Chapter 25

1K 30 3
                                    

Chapter 25

Xian's POV

from: daniel

im leaving

"What on--what the heck!?" napasigaw si Enrique.

"Replyan mo agad kuya! Oyy!!" sabi naman ni Francis sabay kuha sa cellphone ko tapos nagtype na.

Tingnan mo yun, sabing replyan ko raw tapos siya ang nagreply -_-

May kumatok naman sa pintuan, bago pa mabuksan ni Enrique ang pinto. Pumasok na agad ang four girls next door. Mukhang worried na worried sila. Hindi ko alam. Parang hindi sila mapakali.

Kim: "Ano yung text ni Daniel!?"

Julia: "Sabihin daw namin mamiss niya kayo?"

Ella: "Anong nangyayari?"

Kathryn: "May alam ba kayo?!"

Sunod na sunod na tanong ng girls.

"Wala rin kaming alam tulad niyo, pero may tinext siya sa amin bago lang..." sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko kay Francis at binigay ko kay Kathryn dahil siya ang pinakamalapit sa akin. Pagbasa niya nung message, tumingin siya sa akin at kinuha naman ni Julia ang phone. Narinig kong tinanong ni Ella si Julia at binulong niya naman.

"Kailan niya to tinext kuya?" tanong ni Ella.

"Bago lang" I sighed and sat down.

KATHRYN'S POV

Lumabas ako ng bahay tapos kong binasa ang message. Kinuha ko ang cellphone ko sa pocket ko at hinanap ang pangalan ni Daniel sa contacts ko. Pinindot ko ang ‘call’ pero nagriring lang. Tumawag ako pero biglang nagtoot-toot after ng pangatlong ring. Last na to, paghindi pa to sumagot---

“Kath…” narinig ko ang mahinang boses ni Daniel.

Parang tumatago siya, yung parang may sikreto siya na ayaw niya iparinig sa iba.

“Daniel, okay ka lang?” tanong ko agad.

The BOYS Next DoorWhere stories live. Discover now