Food Craving(Pink Ube Jam)

4.4K 61 2
                                    

"Thomas Christopher Torres" sigaw ni Ara. "Bumangon ka na diyan,now na. Kanina  pa kitang ginigising,isusumbong kita kay Mama" pananakot ko kay Thomas.

"20minutes more WiBy Please..Ang aga mo akong ginising para bumili ng carrot cake.." natulog ulit.

Kunsabagay ginising ko nga siya para bumili ng carrot cake ko. Nagke-crave kasi ako kahit dis oras ng gabi. Pero may gusto akong matikman.

"Ehhh HusBy wake up na..bilhan mo ako ng foods bilis na. Bangon na kasi."Hinila ko yung kumot niya.

"Ara im sleepy pa. Let me sleep muna. Baka mamaya makatulog ako while driving maaksidente pa ako." paawa niyang sabi at natulog ako.

Pero wa-effect. Gusto ko talagang kumain. May food akong gustong kainin.

"Nangonsensiya ka pa. Hindi ko naman kasalanan na magcrave ahh its part of my pregnancy. Bahala ka wag mo akong sisihin kapag nagkulang ang nutrients ng anak natin hah" galit kong sabi kay Thomas at padabog na sinarado yung pinto.

Nagpunta ako sa garden at pinakalma yung sarili ko. Kinausap ko muna yung tiyan ko.

"Baby sorry kung hindi ko mabigay yung gusto mo. Si Daddy mo kasi ayaw pang bumangon. Ayaw niya akong ibili ng foods. Sorry talaga" sabay kinapitan ko yung tiyan ko.

Mayamaya pa nakarinig ako ng yabag ng paa. Hindi ko na lang pinansin.

"Sorry talaga Baby, ayaw ko ring mahirapan si Daddy niyo pero gustong gusto ko talagang kumain ng ube jam ngayon." sabi ko ulit.

"Oo na bibili na nga po ako" si Thomas na nakabihis na pero hindi pa nakakaligo. Napangiti naman ako. Sabi na eh hindi ako matitiis ng gwapo kong asawa.

"Baby narinig mo yun, Dad will buy us foods na" kinausap ko ulit yung tiyan ko.

Lumapit si Thomas sa amin. Hinalikan ako at bumaba bigla hanggang katapat na niya yung tiyan ko.

"Bibili na nga po si Daddy kaya wag ka ng magtampo Baby. Alam mo namang love na love kita diba. Mahal na mahal ko kayo ni Mommy mo." hinalikan niya yung tiyan ko na hindi pa naman ganun kalaki.

Tumayo siya at niyakap ako. Kumain muna siya kasi gutom na at saka na daw siya bibili. Pagkatapos niya...

"Baby iwan muna kayo ni Daddy dito. Pero pupunta naman dito si Tita Alyssa at Tita Mika mo at siguro yung iba pa niyang friends na bully. Pero Baby wag kang gagaya dun sa kanila. Magagalit ako kapag naging bully ka. Wag mong manahin yung pagkabully ni Mommy mo" sabi ni Thomas.

"Hoy ano bang pinagsasabi mo diyan? Sinisiraan mo ako sa harap ng anak natin." reklamo ko sa kanya. Napatawa naman siya.

"Sige na Baby *mwah* alis na si Daddy balik ako agad hanap lang ako ng Ube Jam for you at kay Mommy mo" Tumayo na ulit siya at hinatid ko sa sasakyan niya.

"Wag kang lalabas ng bahay WiBy at wag kang kung ano-ano ang gawin sa bahay baka ma-accident ka. Bibili lang ako ng ube jam" sabi sakin ni Thomas habang bukas pa yung window ng car niya.

Pero bakit parang ang dali lang kay Thomas maghanap ng ube. Ahhhhhhhhhhh hindi ko pa nasasabi sa kanya yung ipapabili ko.

"Bakit parang alam mo ba yung bibilhin mo?" tanong ko sa kanya.

"Ang dali lang kaya, ube jam lang."confident niyang sagot na kinainis ko.

"Anong Ube Jam lang? PINK UBE JAM THOMAS GUSTO KO PINK"sabi ko sa kanya sabay taas ng kilay. Nagulat naman siya at biglang lumabas ng car niya.

"Anong pink? May ube jam bang pink? Ara ano bang klase yun?" reklamo niya.

"Ahhh basta humanap ka. Wag kang uuwi hanggat wala kang nakita." Pumasok na ako sa mansion namin.

Eh sa yun ang gusto ko eh. Diba nga sabi ni Jugs and Teddy "Walang Basagan ng Trip". Wag niyo akong pagtawanan yun ang gusto ng baby ko sa tiyan.

After 123456789 years dumating narin ang mga friends ko. Wala silang kasama kundi ang kids nila.

"San ang asawa mo?"Alyssa

"Ahh may pinabili ako sa kanya eh" Ara

"Craving Ara?" Mika.

"Yes" Ara

"Kanina pa siyang wala?" Carol.

"Oo mga 8hours na siguro buti nga dumaan si Denden kanina dito kaya may kasama ako" Ara.

"8hours? Inabot ng ganun katagal si Thomas? Over naman yun mula umaga hanggang hapon." Camille.

"Eh si Ara naman kasi" singit ni Denden na kadarating lang.

"Its not my fault Den eh sa yun ang gusto ng baby ko eh" sabi ni Ara.

"Ano ba kasing ipinabili mo? at inabot siya ng ganun katagal?" Kim.

"Pink Ube Jam" Ara.

Nagkatinginan ang girl at sabay na sabay na..

"hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha,"

Nagtawanan sila at halos maiyak na sa katatawa.

"Anong nakakatawa?" tanong ni Ara. "Hindi joke yun"

"Hahaha grabe ka Thomsy hahaha. Saang lupalop naman ng Pilipinas makakakita ng Pink Ube Jam si Thomas hahahaha" Mika.

"Hahaha papatayin mo ba sa kahahanap si Thom hahahaha"Kim.

"Ilang taon ka bang nag-aral Ara at hindi mo alam ang kulay ng Ube Jam hahahahaha"Cienne.

"Eh sa yun ang sinasabi ng utak ko at yun ang gusto ng baby ko" asar na sagot ni Ara.

"Hahahaha Ara sarap mong ipatapon sa Mars dun ka yata bagay" Alyssa.

"Ang sakit ng tiyan ko katatawa. Ipa-trend nga natin yan. Ara Galang-Torres is craving for #PinkUbeJam" Denden.

Ilang minuto lang puro beep ng phone ang naririnig. Nagtrend din si Ara dahil sa #PinkUbeJam.

Nagpunta rin both family nila ni Thomas sa bahay nila. Tawa rin sila ng tawa si Ara naman hindi na maipinta ang mukha dahil sa asar.

"Hai Naku anak manang mana ka sa Mama mo. Ganyan din yan nung nagbuntis. Pero sayo lang,pinahanap pa nga ako niyan ng lanzones na dapat daw nilalanggam na sa tamis. Hahaha" Puro tawanan na ulit sila.

"Dad naman eh hindi ko naman ginusto yung nangyayari sakin."sagot ni Ara. "Hindi po nagrereply si Thomas"

"Busy nga kasi yun maghanap ng Pink Ube Jam hahahaha" Mika.

"Kainis kayo alam niyo yun. Magsiuwi na nga kayo. Sa halip na tulungan ako pinagtawanan pa ako" inis na sabi ni Ara.

..Biglang sumingit ang boys..

"Ara yung car ni Thom nasa labas na. Ayaw niyang pumasok dito. Bakit may atraso ba sayo?" Jeron.

"Pinagbantaan kasi ni Ara na wag uuwi hanggat walang dalaaannnnggggg.."

"Pink Ube Jam" sabay sabay sila. Nagtakip ng tenga si Ara at nagtawanan ang boys.

"Really Ara? Pink Ube Jam.I thought violet lang kulay nun" LA.

"Ewan ko sa inyo" naglakad palabas. Tawa pa rin ng tawa ang pamilya at friends niya.

Lumabas si Ara ng gate at nakita si Thomas nakatayo habang nakayuko sa may kotse niya.

"HusBy?" garalgal yung boses.

.

.

.

.

.

.

.

May Part2 ang Pink Ube Jam na yan.

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon