Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter Eight

373K 5.8K 485
                                    

ANITA Lynda Alba woke up with bad news.

Wait. Yes, that's her name. Anita Lynda. Sa mga normal na umaga, hindi siya nabubwisit sa pangalan niya. Pero iba ang umagang 'yon. Narealize niya kung gaano siya ka-estupida. Kung may ibang short pronunciation ang pangalan niya, siguro ay estupida ang tunog niyon.

Dahil nagising siyang masakit ang ulo at para siyang idinuduyan. Minsan lang siya magka-hang over dahil minsan lang din siyang uminom. Maglasing. Hindi niya alam kung ano ba ang pumasok sa isip niya kagabi para mag-inom na naman. Nag-quit na siya last week sa pag-inom dahil nga hindi naman siya pangwalwalan. Nakakagawa siya ng mga kagagahan na hindi dapat.

Tulad ngayon. Nagising siya sa ingay sa Instagram account niya. Ang daming messages mula sa mga celebrities na kilala niya at sa mga boss niya. Pati Art Director niyang si Negi ay nagmessage sa kanya.

Congrats, Anne! Ang gwapo ng bf mo!

Takang-taka siya. Pagtingin niya sa newsfeed niya, bumungad sa kanya ang mismong post niya. Halos gumuho ang mundo niya. Sa sobrang pagkawindang, nalaglag pa siya sa kama.

What the fucking hell? She just posted a photo of him thirteen hours ago! Iyong isa sa mga naunang kuha niya rito ang naipost niya. She's working as a photographer. So it's okay to say that he's just a model for her as an excuse. Pero iyong caption niya? My boo? My boo talaga?! That means boyfriend.

Lasing siya, oo. Pero 'di siya ilusyunada. Kaya 'di katanggap-tanggap ang kahit anong excuse niya.

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Wala pang twenty-four hours ang picture pero umani na iyon ng isandaang libong likes. And the comments? God, she couldn't imagine. Sandamakmak na comments mula sa mga models, kapwa photographers, celebrities at mga kilalang tao ang nag-congrats sa kanya.

May nakita pa siyang comment ng isang frenemy. Wow, may face reveal na kay boo!

Hindi niya alam kung sinong gusto niyang sabunutan ng oras na 'yon. Pagtapat niya sa salamin, parang luka-lukang nakabuhaghag ang buhok niya. She looked so miserable.

Ganito ba ang feeling sa umaga noong mga babaeng nagkakaroon ng scandal? Because if yes, now she can relate to them.

Walang sense kung buburahin niya iyon. Marami na ang nakakita. 'Pag binura niya pa iyon, mas lalo siyang uulanin ng tanong. Sumulyap ulit siya sa comment section. Nanlaki ang mata niya nang may mahagip. Someone tagged Trent! Naka-private ang account ng lalaki, pero kung nai-tag ito... Isa lang ang ibig sabihin no'n.

Napaigtad siya sa malalakas na katok sa kwarto niya.

"Anne, gising ka na ba?" Nabosesan niya ang tiyuhin. Napahawak siya sa dibdib.

"Tulog pa, tito."

"Sige, gising ka lang 'pag feel mo na."

Bumuntonghininga siya at lumapit sa pinto. Nakataas ang kilay ng Tito Andy niya. Ngunit gayon na lang ang pagsasalubong ng kilay nito nang makita siya.

"Oh, anong nangyari sa 'yo?"

"Hangover. Naparami ang inom ko kagabi. God, I'm not doing that again."

Tumango ito. "Sige, mag-ayos ka muna. Pagkatapos, bumaba ka na at samahan mo kaming mag-almusal."

"Bakit? Sinong nand'yan?"

"Sina Blake at Trent. Dumayo ng breakfast." Namutla siya. Dumagundong ang dibdib sa kaba pagkarinig sa pangalan ng lalaki. "Hinihintay ka nga. Bilisan mo na. Sasabihin ko, pababa ka na."

"What? No!" Hinagip niya ang braso ng tiyuhin nang akmang pupunta na ito sa kusina. "'Wag n'yong sabihing nandito ako, tito. Tell them na umalis ako."

The Playboy's PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon