Tampuhan

4.1K 51 4
                                    

ARA'S SIDE

     Busy na naman si Thomas magvideo games. Gusto ko sanang sumali kaso sumasakit yung balakang ko.

"Matatalo ka" nagdilang anghel ako,natalo nga.

"WiBy wag mo kasing kontrahin. Hindi ako makamove sa ibang level ehh."reklamo ni Thomas. Kanina pa kasi siyang naglalaro siguro mga 3hours na at hindi man lang naglelevel up.

"Hindi ka ba nagsasawa? Kanina ka pa diyan." pinagsabihan ko siya.

"Wala naman tayong gagawin diba? Hayaan mo muna akong maglaro." hiling niya sakin.

"Meron kaya,hindi mo lang nabasa yung message ni Mommy. Iprepare mo na yung things na kailangan sa hospital. Baka mamaya magpanic ka kapag napaanak ako ng wala sa oras" sabi ko kay Thomas. Pero hindi pa rin natinag sa paglalaro. Tumayo ako at naglakad. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta pero snob ako ngayon. Nagpunta ako sa garden saktong may nagdoorbell. Sinilip ko muna kung sino at nagulat ako. Si Mamita at Chandria nasa may gate.

"HusBy sila Mamita at Chandria nasa gate. Anong gagawin ko?" tanong ko kay Thomas na tutok pa rin paglalaro.

"Paalisin mo Ara. Sabihin mo hindi natin sila kailangan" sinabi ni Thomas yung ng hindi ako tiningnan.

"Hindi ako ganun kawalang manners HusBy,para saan pang nag-aral ako ng Good Manners and Right Conduct" sagot ko sa kanya.

"Ara,sasabihin mo lang naman.Ano bang mahirap dun?" inis na medyo mataas ang boses ni Thomas.

"Pasensiya okay" lumabas na ako ng naiinis kay Thomas.Hindi ko lang pinahalata. Sa halip na paalisin eh pinapasok ko sila sa bahay namin.

"Meryenda po muna kayo" sabay abot nung tray sa kanila.

"Salamat Ara,nga pala si Thomas." tanong ni Chandria.

"He's busy playing video games" sagot ko.

"Ahhmmm Ara" pagsisimula ni Mamita. "Kamusta na kayo,I mean ikaw? Nabalitaan ko nahirapan ka raw maglihi."

Naiilang ako nung una pero I still manage to answer.

"Okay naman po ako medyo na-gain ng weight kaya mahirap gumalaw. About po sa paglilihi sobrang hirap po. Mabuti na lamang po nandyan si Thomas. Effort nga po siya eh" nakasmile kong sagot sa kanya.

"Thomas loves you so much talaga."Chandria

"Napatunayan ko na yan habang nagbubuntis ako at until now at sa mga susunod pa. Siguro mas mapatutunayan ni Thomas kung gaano niya ako kamahal."sagot ko.

"Ang laki na pala ng tiyan mo. Ara,Apo. Pagpasensiyahan mo na ako nung una. I admit na hinusgahan kita pero nagkamali pala ako. Napakabuti mo at sayo lang nagkaganyan ang apo ko." sincere na sabi ni Mamita.

"Okay lang po yun. Matagal ko na kayong pinatawad."sagot ko.

"Ako rin pala Ara sorry. Akala ko kasi nung bumalik ako mutual ang feeling pero mukhang huli na. Sorry sa mga nasabi ko sayo at sa mga galos na nagawa ko sayo."sincere na sabi ni Chandria.

"Simula pa lang nung first day ng pregnancy ko napatawad ko na kayo. Wala akong sama ng loob." ngumiti ako.

"Pero si Thomas,matagal na namin siyang tinangkang lapitan at kausapin pero ayaw talaga niya. Malaki ang naging atraso namin sa kanya. Tanggap namin yun. Matatagalan pa siguro bago niya kami patawarin. Wag naman sanang humantong na wala na ako eh hindi pa niya ako napapatawad."Mamita.

"Wag po kayong magsalita ng ganyan. Gagawin ko po ang makakaya ko to convince him :)" sabi ko kay Mamita. Nakikita ko ang lungkot niya pa rin.

"Ara,heto pala invitation ko para sa kasal namin. Sana makapunta ka."inaabot ni Chandria yung invitation sakin.

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon