Chapter 01 '' Sa Coffee Shop ''

889 20 20
                                    

'' Isang Malamang Istoryang Bumabalot Sa Dalawang Magkaibigang Babaeng Nauwi Sa Nakakagimbal Na Mga Pangyayari. Dito Makikita Kung Gaano Katibay At Kahalaga Ng Isang Pagkakaibigan Sa Ating Buhay. ''

CHAPTER 01

* Sa Coffee Shop *

Masayang nagkwekwentuhan ang dalawang magkaibigang babae na sina Ashley Bernelli at Claire Scott, sila'y 16 years old at fourth year high school na. Mga matatamis na ngiti ang gumihit sa mga labi nito habang sila'y nagkwekwentuhan. Mga ilang minuto ang lumipas lumapit ang isang binatilyo na may dala ng kanilang kape at tinapay.

'' Miss ito na po. '' Tugon Ng Binatilyo Na Parang Nagmamadali Ito.

Napailang ang dalawang dalagitang sina Ashley at Claire, maya-maya napabungisngis ang dalawang ito. Maya-maya sabay napakamot sa ulo ang binatilyo.

'' Kuya ano pong pangalan ninyo.'' - Tugon Ni Claire Na Nakatitig Sa Binatilyo.

Napatingin na lamang ang binatilyo sa dalawang dalagita at lumisan agad ito. Maya-Maya biglang tinawag ni Ashley ang binatilyo bago ito tuluyang bumalik sa kanyang kinaroroonan.

'' Kuya, wait. May sauce ka pa ng spaghetti sa bibig?!'' - Tugon Ni Ashley Na Biglang Naging Mahinahon Ang Pagbungisngis nito.

Napatingin ang mga taong naroroon kay Ashley, maya-maya sabay tinapik sa balikat ni Claire si Ashley.

'' Ano ka ba best nakakahiya. Hayaan na natin siya mukhang galit sa mundo.'' Tugon ni Claire.

'' O sige na best, tara na pumasok na tayo may napansin kasi ako sa lalaking yun medyo kinilabutan lang ako. '' Tugon Ni Ashley.

'' Best mamaya na natin pag-usapan yan sige na.'' Tugon Ni Claire.

Agad na lumisan ang dalawang magkaibigang sina Ashley at Claire. Habang naglalakad sila at hawak-hawak nila ang isat-isa. Maya-maya bago nila matuntunan ang kanilang iskwelahan may napansin ang dalawa na may kumakaluskos sa liblib na lugar na tila parang kinakalmot ng isang pusa. Napansin ni Claire na gumagalaw ang isang sako kung saan katabi ito ng mga basura. Agad nilapitan ng dalawa na walang pangamba.

'' Halika Best, kinawawa ata nila ang pusa. May mga mantsa pa ng dugo ang puting sako.'' Tugon Ni Claire.

'' Best sige, tara. Pero best di ka nagtataka bakit di nagsasalita yung pusa?'' Tugon Ni Ashley.

'' Pero best kung ano man nasa loob ng sako tignan natin.'' Tugon Ni CLaire.

Nilapitan agad ni Claire ang sako kung saan napakaraming basura, at si Ashley naman napa-atras sa sobrang baho at madaming langaw. Ngunit si Claire walang bahid na takot at hinawakan kaagad ang sako . Maya-maya napansin ni Claire na gumalaw ito, napalunok si Claire ng wala sa oras.

'' Best tara na baka ma-late na tayo.'' Tugon Ni Ashley.

Ngunit Tila parang walang narinig si Claire at agad binuksan ang nasa loob ng sako. Pagkabukas nito biglang nagsalita ang binatilyo sa kanilang likuran at napatanaw ang dalawang dalagita.

'' Umalis kayo at wala kayong gagawin dito.'' Tugon Ng Binatilyo.

Nanlilisik ang mga mata nito sa dalawang dalagita. Napatabi si Ashley Kay Claire napahawak Ito. Mga ilang sandali tumakbo si Ashley At Hinatak si Claire papalayo sa binatilyo at agad tumungo na sa kanilang iskwelahan....

...Mga ilang oras ang lumipas sa di namamalayang oras ay 7:30 na ng gabi. Naglabasan na ang mga estudiyante at maging sina Ashley at Claire. Maya-maya napansin ni Claire na tulala si Ashley habang naglalakad sila paalis ng iskwelahan.

" Bestfriend ayus ka lang ba? Nga pala ano bang nakakapagtaka dun sa lalaki na yun sa coffee shop. Siya din yung lalaking nagsalita sa likuran natin nung nasa garbage place tayo." Tugon Ni Claire.

Together But AloneWhere stories live. Discover now