TADHANA

46 8 0
                                    

Sabihin mo sa akin kung bakit.

Sabihin mo sa akin kung bakit.

Kung bakit ako ay naririto
At tila ay naaakit.

Ng kung ano, ito ba ay nasa akin lamang na isip?

Ano nga ba ang dahilan?

Ano nga ba ang halaga?

Ng presensya ng hiwaga sa pagitan nating dalawa?

Sabihin mo sa akin kung bakit.

Itong tadhana ay lubusang pinipilit.

Ng sa hangin ay magsabay na nang nasa isang pag-ihip.

Mga matang nakadilat 'di na ninanais na maipikit

Sapagkat gustong lahat ay aking tuluyang masilayan

At pilit na ipaglalaban ang pangarap na katotohanan

PARA SA PRINSESA KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon