Chapter 2: OMG! - Kath

1.2K 61 18
                                    

Bilis na pumikit agad si DJ.

"Wala akong nakikita!  Wala akong nakikita!  Promise! Cross my heart... hope to die!" sigaw niya habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Hinablot naman agad ni Kath ang  towel at maayos na tinakpan ang sarili niya.

"Lumabas ka na! Labas!" sigaw niya kay DJ.

"Pwede ko na ba buksan ulit ang mga mata ko?" tanong ni DJ.

Sa halip na sagutin siya ay tinulak siya ni Kath palabas ng kwarto at padabog na sinara ang pinto.

Inis na pinagpag ni DJ ang nakumot niyang damit at galit na tinitigan ang nakasaradong pintuan ni Kath.

"Buti sana kung meron akong dapat makita... eh wala naman!" sigaw ni DJ.

"Aaaaahhh!  Mamatay ka na!" sigaw ni Kath galing sa loob.

"Mauna ka." inis na sagot ni DJ.

Napadaan naman si Tatay Dencio sa harap ni DJ.

"Aga-aga ng iringan natin ah..." sabi niya kay DJ.

Napangiti nalang si DJ sa sarili niya.

Ang araw na iyon ay Sabado kaya walang pasok ang dalawa.

Nasa senior high school na sila at bukod sa nakatira sa iisang bahay ay classmates pa sila.

Ulila na si DJ dahil namatay ang mga magulang niya sa isang aksidente nung 10 years old pa lamang siya.

Iniwanan naman siya ng malaking mana at bahay sa probinsya nila pero dahil mas makakabuti rin para kay DJ ang mag-aral sa city ay kinupkop siya nina Tatay Dencio sa bahay nila at tinuring na parang anak.

Matalik na magkaibigan si Tatay Dencio at ang nasawing ama ni DJ.

Knock. Knock.

May kumatok sa pintuan ng bahay nila.

"Ako na po ang bubukas." nakangiting sabi ni DJ kay Tatay Dencio.

"Baka si Nads na yan... Saan na naman kaya ang lakwatsa ng dalawang iyan?" inis na sabi ni Tatay Dencio.

"Haaay... pasalamat nalang tayo at si Nads ang kasama... sana mahawa siya sa katinuan ni Nads." sabi ni Nanay Fairly.

Excited naman na binuksan ni DJ ang pinto.

"NADS!!!!" OA na sigaw ni DJ sabay malaking bear-hug kay Nads.

Hindi naman napigilan ni Nads ang pamumula ng pisngi niya.

"Ang hyper mo ata today..." tukso niya kay DJ.

Nagcute-pout si DJ sa kanya.

Napangiti si Nads at binuksan nalang ang bag niya.

"Oh, happy birthday!  Paano ko makakalimutan eh parati kang nagpaparinig sa akin?" tukso ni Nads.

Bilis na binuksan ni DJ ang gift at napa-dilat siya sa red basketball jersey na bigay ni Nads.

Naka-emboss sa likod ng jersey ang nickname niya "DJ" at ang number "26" na birthday niya.

"Nads... seryoso... aylabyu na talaga" bulong ni DJ sabay tangkang yakap ulit sa kanya.

Sinapak naman ni Tatay Dencio si DJ at hinampas ang mga kamay.

"Arayyy naman Tay!" reklamo ni DJ.

"Wag mo ngang pagloloko etong si Nads... napakabait na batang ere para tuksohin mo." sabi ni Tatay Dencio.

"Di ko naman siya tinutukso eh... mahal ko talaga siya." nakangiting sabi ni DJ.

"Ulol!" sigaw ni Tatay Dencio sabay hampas ulit sa kanya.

MIGRAINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon