Chapter 5: Pero :/ - Kath

1K 62 16
                                    

Monday morning habang naglalakad si Kath at Nads sa hallway ng campus.

“Sige na bes, please!!” pagmamaka-awa ni Kath kay Nadine.

“Bes, ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo?… Ayokong sumama.” seryosong sabi ni Nadine.

“Parang awa mo na please, gawin mo na to para sa bestfriend mo… alam mo naman na hindi ako papayagan nina papa umalis mag-isa eh…”

“Bes, mababagot lang ako doon.  Alam mo naman na hindi ako fan ni James Reid.  Anong gagawin ko doon sa fan meeting niya?  Kung ibang artista yan siguro, sasamahan pa kita…”

“Ano ba ang issue mo kay James, bes?”

“Wala naman.. ayoko lang talagang pumunta.”

“Kung wala kang issue eh di samahan mo ako… please! Gagawin ko lahat to return the favor.  Please, bes! Hindi talaga ako papayagan nina papa pumunta sa fan meeting niya kaya kunwari nalang na may ibang lakad tayo … parang-awa mo na...”

“Bes, Saturday night yan diba?... I really don’t think makakasama ako… baka may ibang lakad ako with the student council that time.  Maghanap ka nalang ng ibang kasama.”

“Saan naman ako maghahanap ng ibang kasama, bes?? Eh ikaw lang naman ang close ko dito sa school.”

“Ayan kasi… lakihan mo kasi ang circle of friends mo!  Wag mo ibuhos lahat ng oras mo sa idol mo.”

“Bes naman eh!”

“Sorry, bes.  I’ve made up my mind.”

Napasimangot si Kath at nag-isip na lang.

“Bes, tingin mo kapag ibla-blackmail ko si DJ, sasamahan niya kaya ako?” tanong ni Kath.

Napatigil si Nads. 

“Bakit ka naman niya sasamahan? Ano gagawin niya doon eh puro babae pupunta doon?”

“I-bla-black mail ko lang siya na kunwari sasamahan niya ako sa isang lakad.  Papayag naman sina Tatay basta may kasama lang ako eh…at kapag si DJ ang kasama ko, tiyak hindi na sila magtatanong... sa sobrang laki ba naman ng tiwala nila kay DJ.”

“…………………….”

“Good idea, bes diba?”

“…………………..”

 “Ang talino ko talaga, minsan!  Nasaan ba ang mokong na iyon at mablack-mail nga?!”

“Sasamahan nalang kita, bes.” biglang sabi ni Nadine.

Napatigil si Kath. 

“Talaga?!”

“Oo.”

“Bakit nagbago isip mo?”

“eh kasi… naa-awa ako kay DJ, dinadamay mo pa sa kalokohan mo.”

“Pffft!! Wag ka nga ma-awa sa gagong iyon! Eh sa dami ng atraso noon sa akin, dapat lang tulungan niya ako paminsan-minsan no.”

Napabuntong-hininga si Nadine. 

“Basta ako na ang sasama sayo sa Saturday, bes.”

 “Sure ka na ba talaga, bes?!  Wala ng bawian!”

“Ang kulit, oo na nga!”

Napatalon si Kath at napayakap ng mahigpit kay Nadine. 

“Thank you, thank you, thank you bes!  Yehey!! Excited na ako!”

Ngumiti si Nadine at inakbayan si Kath.  “so ngayon may atraso ka sa akin, Bes ha?”

“Oo naman syempre!   Gusto mo ice cream?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MIGRAINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon