♥ Five ♥

44 2 0
                                    

Missing.

Cheri's POV:

"My cheri amour, lovely as a shummer day. My cheri amour, distant ash the milky way.." Oh ayan.. kinakantahan na ako ni Mia. Lasing na ang lukaret. Hindi ko alam kung masaya ba ako dahil engaged na ako o malungkot dahil alam kong ito ang dahilan kung bakit siya ganito ngayon. Palpak ang plano kong 'sisters night out'.. naging 'Cheri's night out'.

"I think dapat na natin iuwi kapatid mo." bulong sakin ni Ethan. Nakakaguilty na nag yes ako kay Ethan. Dapat kaming magkapatid ang nageenjoy ngayon, hindi 'yung ako lang at 'tong lalaking akala mong talangka kung makakapit sakin. Ngumiti na lang ako kay Ethan at ibinalik ang tingin ko kay Mia. Ano bang gagawin ko ngayon? Nakakailang martini na siya.

"Ate! Ikakashal ka na! Woohoo! sha kanya!!" sabay turo nito kay Ethan at tawa siya ng tawa. Palalagpasin ko ang pagtawag niya ng ate sakin, dahil una totoo naman talagang ate niya ako at pangalawa, hindi ito ang oras para magbangayan kami ng kapatid ko. "Congratulations.. congratulations.." kanta pa nito uli.

"Thank you Mia. Ok na, tigil na. Stop na tayo uminom, ok?" hawak hawak ko na 'yung bagong dating na martini niya ng bigla niya ulit kunin sakin ito.

"Noooo! Ate, nagshishimula pa lang ako magshelebrate! Woohoo! Partey partey!" Napahawak na lang ako sa ulo ko, pakiramdam ko puputok na 'to anytime. "Tara! Let's dance ate!" tatayo na siya ng bigla siyang naduwal. Oh no!!!

"Ilabas na muna natin si Mia, baby." sabi ni Ethan. Nainis naman ako dito kaya nasigawan ko 'to.

"Wag mo ko matawag tawag na baby.. Wag ngayon, please!" naghands up na lang si Ethan at alam kong nabadtrip siya. 

"Hoy hoy! Ano yan! Away agaaad? Di pa nga keyo nasasakal away agad. Ha ha. Sinabi ko bang sakal? ha ha ha ha." at napaduwal uli ito. Not good. Kaya tumayo na kami ni Ethan at dinala sa labas si Mia. Kailangan lang ni Mia ng hangin.. masyado ng madami tao sa Amber kaya hindi din maganda kung magtatagal pa siya sa loob. Madami ng nakatingin samin. Naisip ko, masyado ata kaming naging sentro ng gabing ito.

Nasa labas na kami matapos ang congratulations dito at congratulations dyan. Napansin ko naman na nakadistansya si Ethan sakin habang hinihimas ko si Mia sa likod habang nakaupo. "Problema mo?" Tanong ko kay Ethan. 

"Ikaw anong problema mo? Tinawag lang kitang baby, nagalburuto ka na sakin agad?" Oh my god! 'Wag ngayon Ethan. "Akala ko naman matutuwa ka kasi inaya na kita magpakasal.. kasi 'yun ang gusto natin! Bakit bigla kang naging ganyan sakin?"

"Ethaaaaan!! Wrong timing ka kasi!" sinabi ko talaga kung anong totoo. "Ngayon sana 'yung gabi na magcecelebrate kami ng kapatid ko dahil magmomove on na siya sa mga nangyari sa kanya. Pero eto.. nagpropose ka.. which is hindi ko maipagkakailang ayaw ko, dahil ito ang gusto ko.. ang ikasal sayo.. pero shit lang! wrong timing ka talaga." nagtitinginan na samin mga tao pero wala akong pakealam. Tumingin sila hanggang kaya nila.

"I'm sorry.." Lumapit na sakin si Ethan at niyakap ko naman ito. "Naexcite lang kasi ako.. alam mo ba pag gising ko, nakarinig ako ng wedding bells.. kaya sabi ko yun na 'yung sign. I'm sorry talaga. Hindi ko plano sirain kung ano man 'yung plan niyo tonight." Alam ko naman 'yun, napahawak ako sa magkabila kong pisngi at biglang nagsink in sakin 'yung pakiramdam na dapat reaction ko kanina.

"OH MY GOD!!! IKAKASAL NA KO!! TAYO!!"

"Yes! baby! Ikakasal na tayo.." tuwang sabi din ni Ethan. Nagtititili na ako sa saya dahil ito na din 'yung hinihintay ko.. magseseven years pa lang kami ni Ethan, at eto.. ikakasal na kami. At alam ko hindi niya gagawin sakin kung ano man ang ginawa ng magaling niyang kaibigan sa kapatid ko. "Uhm.. baby?" 

"Oh my god! Kailangan ko ng itext si mommy at ipamalita sa buong mundo! OMG! OMG!"

"Baby?"

"Wait lang! grabe, hindi ako makapaniwala..!"

"Chesca Rindell Alcanta!" 

"Ano ba? Kita mong nilalasap ko pa 'yung feeling eh." Kailangan full name? Oh well! Gandang ganda talaga ako sa singsing at nagflash sa utak ko ang dream wedding ko.. na syempre ako ang magpaplano. Ayeeee

"Si Mia..."

"Huh? Bakit?" tanong ko dahil nakatingin ako sa singsing ko. Ang laking diamond nito ah. Tinignan ko naman uli kung saan nakaupo si Mia.. Laking gulat ko ng makita kong isang sapatos na lang niya ang nakikita ko. "NASAAN SI MIA???" sigaw ko.

"Yun nga sasabihin ko sayo eh.. Nasaan na si Mia? ang sagot: hindi ko alam." sabi ni Ethan habang napakamot sa ulo. 

OH EM GEE! Nasaan na lukaret kong kapatid????

Miracle on Table No. 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon