Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter Five

380K 7.5K 703
                                    



HINDI MAPAKALI si Anne sa passenger's seat. Hindi kasi niya magawang balingan o tingnan man lang ang katabi niya sa sasakyan.

She cannot look at him. She's too afraid to do that. Alam naman kasi niya na ang nakangising mukha ng binata ang makikita niya. At aware na aware siya sa bagay na iyon. And she also knows why.

Mahinang napa-shit siya. Gusto niyang sakalin ang sarili. Bakit ba niya hinayaang mapapunta siya sa ganitong sitwasyon? Ayos lang sana kung hindi si Trent ang kaibigang pinag-iwanan sa kanya ni Blake.

Pinaglalaruan yata siya ng tadhana at pinagtagpo pa ang landas nilang dalawa. Oh, God. She really hate the world right now.

"Bakit hindi ka yata makatingin dito sa akin?" tanong ni Trent sa kanya maya-maya.

"Anong yata? Hindi talaga ako natingin sa 'yo."

"Pwede ko bang malaman kung bakit?"

"Duh. You just blackmailed me into coming with you. Anong inaasahan mo?"

"I did not."

"Talaga ba? Pwes, gano'n na 'yon. And this? This is like kidnapping!"

Malakas na tumawa ito. "Kidnapping? You came willingly, hun."

"Dahil b-in-lackmail mo ako, ano," sagot niya nang pabalang. "At hindi kita tinitingnan dahil baka magkakuliti ako."

"I understand. Can't really unsee that, huh?"

Nag-init ang mukha niya sa sinabi ni Trent. Bwisit! Sumiksik tuloy sa alaala niya ang nakita. Parang HD copy na nag-play sa isip niya iyon.

"So, how was it? Did you enjoy watching?"

"'Wag kang masyadong mayabang. As if naman I saw everything and saw too much. Sa pagkakaalala ko, halos natatakpan na kayo ng mga bato. And it makes me wonder, bakit kaya hindi pa kayo natabunan ng bato, ano?"

Ang lakas ulit ng tawa nito. Nakataas ang kilay na sinulyapan niya ito at binalikan ang dinadaanan nilang mga kakahayuhan. Nakakapayapa lang pagmasdan ang mga iyon. Pero nakakangalay din.

"Kapag hindi ka tumigil sa pagsusuplada mo sa akin, makakatikim ka na."

"What? You will hit me? Hindi ka naman siguro pumapatol sa babae, ano?" Tinaasan pa niya ito ng kilay.

Ngayon ay nakatingin na siya rito nang diretso. His eyes were green. Marami na siyang kilalang model na may ganoong kulay ng mata kaya hindi niya agad iyon napagbigyan ng pansin noong una. Mas umagaw sa atensyon niya ang brown at kulot nitong buhok at ang makapal nitong kilay. Ang sexy lang ng pagkakaarko niyon. And then his facial hair. He reminded her of a hot and sexy mafia leade. Iyong mga tipo na binabasa ng kaibigan niyang si Jessa. Minsan ay sumubok siyang magbasa para maka-relate siya sa kaibigan. And no, hindi niya aamining nagustuhan niya iyon.

At parang ganoon na ganoon si Trent sa kanya. Everything about him screams danger... and lust.

"Don't worry. I'm not a fan of violence. Hindi rin naman ako nananakit ng babae. As a matter of fact, it's my hobby to please women. Do things they would gladly enjoy."

Nakuha ni Anne kung anong gustong sabihin ng lalaki.

"You mean, have sex with them?" Binato niya ito ng nanghuhusgang tingin. Natigilan ito nang makita ang reaksyon niya.

"Come on, don't judge people like that. Sex is God's gift to humans."

"'Wag mong idamay ang Diyos sa kahalayan mo. God, you're disgusting."

The Playboy's PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon