Chapter 9

49 2 5
                                    


CHAPTER 9

Bumaba ako para kumain ng tanghalian nang magkasalubong kami ni Ivan. Iyong ninong ni Jaja na kinagagalitan niya. Dahil tinext ko naman si Tres at sinabi niyang may inaasikaso pa siya, mauuna na lang ako.

"Kailan ba maayos ang daanan papuntang Caba?" tanong ko sa kanya habang hinihiwa 'yong karne sa plato ko.

"Hindi ko pa sigurado kung kaya na ba bukas dahil nasira ang daan doon at sinubukan pa nila kung puwede na bang daanan—"

Natigil siya sa pagsasalita nang mapatingin siya sa likod ko. Sinisigawan ng sopistikadang babae ang isang waiter.

"Istupido ka! Kaya hanggang waiter ka na lang dahil simpleng instruction ko hindi mo magawa. Stupid!" Nang akmang sasaktan na ng babae ang nakayukong waiter ay mabilis na tumayo si Ivan at tinawag ang atensiyon ng babae.

"Venice!"

Mabuti na lang at nakalapit na si Ivan bago pa man masampal ng babae ang kawawang waiter. Nag—usap sila saglit at medyo kumalma naman ang itsura ng babae habang nagsasalita si Ivan. Ano kaya ang problema ng mga mayayaman at kapag hindi napagbigyan ang mga gusto nila ay mananakit na lang? Oh brats. I know some of them.

Nakikita ko na kumalma na ang babae at dali—dali siyang dinala ni Ivan sa... of course, sa table namin. Sa itsura pa lang nitong babae, mukha ng maldita.

"Diwa, this is Venice Almira Tenor, puwede bang dito muna siya?" tanong ni Ivan sa akin saka ako ako tumango.

Hindi man lang lumingon sa akin ang babae pero mas maigi ko ng nakikita ang buong mukha niya. Matangos ang ilong na may mapupulang labi. At maganda ang pagkakakorte ng mga mata niya. Hindi din maipagkakaila ang magandang hubog ng katawan niya pati ang 6'5 niyang tangkad. Nakakapanliit ang kung sino mang kakausap sa kanya.

"Venice, you don't have to do that to the poor waiter." sabi ni Ivan.

Tumingin ako sa kanya saglit saka sa babae tapos mabilis kong binaba ang mga mata ko para naman hindi obvious na nakatingin ako sa kanya.

"How can I calm down if that imbecile waiter doesn't attend to my request?!" nanggagalaiti niyang litanya na mas nakapagpataas pa ng kilay ko.

"Venice..."

"Alright, I just want to talk to Giordano, pero hindi man lang nila ako masagot kung nasaan siya." tumingin sa akin saglit si Ivan na parang humihingi ng paumanhin.

Wala naman akong magagawa kung may mga tao talagang masama ang ugali. I just shrugged my shoulders and texted Tres. Matatapos na akong kumain at sinabi kong aakyat na ulit ako sa kwarto ko.

Biglang lumingon sa akin ang babae at tumitig na parang ngayon niya lang narealize na katabi niya ako.

"I know you," she hissed.

What's with the tone of this girl? Lahat na lang ba aawayin niya.

She knew me? Ngayon ko lang siya nakita. Ganoon na ba ako kasikat na pati dito sa lugar na ito ay kilala din ako sa scandal ko? Oh gosh... How can I explain this on Tres?

"Kasama mo si Giordano noong nakaraang linggo!"

What? Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. What's with this lady? Ako naman ang aawayin niya ngayon? What the fuck...

"Sinong Giordano?" nagtataka kong tanong. As far as I remember ang mag—ama na sila Tres lang palagi ang kasama ko.

"Itanong mo sa baliw na si Giordano, leche siya!"

Sinong Giordano ba ang pinagsasabi nito? Isang linggo pa lang ako dito at kokonti lang ang nakakausap ko sa lugar na ito dahil halos subsob ako sa trabaho.

The Vagabond PlaygirlWhere stories live. Discover now