11: love sickness

10 0 0
                                    

"oh! Ginabe kayo ah!" bungad sa'kin ni mama. Ningitian ko naman siya.

"Oo nga ma, ma! May sasabihin ako!" sambit ko kasabay ng pag hila ko sa kanya para umupo sa sofa.

"o sige, ano yun?" aniya. At nag hihintay ng sasabihin ko.

Nag buntong hininga muna ako. "Ma, kapag ba sinabi ko sayong may nagugustuhan na uli ako'ng babae. 'di ka magagalit?" tanong ko. Bigla ako kinabahan. hindi ko kasi alam kung ano magiging reaksiyon niya sa sinabe ko.

"Hindi!" nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso? Talaga?

"Ma, seryoso 'di ka magagalit?" eksaherada ko'ng tanong.

"kaelin, matagal narin na nag kahiwalay kayo ni bianca at ngayun na may mamahalin ka na uli, tu-tutul pa ba ako? Saka malaki kana alam mo na yung gagawin mo!" nakangiting aniya.

"teka.... Si yumi bayun?" lalo ako'ng nagulat sa sinabi niya.

"pano niyo nalaman?" laking matang tanong ko sakanya. She smirked na parang alam niya simula't sapul.

"anak, mama mo ko. Ako ang unang nakaka alam!" aniya. Yumuko naman ako na parang nahiya. Talagang nahiya ako. Alam niya na talaga na gusto ko si yumi.

"sige na, umakyat kana at bukas na natin pag usapan yan, gabeng gabe na oh!" paalala niya. Tumayo naman ako.

"kayo, 'di kayo matutulog?" tanong ko.

"may inaabangan pa ako'ng series e!" then she smirked. Si mama talaga.

"sige, mauna na ako mama!" sambit ko saka umayat na.

"kaelin nak, mag shower ka at mag patuyo bago matulog huh! Baka mag kasakit ka!" habul na paalala ni mama.

"Opo!" sigaw ko. Nag umpisa narin ako mag shower pagkatapos ko ay nag patuyo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung araw ko bukas dahil sa sinabi ko kay yumi.

Yumi's POV

"oh! Basa ka ah!" gulat na bungad sakin ni yaya. Nag punas naman muna ako.

"naulan sa labas e! Sige, yaya akyat na ako! " sambit ko. Kasabay ng pag akyat ko sa taas. Hindi ko talaga yun inaasahan. Yung puso ko naku!

(*knock*knock*)

"nakabukas!" sambit ko. Alam ko kasi na si yaya ang kumakatok.

Nakangiti siyang pumasok kasabay ng pag tabe sakin sa kama. "yumi, sabihin mo sakin poblema mo!" sambit niya kasabay ng pag himas sa likod ko. Nagulat ako sa sinabi niya. Baket niya nasabi yun, siguro nahalata niya na wala ako sa mood.

"hmm yaya kasi, si kaelin nag tapat siya sakin na gusto niya na yata ako!" sambit ko kasabay ng pag yuko ko. Hindi ko alam talaga gagawin ko.

"oh! Baket ka malungkot, dapat nga masaya ka na gusto ka rin niya katulad ng pagka gusto mo sakanya!" nagulat ako sa sinabi niya kaya tumingin ako sakanya. Gosh don't tell me.

"yaya, Pano mo nalaman?" seryoso kong tanong. Ngumisi naman siya.

"simula nung napa sunod ka ni kaelin dun sa baba. Napa isip ako na baka may gusto kana sakanya! " Oo nga pala miski na isang beses hindi pa ako nasunod sa utos na bumaba ako.

(END OF POV)

(*knock*knock) naalimpungatan ako sa katok ni mama kaya malumanay ko'ng inimulat ang mata ko at nakita ko ang maliwanag na sinag ng araw na nag rereflect sa bintana ko. 'Aray!' angal ko'ng bulong ng pagtangkaan kong tumayo. Andilim ng paningin ko at parang ansama ng pakiramdam ko.

"Nak, antagal mo'ng buksan? Kaya ako nalang nag bukas!" sambit ni mama saka maya maya at nag tataka ako'ng sinuri ang kabuuan ko sa pag kakahiga.

"baket?" malumanay ko'ng tanong sakanya. Baket ako paos?. Biglang Dinampi ni mama yung kamay niya sa leeg at nuo ko.

18 : 19 Where stories live. Discover now