10:Boyfriend Mo? XD

120 3 1
                                    

Pauwi nako kasama si Torako.Nasa kotse kami,nagdadrive siya,ako tulala.Namumula na nga mata ko kasi kanina pako hindi pumipikit.Kanina pa tahimik dito kaso biglang binasag ni Torako ang katahimikan.

"About sa strategy na gagamitin natin--"biglang nagsalita si Torako.

"Oo nga pala!"sabi ko at humarap sa kanya.

"Ano?! Punasan mo nga yang luha mo,kanina ka pa hindi pumipikit,yan tuloy,para kang umiyak."sabi niya habang nakatingin sa daan.

"Sorry naman.Pero...gusto ko lang sabihin toh....HINDI KO CRUSH SI KIT."sabi ko.

"Alam ko.Si Kishi diba?"sabi niya.

"Yep."sabi ko.

"Sa case mo naman napaka-simple."sabi niya at tumingin sakin.

"Ha? Pano mo nasabi?"tanong ko.

"Sa tingin ko hindi naman mapili si Kishi.Magpaka-simple ka,yun lang."sabi niya.

"Totoo yan?!"niyugyog ko siya.

"Oi,Usagi,mababangga tayo!"sabi niya.Bigla akong humiwalay.

"Sorry."sabi ko.Umayos na lang ako,sa tingin ko wala na akong ganong effort na gagawin,magpaka simple lang.Kaso...ang hirap.Ano ba ang simple para kay Kishi? Napag-isip isip ako hanggang sa mag landing ang tingin ko sa cassette ng kotse niya.

"Uh...Torako,pwedeng mag radio?"tanong ko.

"Sige."sabi niya.Binuksan ko yun at favorite song ko ang naka play.

"YES!/Yesh!"

Nagtinginan kami."Favorite mo yan?"napangiti kaming dalawa kasi pareho naming favorite yung song.

Sabay kaming napakanta.Nakangiti ako ngayon kasi bati na kami ni Torako.Kailangan lang naman is makuha ang love namin.

Nakangiti kami pareho habang nagdadrive.Hindi ako makapaniwala na friends na kami ni Torako kaya napakasaya ko.Wala nakong enemy.

"Alam kong ngumingiti ka,Usagi."sabi niya.

"Oo.Hindi ko na i-dedeny kasi nakita mo."sabi ko.

"Pero...sure ka na ba?"tanong niya.

"Saan?"tanong ko."Kay Kishi?"

"Yep."sabi niya.

"Oo naman."sabi ko."Kailangan mapansin niya ako,"

Tinignan niya ako."Goodluck satin."sabi niya.

Nagdrive na siya at nakarating na kami sa bahay.May tutorials kami ngayon.Hindi ako makakatakas,lagi na kaming magkadikit simula ngayon.Kalimutan na natin si Kittybabes xD

Si Kuya,as usual,nasa kwarto.Dumerecho kami sa sala at naglabas ng books.

AFTER 2 HOURS

"Oh ano? Gets mo na?"sabi sakin ni Torako.Imbes na mag discuss kami ng lessons,nauwi kami sa 'Love'.Nagtataka kasi ako minsan kung bakit nag-papakita ng motibo ang guy sa girl kaya ayun,na-fall si girl pero hindi sinalo ni guy dahil may ibang mahal na hindi siya mahal.

Nagtataka lang ako kung bakit niya pinaasa lang sa wala si girl.

"Bakit? Naawa ako kay girl."sabi ko at nag pout.

"Alam mo kasi,hindi natin maiiwasan ang maka-experience ng ganyan.Unrequited minsan or pinaglalaruan lang niya ang feelings mo.Para nga silang naglalaro ng domino,yung isa natumba at nabangga ang isang domino,matutumba rin ang kaharap."sabi ni Torako.

"Bakit alam mo ang mga yan?"tanong ko."Na-inlove ka na ba?"tanong ko.

"Hindi ko sure kung love nga ang feelings ko kay Naoki.Pero gusto ko siya maging akin."sabi ni Torako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Tsundere BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon