[Service 3]

607 16 3
                                    

[Service 3]:

Nagising si Thor sa pangyuyugyog ni Roy. Pinunasan ni Thor ang laway sa gilid ng labi. Nakatulog pala sya.

      Nakatulog din si Delouise. Nakapagpagising sa kanya ang strong light na dumapo sa mga mata nya mula sa flashlight. Kinuha nya iyon at itinapat sa bubong ng compartment, tapos narinig nya yung squeak na alam nyang galing sa daga. Namataan nya itong nagngangatngat ng strap ng isang bag. “Bwisit kang daga ka pinagod mo ako. I'll get 'ya!”

      Bumaba na sina Roy at Thor sa taxi. Sinulyapan ni Thor ang taxi. Nanginginig pa rin kahit patay na ang engine? Ibang klase ang kalumaan nito ah.

      Pasimpleng nakasilip si Roy sa wallet ni Thor habang kumukuha sya roon ng ibabayad.

       “P’re," sabi ni Roy, "ang layo kaya ng byahe tapos traffic pa kaya mabagal yung patak. Baka pwedengngng. . .” humaba kasi ang pag-pronounce nito sa ‘ng’ sound, “dagdagan mo yung metro ko?”

      Nagbibilang na si Thor ng pera sa palad nya. “Bakit, dalawang metro ba yung kailangan sa taxi? Saan ikakabit yung isa?”

      Tawa. “P’re naman oh pilosopo! Hindi naman yung metro ang pinadadagdag ko.”

       “’Di ba sabi mo kanina kung pwede ko bang dagdagan metro mo? Alam mo bang libu-libo ang presyo ng metro? Kumpara mo naman sa pamasaheng ibabayad ko sayo. Ang alam ko, pamasahe lang yung sinisingil sa pasahero. Bakit pati metro padadagdagan? Ibang klase ka.”

      Nakahawak sa tyan si Roy habang tumatawa, walang masabing matino.

       “O heto bayad ko.” Itinapal ni Thor sa bibig ni Roy yung isang libo. “Keep the change.” Ibinulsa nya ang wallet.

       “Yun.” Ibinulsa nito ang pera. “Pare yung bahay na sinasabi ko sayo, ito na yun. Nakikita mo ba?” Itinuro nito yung sa may harap nila.

       “'Di eh.” Mapikit-pikit na si Thor sa antok. “Andilim.”

       “Sabi ko sayo walang kuryente djan.”

       “Kaya naman siguro magkabit ng jumper djan. Hahanap ako bukas.”

       Nag-alok na si Roy na pumasok sila sa loob, pero bumalik muna si Thor sa taxi.

      Naramdaman ni Delouise na may nag-angat ng compartment kaya pinatay nya agad ang flashlight. Tinakpan nya ang bibig ng dagang costang nakakulong na sa mga kamay nya.

      Thor squints inside the compartment. Ang dilim talaga, wala syang maaninag. Antok na antok na rin sya, kaya tinamad syang mangapa sa loob.

       “Pare bukas na lang 'yan,” sabi ni Roy. “Gabi na oh. Matutulog pa ako. Hindi ko naman itatakas mga gamit mo eh. Djan lang yung taxi."

At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon