toh =___= Akala ko pipigilan ako.

“Joke lang! Tara na nga kasi diba?” No choice din naman ako.

SCHOOL

Pagdating namin homeroom palang.. Kaya daldalan muna kami ni Gaile.

“Diyan ka na umupo” sabay turo ko sa upuan ni Jarvis.

“Eh? Diba may nakaupo dyan?”

“Bayaan mo yung mokong na yun, late naman dumadating yun!” ayun nag uusap nalang kami hanggang sa start na pala at ang kawawang Jarvis, nandun lang sa pinto, di ko muna paaalisin dito si Gaile hahaha >:)

Pero dahil sa sobrang bait ni Gaile, kusa na siyang lumipat. Ano ba naman yan! Haha jk lang ^___^ mabait ako.

Pumasok na si Jarvis kasama si Neil at yung isang lalaki parang yung kahapon lang, gusto ko nga sanang lapitan si Neil kaso mamaya nalang, pero natandaan ko meron pala kong number niya kaya itetext ko nalang.

Ano kayang pwedeng itext dun? “3owz phoewzx” Yuck jejemon haha. Kung “Hi Neil” nalang kaya? Parang masyado namang simple *erase* *erase*

Hi na nga lang tinatamad na ko mag isip =)) Grabe ang dami ko pang inisip dun din pala sa hi babagsak.

*send*

At hindi ko napansin! Medyo malapit lang siya sakin. May katabi ako sa upper right then yung susunod pang chair andun siya. Gets? Basta yun.

Tinitignan ko lang siya, tinitignan ko kung babasahin niya ba yung text.

“Tama ng kakatitig matunaw yan” Aba loko tong Jarvis na toh ah? Di ko nalang siya pinansin pero pasimple padin akong tumitingin kay Neil.

“May gusto ka jan nuh?”

 “Utut mo! Di ko siya type”

 “Di daw kung makatingin ka, kulang nalang malusaw siya dun sa upuan niya.

 “Hindi nga ok? HIndi ko siya gusto. Period!”

 “Mens”

 “HA?! Anong mens?”

 “Duh?! Period sabi mo” *Sabay roll eyes*

 “Anong meron?”

 “Wala slow ka” he murmured.

 “Ano?”

 “Wala. Ge.” Ay bipolar lang? =___= Parang kanina lang curious tong lalaking toh tas ngayon bitter. 

Bahala siya pake ko ba sakanya?=___= Tagal magreply ha. Maya maya may kinuha siya sa bulsa niya.

CELLPHONE NIYA NA SANAAA!

Bwiset, panyo lang pala niya. Sayang effort kong maghintay mamaya na nga lang.

RECESS 

Pagkatingin ko ng cellphone ko tumatawag pala si Mama, kaya di ko na sinilent. Wala din naman kasi akong load pang tawag eh.

Malapitan na nga si Neil, pagkalapit ko sakanya nagtetext siya! REREPLYAN NA NIYA ATA AKO! Teka! Parang ako yung may gusto dito ah?=__= No way! Highway!

“Hi I’m Shaira (:” sinend niya muna yung message tsaka tumingin sakin.

“Hi uhh. I’m—” OSHET! BIGLANG TUMUNOG YUNG CELLPHONE KO! TEKA MAHAHALATA NIYA ATA! ANONG SASABIHIN KO?! 

“Ayy teka lang ha, tumatawag kasi si mama” tas sabay kuha ko ng cellphone ko at kunwari may kinakausap habang palayo sakanya! Sa tanga ko ba naman! Muntik na yon ha! Sabi nga pala ni bes na wag kong sasabihin kay Neil na may gusto siya. Kaya ayan para akong secret agent.

Babalikan ko sana siya kaso bumaba na ata. Kaya kay Gaile na ko lumapit at kinwento ko na din sakanya yun!

“Bes! Kung di ka ba naman isa’t kalahating tanga!” Sabay batok sakin T^T ARAY!

“Aray naman! Sorry na nga eh! Atleast nakalusot ako diba?” 

“Sabagay! Tara na libre kita!”

Wala naman masyadong nangyare ngayon. Tumawag lang sila mama para sabihing uuwi na sila after 3 days \:D/ And magpapaparty daw sila sa bahay!

Uwian na at di ko mahanap si kuya kaya maglalakad nalang ako, at habang naglalakad ako parang may sumusunod sakin :-S 

Minadali ko maglakad.

ACTUALLY! DI NA KO NAGLALAKAD

TUMATAKBO NA KO.

Palapit na ko ng pinto wooh!

Pagtinigin ko sa likod

Anak ng pusa gawin kitang siopao eh =__= Jk lang! Against animal abuse ako nuh! Pusa lang pala=__= Napatakbo pa ko dun ah! Bat ba kasi napaka nerbyosa ko! Kung di niyo po natatanong, napakamagugulatin ko kaya ganun.

Pumasok na ko at wala parin si kuya. Nakalimutan ko magkaiba palang ang schedule ng teachers at students. Ang engot ko talaga =__= hinintay ko pa siya. And by the way, teacher ko siya sa first subject ang cool noh? English teacher siya and yun pa ang master kong subject ^____^V Pero baka sabihin ng iba na kaya mataas ang grade ko ay dahil si kuya ang teacher ko, sus pakelam ko ba sa sasabihin ng iba (:

Umakyat na ko sa kwarto ko, at komportableng humiga sa kama ko ^________^ AY PUSA!!! Nireplyan nga pala ako ni Neil kanina muntikan ko ng makalimutan kaya tamad na tamad akong tumayo at binasa yung message niya.

“Hello :D Who’s this?” Ayy taray english, Kate nalang ang pakilala ko second name ko din naman yun. “Caitlin” kaso iba nga lang spelling =)) para safe ;) Hahaha. Mukhang in progress na ko ah? Ano na nman kayang mangyayare bukas?

A/n:

Boring na po ba?:( Sympre first chaps pa lang :D Marami pang pwedeng mangyare! 

My Clumsy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon