99: Ninja moves pt. 2

86 4 0
                                    

Issa

"Kwan, ano na bang nangyayari sayo?"

"kanina mo pa hawak hawak 'yang water gun mo na sira"

"Mga fren, nagre-ready na ko sa gera namin ni woozi. I hate him, he a animal"

"I'm not your friend"

"'di pa nga tapos yung world war three, world war four na agad?"

Ang lalakas ng boses nila, rinig na rinig dito sa kwarto

May pa-world war four naman si Seungkwan?

"Kwan, maga-alas onse na. Bukas mo nalang paghandaan 'yong world war four mo.." rinig kong sabi ni Jeonghan

"I say, I need two bee-"

May narinig akong kaldero

Na hinampas

"Ingay eh.."

Hinampas ni Minghao si Seungkwan? Ang bad naman non.

Lalabas na sana ako, pero narinig kong nagsalita nanaman si Seungkwan

"BAKIT MO NILAGLAG ARMAS KO?!!!"

"tulog mo nalang yan, ilang araw ka na kasi nandito ng walang ligo.."

"natataranta na si kwan. Nandito lang kami pag namomroblema ka ha?"

Wawa naman, 'di pa naliligo si Seungkwan.

Maya maya, narinig ko nang pinatay na nila 'yong ilaw at umakyat na sila. Rinig din 'yong mga bulong ni Seungkwan, ewan ko ba kung bulong pa 'yon kasi malakas.

Bumalik ako sa kama tapos binaon 'yong muka ko sa unan, antok narin kasi ako eh.

Pero bigla kong naalala

Wag ka matutulog ng maaga mamaya

Sakto ring tumunog 'yong cellphone ko..

---

Lee Woozi sent you a message...

Woozi: tulog ka na ba?

Issa: hindi pa, ano bang mangyayari?

Woozi: basta wag ka munang matulog

Lee Woozi  logged out

Issa: spoil naman diyan oh

Issa: hello?

Issa: anobayan

Issa: bala ka diyan, goodnight..

---

Sobrang antok na talaga ako eh, Konting kembot nalang pipikit na ko. Kung puwede lang sana kumembot eh

Ilang minuto na lumipas, 'di parin nagreply si Jihoon kaya balak ko ng matulog. Humiga na ko ng maayos tapos tinakpan 'yong buong katawan ko ng kumot, pero biglang may kumatok

Napaupo ako sa gulat at napatitig sa pinto. Hinintay kong may kumatok ulit, so ayon may kumatok nga

"nananakot to eh.." bulong ko sa sarili ko

Dahan-dahan akong bumaba ng kama, saka lumapit sa pinto. Binuksan ko ng mabagal dahil malakas 'yong tunog, aba.

Pag bukas ko, eh wala nanamang tao

Pero may papel nanaman, may sulat siyempre

Tulad nung dati

Kinuha ko 'yong papel at agad na binasa ;

'Labas ka, and no hindi ako mananakot.'

Kinilabutan ako, kasi lalo kong inisip na masamang tao siya. Pero dahil sa kalutangan ko, pwes bumaba ako ng dahan dahan sa sala

Nakasuot parin medyas ko, kaya 'di masyado rinig 'yong steps ko

Pagkahawak na pagkahawak ko ng pinto, biglang bumukas 'yong ilaw, at nakita ko rin si Seungkwan sa tabi na may hawak paring water gun

"Ginagawgaw mo?" tanong niya

"Humihinga?"

"letse, saan ka pupunta ng alas dose ng madaling araw?"

Nag-isip ako ng sasabihin, tapos biglang may pumasok sa isip ko

"Sabi ni Woozi na labas raw ako.."

"sabi ni woozi?" natatawa niyang tanong, tumango nalang ako.

Ba't siya natatawa?

"Pano mo nasabing si woozi ang- I mean, gantong oras, si Woozi pinalalabas ka?"

tumango lang ulit ako

"ah, ok"

Nilingon ko siya ng may kunot sa noo. "'Di mo ba ko pipigilang lumabas?"

"Ba't kita pipigilan?"

"'Di ba may world war four ka?"

"antok na ko eh, kaya mo namang sipain si Jihoon pag hinarass ka.."

Harass talaga? Hahaha

Nginitian niya nalang ako, tapos dumila siya sakin. Ang bad.

Ayon, lumabas na ko ng bahay ng medyo magaan na ang loob. Natatakot parin ako kung sinong nagpapalabas sa'kin

jagiya • kim mingyuWhere stories live. Discover now