MATAMIS MONG BOSES

21 4 0
                                    

Ang bawat tunog na aking naririnig ay tila ba matamis na boses mong sa aking mga tainga ay bumubulong

Marahil nga ay ganyan sapagkat ikaw na sa aking puso at isipan ay gayung matagal ng naririto at nakakulong

Ikaw ang nagsisilbing lakas at inspirasyon para ako'y patuloy lamang sa aking paglaban at pagsulong

Tapat at taintim na pagmamahal ang sa'yo ay iaalay ko dahil sa aking pagkatao ika'y naging malaking tulong

PARA SA PRINSESA KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon