♥ One ♥

113 3 0
                                    

"Move on"

 

MIA.

*krriiing*

*tok tok tok*

*I'm sexy and I know it!*

Sabay sabay na tunog ng telepono, pinto at cellphone. Sinong hindi magigising? Kaya tumayo na ako para sagutin ang lahat pero  hindi sabay sabay.

"Ang aga mo mangbulabog!" sabi ko sa babaeng kumakatok at may hawak na cellphone. Alam niyo na siguro kung sino natawag sa cellphone ko. Pumasok na ito at dumaretso sa salas.. siya ang sumagot ng telepono ko.

"Hello? Yes, I'm here." sabi nito sa kabilang linya. Mukhang kilala ko na kung sino kausap niya. "Yes, mommy!" Ang aga aga naman nila ahh. Dumaretso na lang ako sa kwarto ko para ituloy ang masarap na paghiga. 

"Babae. Nagluluksa ka pa din?" Sabi ni Cheri, ate ko pero hindi ko siya tinatawag ng ate. (dahil excited much magulang ko magkaanak 4 months lang tanda niya sakin, sabunot abot ko pag inate ko siya.) Tinignan ko na lang ito ng masama. Umupo naman ito sa tabi ko. "Tara, shopping tayo. Hindi na tayo natuloy tuloy. Palagi ka na lang andito sa lungga mo." Hindi ko ito kinikibo. Gusto kong mapagisa.. Gusto kong matulog ng matulog, ilang linggo niya na ako binubulabog. 

"Mia.. tara na! labas tayo. Ni 'yung bintana mo ayaw mo ng buksan, ang alikabok pa. Ano ka ba." Nagtakip ako ng unan dahil biglang liwanag ng kwarto ko. "..tsaka nakailang text na si Arnie. Duh. Pati 'yung trabaho mo napabayaan mo na." Hindi pa din ako kumikibo. Ilang linggo ko na naririnig sermon niya medyo nakakasawa na. Kabisado ko na nga eh.

"MIA! Nakikinig ka ba?? hihilahin na kita palabas ng bahay mo!" Naiinis niyang sabi. "Isa, ako pag napikon bahala ka na talaga sa buhay mo." bahala na ako sa buhay ko? Kailan pa nangyari 'yun? Kung ako nga ang bahala sa buhay ko edi sana hindi nila ako sinugod sa ospital ng wakasan ko buhay ko. Actually, wala naman sa plano ko 'yun. Nagkataon lang. Sinugod nila ako last week dahil sa overdose. Napasobra sa sleeping pills. Masyado ba akong over? Hindi ko alam. Parang? pero kasi ang hirap talaga eh. Akala mo perfect na ang lahat. Akala mo mala fairy tale ang love life mo. Nakahanda na lahat. I do na lang sana..

"Hindi ka na niya babalikan. I'm sorry pero 'yun ang totoo. Paki saksak nga sa kukute mo." Kailangan pa bang sabihin at ipagdiinan? "Kung hindi mo ako kakausapin, bahala ka. Pero kapatid mo ako, iwan ka na ng lahat, ako hindi. Hinding hindi kita iiwan." Hindi pa din ako kumibo pero deep inside ayoko gawin sa kanya 'to. Na umarteng walang pakealam. 

"Okay.. ikaw na bahala. Text mo na lang ako pag kailangan mo ko. Siguro ngayon hindi mo ko kailangan kaya ganyan trato mo sakin." Tumayo na ito at lalabas na sana ng muling magsalita pa ito. "Alam mo.. isa lang ang nangiwan sayo, pero buong mundo dinamay mo. Galit ka sa lahat, kami ba nanakit sayo? Isipin mo yan. Bye." Narinig ko ang pagsara ng pinto. Umalis na nga siya. Alam ko sobra na ako. Sobrang sobra na ako kasi pati kapatid ko dinamay ko. Hindi na din ako nakakabisita kay mommy. Hindi ko na din nabibisita puntod ni daddy. Ano bang nangyari sakin? Parang hindi ko na din kilala sarili ko.

  Five months ago, sana Mrs. Valencia na ako. Dapat. Nakaplano na. Pero hindi. Hindi natuloy ang wedding ko dahil nahuli ko siya na may kasama sa loob ng kotse niya at nag.. ni hindi ko kayang ituloy. Ang sakit pa din. Pinatawad ko naman siya, sabi ko kasi siguro dahil ikakasal na siya kaya ginawa niya 'yun. Naging okay kami at tuloy pa din ang kasalan. Hanggang isang araw, tatlong araw matapos ko siya mahuli.. sinabi niya ang mga salitang 'yon, harap harapan. Sa mata ko mismo siya nakatingin. Hindi na kita mahal. Hindi ko na alam kung may future pa tayong dalawa. Para akong binuhusan ng isang tankeng malamig na tubig.

Miracle on Table No. 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon