Part 8

2.2K 41 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni Kian sa room. Magkaiba kami ng strand na kinuha kaya hindi kami magkaklase kasabay din namin si Daphne  kasi nga magkaklase naman kami.

"Dito na kami Babe, Please Kian alagaan mo naman ang sarili mo tingnan mo ang putla putla mo na" hinawakan ko pisnge nya at nag aalalang tumingin sa kanya. Hinalikan naman nya ako sa noo.

"I will babe, huwag kang mag-alala sa akin kaya ko naman ang sarili ko. Sige una na ako sayo baka malate pa tayo sa class natin" paalam nya at tumalikod na sakin. Pumasok na ako sa aming classroom at pagka upo ko ay nagsalita agad ang katabi ko.

"Ang sweet pala ng boyfriend mo" nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"Oo naman sya ang pinakasweet na lalaki na nakilala ko" pagmamalaki ko.

"Kasi sya lang naman ang tinitingnan mo" pabulong nyang sabi.

"Ha?" Hindi ko naintindihan yung sinabi nya kasi biglang nagpasokan ang maiingay kong kaklase.

"Wala sabi ko ang ganda mo pero bingi ka" tapos bigla syang tumawa.

"Grabe ka sakin ang sama mo" umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

"Joke lang yun pero hindi joke ung maganda ka" nakita ko sa gilid ng aking mata na ngumiti sya ng sabihin nya yun.

Biglang namula ung pisnge ko, ano ba 'to? Bakit naging ganon ang epekto nya sakin nong sinabi nya yun? Hindi na lang ako nagsalita buti na lang dumating na rin ang teacher namin.

Ano kaya ang sinabi nito ni Calix? Bakit kasi hindi ko narinig? Binge ba talaga ako? Eh nag cottonbuds naman ako kanina ah.

Hayae na nga makinig na nga lang kay Sir mamaya tawagin pa ako nito eh ang strict pa man din nito.

Natapos ang klase namin ng wala akong natutunan hahaha charot lang. Paglabas ko ng room ay si kian agad ang bumungad sakin. Niyakap nya ako at hinalikan sa noo.

"Musta ang school babe?" Tanong nya sa akin.

"Ganon pa rin boring as usual, san mo ako d-date?" excited na tanong ko.

"Diba may gagawin kang report?" Oo nga muntik ko ng makalimutan bwesit talaga si Mam.

"Oo nga pala! Sige samahan mo na lang ako sa bahay sabay na tayong gumawa ng mga homeworks" malungkot kong sabi.

"Sige akin na yang bag mo ako na magdadala" binigay ko na yung bag ko at naglakad na sa hallway. Pagdating sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse ko at sya na ang nagdrive wala pa syang kotse kasi ayaw pa ng parents nya, baligtad kaming dalawa eh embis na ako ang walang kotse sya ang wala pero meron syang motor siguro ipapakuha na lang nya mamaya. Habang nasa byahe ay binuhay ko ang sounds at nakinig sa kpop songs.

"May naiintindihan ka ba dyan babes?" Tanong nya habang seryosong nakatingin sa daan.

"Wala hahaha pero I'm happy when I'm listening to their song sobra kasing nakakagaan sa pakiramdam atsaka ang gagaling nilang kumanta lalo na ang sumayaw" ngiting ngiti kong sabi. Mahal ko talaga ang kpop kasi sa tuwing malungkot ako sila ang nakakapag pagaan sa nararamdaman ko.

"Ok, kahit hindi ako mahilig dyan I will support you" sumulyap pa sya sakin bago tumingin sa daan na may ngiti sa mga labi.

"I love you Kian sana ikaw na ang kaforever ko" titig na titig ako sa kanya, ayaw ko na syang mawala sakin, hindi ko ka kakayanin.

"I love you too"

"Sana makaabot pa ako" bulong nya

"Ha?" May sinabi ba sya? Bakit hindi ko narinig?

"Sabi ko I love you Forever and Ever" ang lungkot nya, bakit kaya? Ano ba yung sinabi nya? Tsk ang bingi mo alesha.

"Mas love kita" tumingin na lang din ako sa daan at sinasabayan ko ang kanta kahit mali mali ang lyrics.

Bakit ba ang bingi ko ngayon? Hindi ko tuloy maintindihan yung sinasabi nila hays.

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now