Chapter 02 '' Sa Bahay Ni Claire ''

297 14 7
                                    

CHAPTER 02

* Sa Bahay Ni Claire *

'' Best, gising na umaga na. Dito ka na nakatulog sa bahay. Nawalan ka ng malay sa nangyari kagabi na hanggang ngayun na-cucurious ako sa dalawang nakita ko. Nakita mo ba yung biglang lumabas sa sako napaka-weird kung bakit o kung ano ginagawa nung taong iyon sa loob ng madugong sako na puro langaw na. Best, huwag natin ipapaalam ito.'' Tugon Ni CLaire.

'' Best? Hindi! Hindi! Anong mayroon sa loob ng sakong naririnig natin na may kumakaluskos? Hindi ko na napansin iyon, yung lalaki lang. Kapag naaalala ko yung binatilyong lalaki napaka-weird ng mukha niya, bakit ganun wala siyang kilay, singkit ang mata, maputi , pero nung nasa coffee shop tayo naka-cap siya na hanggang mata at natatakpan ng buhok yung noo niya.... May sauce pa ng spaghetti yung kanyang bibig... Kagabi naman dugo na talaga at yung leeg niya nakabali at pinagmamasdan niya lang tayo at nakasandal sa puno.'' tugon Ni Ashley Na Tila bang May Pinaghuhugutan...

'' May matandang babaeng lumabas sa loob ng sako na puro sugatan at magulo ang buhok. Hindi nila ako pinansin ng mga sandaling iyon... Tumungo siya sa weirdong lalaki at nagyakapan sila. Gusto kong malaman kung anong mayroon sa kanila napakaweird!'' Tugon Ni Claire 

Mga ilang sandali may kumatok sa kanilang kinarorooanan at iyon ang mama ni Claire na si Seedney, niyayaya na itong magsikain ng umagahan , tumayo na ito at nagsikain na....                                      

'' Ashley, kumain ka ng madami huwag kang mahiya, kumain pa kayo madaming nakahain ngayon. Saturday pala ngayon papayagan ko kaya ni CLaire umalis ngayon.

'' Maraming salamat po tita.'' Tugon Naman Ni Ashley.

Sa sobrang bilis ng oras sa di namamalayang oras ay nagpasya na ang dalawa na lumisan na at tunguhin ang matandang sugatan at ang weirdong binatilyo. Mga ilang sandali ay naroroon na sila, tinignan agad nila yung sako ngunit laking gulat ng dalawa ay wala na ito.

'' Bestfriend, wala na yung sako at puro basura na lang nandito.'' Tugon Ni Ashley.

'' Nasaan na sila? Nananaginip lang ba ako nung kagabi imposible best! Imposible! Tsaka nakita mo rin hindi ba? Nasaan na?'' Tugon Ni Claire Na Tila Ba'y Hindi Mapakali.

'' Sa tingin ko umalis na sila dahil nalaman natin kung nasaan sila. Best, uuwi na ako sa amin baka magalit si mama umuwi ka na din baka kung anong mangyari sayo dito ha?'' Tugon Ni Ashley.

'' Sige, hatid na ba kita sa inyo?'' Tugon Naman Ni CLaire.

'' Hindi na, umuwi ka na agad. Best, tsaka nga pala wag na tayong babalik sa coffee shop.'' Tugon Ni Ashley.

'' Pero bakit naman ? Haysss, pero cge. Mag-iingat ka paalam na. Tatawag ako sayo hintayin mo best. '' Tugon Ni Claire Na Di Mawari Kung Magiging Mahinahon Ito O Hindi.

Pinagmamasdan ni Claire ang unti-unting paglayo sa kanya ni Ashley sa di namamalayang oras, palayo na ito ng palayo hanggang sa di na niya ito matanaw. Tumahimik ang palagid tanging hangin na lamang at pagbagsak ng mga dahon ang nagbibigay ingay sa kanyang kinatatayuan, nang di na niya matanaw pa si Ashley napahinga ito ng malalim at napatingala sa taas ng puno. Maya-maya laking gulat nito dahil nakita niyang lumipad ang duguang sako sa itaas at biglang bumagsak ito sa kanya...

...Naglalakad ng mahinahon si Ashley patungo sa kanilang bahay at yakap-yakap nito ang kanyang bag. Mga ilang sandali bigla na lamang nakarinig si Ashley ng ingay mula sa kanyang dinaraanan ngunit di niya mawari kung saan ito nanggagaling. Napatanaw kung saan si Ashley at hinahanap ang ingay na tila ba'y may kinakatay sa loob. Mga ilang sandali biglang may sumagaw ng malakas at umalingaw ito sa buong kapaligiran, di nagdalawang isip si Ashley ay bigla na lamang itong humarurot ng takbo. Sa di namamalayang pagkatakot ay bigla itong natisod sa bato at humagis sa tubigan ang kanyang dala-dalang bag. Mga ilang sandali bigla na lamang ulit tumahimik at para bang walang nangyari. Napatingin kung saan si Ashley at tumayo ito at kinuha ang bag na basang-basa na. Nagkaroon ng sugat sa tuhod at pisngi si Ashley sa gawa ng pagkabagsak sa lupa....Mga ilang saglit biglang kinabahan at nagtago sa puno si Ashley dahil nakita niya ang lalaking binatilyo sa coffee shop na lumabas sa isang eskinita. Napaisip ito na baka may kinalaman ito sa umalingawngaw na kanyang narinig. May dugo sa gilid ng mukha, bibig, kamay at damit ang binatilyo....

Together But AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon