[Service 13]

260 7 3
                                    

[Service 13]

Housewife pa lang noon ang ina ni Delouise habang sosyo naman ang ama sa isang telecommunications company. Nang lumago ang kumpanya gayundin ang estado sa pamumuhay ng pamilya Blaisdell. Kahit na extravagant ang lifestyle ng ina, nangibabaw kay Delouise ang turo ng ama sa pagiging simple.

        Noong nag-high school si Delouise, nagkaroon ng trabaho ang ina nya sa kumpanya ng ama. Isa nang CEO ang ama no’n. Tuwing Linggo na lang nya nakakasama ang ama samantalang ang ina, bihirang-bihira. Naintindihan naman nya na isang marketing agent ang ina and this job involved a lot of travelling from one place to another.

        At halos hindi na nya naramdaman ang presensya nito noong tumuntong syang kolehiyo kung kailan nabilhan sya ng ama ng bahay sa isang subdivision malapit sa XU. Sa mga panahong ito, ang ama na lang nya ang nakaka-bonding nya tuwing Linggo. Personal pa nga ito kung mag-abot sa kanya ng lingguhang allowance.

        Ngunit kinailangang umalis ng ama para asikasuhin ang anomalyang kinasangkutan ng isang branch ng kumpanya sa France. Hindi naman lubusang nalungkot si Delouise dahil sinabi ng ama na magli-leave muna sa trabaho si Conchita — ang ina ni Delouise — para mabantayan ang anak. Maasikaso naman ito sa kanya, malambing at mabuti, tila bumabawi sa halos isang taong hindi nito pagpaparamdam sa anak.

        Isa pang ikinatuwa ni Delouise — ang tuwinang pagbisita ng tito nyang si Conrad. Kamukhang-kamukha ni Conrad ang ama nya. Ang pinagkaiba, malaki ang tyan ni Conrad at binata ito. Sa palagay ni Delouise, masyado itong workaholic para maasikaso pa ang buhay pag-ibig. Masaya itong kausap, mapagbiro. Kaya naman nabawasan ang pangungulila ni Delouise sa ama.

        Pumupunta si Conrad sa bahay ni Delouise para sa business affairs sa pagitan nila ni Conchita. Wala namang malisya ito kay Delouise dahil nasabi sa kanya ng ama ang tungkol dito. Kahit naka-leave si Conchita, nagwo-work pa rin ito.

        Isang araw na nakaupo si Delouise sa harapan ng salamin, kinausap sya ng ina. “Delouise dear, I’m well aware that your father confides to you a lot of things.” Sinusuklay-suklay nito ang shoulder-length na buhok ng anak.

        “Yes Mommy,” sagot ni Delouise. Nakayuko sya dahil may kinakalikot na messages sa kanyang cell phone.

        “You’re his confidante, right?”

        “Almost on anything.” Which is true. Tuwing bonding time, nagkukwento ang ama ng lahat ng saloobin nito tungkol sa trabaho, kaya naman magaan para kay Delouise ang magbahagi ng lihim sa ama. Ramdam nya ang lubos na tiwala nito sa kanya, kaya pinaka-iniingatan nya ito.

        “Maybe he confided to you where he kept ‘it’?”

        “It?”

        “I overheard the two of you talking about ‘it’, the day he left for France.” Hinatid nga pala ng mag-ina ang lalaki sa airport noong araw na iyon.

        “Ah, that. I’m not allowed to confide it to anyone, Mommy.”

At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon