07:Peace Treaty with Torako

135 2 8
                                    

"Senshi bes!!!"sumigaw ako at hinabol ang dambuhala ko'ng kaibigan at niyakap siya mula sa likod.Routine namin toh tuwing umaga,kaya nga ang ingay sa gate kasi sigaw kami ng sigaw.

"Usagi bes!"sigaw din niya at hingpitan ang yakap sakin.

FRIENDSHIP RULES AND ROUTINES(Senshi-Usagi way~!)

Rule#1:Baliw

Routine:Pag pasok sa gate pag nagkita kayo,isigaw niyo ang pangalan niyo sa isa't-isa at tumakbo kayo palapit sa isa't-isa.Hayaan mong i-Dawn Zulueta ka niya.

Hinagis niya ako sa hangin at pina-ikot ikot ako sa ere.

"Baka yung bacon maluwa ko ng buo~!"sigaw ko.Binaba naman niya ako kagad.

"Okay ka na ba? Hindi ka ba na-trauma?"tanong niya.

"Oks na oks ako,Senshi,huwag kang mag-alala."sabi ko sabay palo sa balikat niya.

"Usagi,"tumalikod ako at nakita si Torako."Susunduin kita sa klase mo after class.Bawal mag-skip ng tutorials ko."

Umalis siya kagad.

"Sabi mo eh."bulong ko.

O________________________________O

Bakit ganun?! Hindi nako naiinis sa kanya?! Bakit?! Mainis ka Usagi,mainis ka!!!

..........[Torako PoV]..........

Himalang hindi nainis sakin si Usagi ngayon.Bakit kaya? Usually,sisigaw pa siya.Namimiss ko yung mga times na yun.Ang sarap niya kasing asarin.Nakakatuwa.Masarap siyang libangan.

Dumerecho ako sa library at himalang nakita si Naoki.

"Hi,"sabi ko sabay upo sa tabi.

"Hello."

"Pwede makuha number mo?"

"Sure heto...0922********."

Aminin ko na ba sa kanya na gusto ko siya?

"Um...Naoki,huwag ka sanang ma-ooffend sa sasabihin ko."

SHIZ.ANG AWKWARD -______- TSS.

"Pwede ba kitang maging girlfriend?"

NAKOW! Ba't antagal niyang sumagot?

"Sorry,pero,may iba ako'ng gusto."yumuko siya.

"At sino naman yun?"tanong ko.

"Si Kishi Bara."sabi niya.

Tch.Palagi na lang si Kishi.

"Okay lang naman sakin kung hindi mo ibalik ang nararamdaman ko.Importante,nasabi ko sayo.Huwag mo sanang kakalimutan yun,Naoki.Huwag mong kakalimutan na may nagmamahal sayo."tumayo ako sa upuan at umalis ng library.

Wala na.

Biglang naglaho ang nararamdaman ko sa kanya.Bakit ganun? Teka,may tawag ba dun? Hmm,kung meron,sana maisip ko na.

"Senshi~! Tara na!!!"nakita ko si Usagi.Kasama niya ang higanteng yun.

Bakit ba naiinis ako?

...............[USAGI POV]...............

Tuwang tuwa ako kasi excused kami ni Senshi sa klase~!

"Senshi~! Tara na!!!"aya ko sa kanya.Although parang wala siyang pakelam kung tignan,enjoy na enjoy yaan.Kung tutuusin,tuwang tuwa siya.Kaya siya naging kaibigan eh.Senshi Amano yan eh~!

Hinayaan niya lang ako yakapin siya mula sa likod.Halata naman na mag-bestfriends kami.At oo nga pala mas masaya kung kakain kami sa labas.Diba?

"Usagi,"may tumawag sakin.Lumingon ako at palapit si Torako sakin.Ano nanaman kayang problema nito?

"Diba sabi mo,tutulungan mo akong makuha ang puso ni Naoki?"nakayuko siya.Ano ba nangyari?

"Oi,ano bang drama mo? Oo.Bakit ano bang ginawa mo?"tanong ko.

"Inamin ko sa kanya ang lahat."sabi niya,nakayuko parin."Pero nabasted ako.Pero nakuha ko number niya."

"Edi maganda!"sabi ko sabay hawak sa panga niya at tinaas ito."Makipag-kaibigan ka sa kanya.Pag na-accomplish mo yun,tutulungan kitang mag ninja moves."

Umalis na kami ni Senshi at iniwan siya dun.

KINAGABIHAN....

Nakahiga ako sa kama ko,naka-titig sa ceiling.Hay nako,Torako,kamusta kaya ang---

*WATDOESTHEFOXSAYS!*

"Ay hatee-ho!"nalaglag ako sa kama.Kinuha ko cellphone ko sa table ko at tinignan kung sino yung tumatawag.

"Kailan natin sisimulan?!!!!!!"sigaw niya.

"Kalma ka lang,tsong.Diba may tutorials tayo?"sabi ko.

"Oo.On the way nako eh,nakasakay sa jeep,umaandar,nakaupo,hawak ang cellphone ko,kausap ka."sagot niya.

"Pwede na ba ako'ng tumawa?"tanong ko.

"Haha,sige na sige na,ako na ang corny.Eto naman,hindi mabiro."sabi niya.

"O sige,wag na tayo mag-aaway ah.Wala nang asaran ah."sabi ko.

"Oo,promise.Ano? Friends?"

"Yup~! Friends!"tumawa ako ng napaka lakas.

==========================

A/N:Sorry kung maigsi at late na ako nakapag-update xD Tinatype ko kasi ito habang naka-confine,anyway sana magustuhan niyo ^0^

My Tsundere BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon