Voiceless

199 10 7
                                    

Alam mo ba ang masakit sa mga nangyayari sa mundong ito?

Kapag baldado ka wala kang kwenta,
pagkulang ka sa pyesa wala kang halaga.

Pag 'di mo kayang makipaginteract sa iba,
Balewala ka lang sa kanila.

Kailangan pa nating humingi ng tulong bago nila makita na nahihirapan na tayong may mga diperensya.

Namuhay ako sa mundong nakakagag* kung saan iba't ibang tao ang nakasalamuha ko.

Naranasan kong maghirap at hindi makakain ng ilang araw. Naghahanap ng trabaho sa murang edad. Ni hindi nako nakatungtong ng kolehiyo matulungan lang magulang ko. Pero kayo! Oonting diperensya lang sainyo para nakayong mamatay.

Pano paakong kulang kulang?
Na hindi makapag aral ng maayos pero kayo nasa harapan niyo na ang lahat nag rereklamo pa kayo. Nasan ang utang na loob? Nilulunod niyo ba sa karagatan ng pride niyo?

Madami akong gustong sabihin madami akong gustong imungkahi sa ibang nabubulag sa kasinungalingan. Ngunit anong magagawa ko? Isa lang naman akong pipe na walang label sa kataas taasang mga tao sa paligid ko.

Kahit na kami ang tama isang dukot lang sa bulsa nababaliktad na ang lamesa. Nasan ang hustisya?

Ahhh hustisya. Oo nga pala.

Hustisya ang hinihingi ko. Pero ano ang binalik sakin? Purong problema. Pero hindi ako sumuko, lumaban ako hanggat makakaya ko pa.

"KYRIA! BUMABA KANA JANG BATA KA! KANINA KA PA SA TAAS TULUNGAN MO KAMI DITO MAGLIGPIT. NAKONG BATA KA TALAGA OO PASAKIT LAGI!" Napatigil ako sa pagsulat sa notebook ko ng biglang sumigaw si mama.

Huminga ako ng malalim upang pigilin ang luhang namumuo sa mga mata ko.

Kung alam mo lang ma ang ginagawa sakin ni Kuya at Tiyo.

Ang mga oras na wala ka lagi nila akong minomolesta kahit anong laban ko mas nagiging malupit lang sila.

Ma? Pano pag alam mo ang nangyayari sakin, proprotektahan mo ba ako? Kasi ma simula nung tumuntong akong high school nagsimula na sila.

Alam mo ba ma na isang gabi nung umuwi akong basa dahil umuulan galing ako sa bahay ng kaibigan para manghiram ng pera na inutos mo.

Naliligo ako nun nung pumasok si kuya sa banyo saka ako ni-rape. Ma, alam mo bang ang dumi dumi ko. Ang dumi ko na para sa sarili ko. Malilinis pa ba ako?

Ma, alam mo ba yung gabi na ang himbing ng tulog mo kasi ako yung nagprisentang maglinis ng bahay dahil alam kong pagod kana? Dumating sa bahay nun si Tiyo na lasing na lasing saka ako minolesta ng hay*p na iyon.

Akala ko titigil na sila pagkatapos nun pero nag ka mali ako.

Ma, humihingi ako ng tulong, ma. Ilang taon nako humihingi ng tulong pero parang bulag ka para hindi makita iyon.

Ma, pagod nako lumaban, ma. Gusto ko ng magpahinga. Maiintindihan mo naman ako, ma diba? Mahal na mahal po kita, Ma.

Ibinaba ko ang hawak kong lapis saka lumingon sa lubid na nakabitay sa bubong. Huminga ako ng malalim saka tumongtong sa upuan sa ilalim ng lubid.

Alam kong masama ang ginagawa ko pero hindi niyo ako masisi. Gusto ko ng magpahinga.

Inilusot ko ang tali sa ulo ko, 'paalam' isang butil lang ng luha ko ay sapat na para sabihin ang katagang iyan.

Mahal kita, Ma. Paalam.

@Eul


Hope you enjoyed reading this!!
Sana maintindihan niyo ang content ng story thanks!! Sorry for typo and grammatical errors! Edit ko na lang pagsinipag hehez. Labyu cuties!

Voiceless Where stories live. Discover now