Chapter 29

427 23 3
                                    

CHAPTER 29


XIAN'S POV


"Kim!" Tawag ko pagpasok ko sa bahay nila.


Feel at home kasi ako dito.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko ang parents niya.

Nag-mano ako at tama-tama nakita ko si Kim na nagbebake.

Ngumiti siya sa'kin, ngumiti naman din ako.



"Oh iho, napadaan ka?" Tanong ni tito.


"Ah, gagala lang po sana kami ni Kim" sagot ko at ngumiti.


"Ah ganun ba?" Sabi naman ni tita at ngumiti ng napakalaki-laki.


"Uy anong gagala pinagsasabi mo dyan, Xian?" Sabi ni Kim at nilagay yung binake niyang lasagna sa table, "Tumawag kanina si ate Darla, pinapatawag raw tayo ni direk para doon sa ating magiging ka-love triangle"


"Ah yun naman pala, iho. Sige, ingat kayo anak" sabi ni tito.



Umalis naman si Kim at umakyat.

Kinuha ko yung tinidor na nakahanda doon sa harap ko.

Paborito ko pa naman tong lasagna.



"Tapos na 'kong magbihis. Tara na?" Sabi ni Kim galing sa likod ko.



Napatalon naman ako sa gulat.

Ang bilis naman nitong magbihis!

Siguro kalahi nito si Flash.


"Oh, ba't ang lungkot mo?" tanong ni Kim.


Doon ko lang napansin.

Wala akong kaexpre-expression.

Ganun ko ba kamiss kainin ang lasagna?


"Eto naman, di mo sinabi gusto mo pala ng lasagna. Tara balik tayo sa loob" sabi niya.


Hinila niya ako pero pinigilan ko siya.




"Oh? Akala ko gusto mong kumain?"


"Hindi na, sa labas nalang tayo kakain. Magde-date tayo" sabi ko and I winked at her.





Namula naman sya.

Ang cute nya talaga pagnagbu-blush siya.

Nakakainlove.


"Tara na nga, inaantay na tayo doon" sabi nya at inunahan akong maglakad.




KATHRYN'S POV

Nahahalata kong ang daming gustong tanungin ng mga kapatid ko. Siguro kapag sasabihin ko, 'uy tanong nyo na ang gusto nyon tanungin', sabay-sabay sila magsasalita at magtatanong ng kahit ano.


Binalik ko agad ang aking atensyon sa aking cellphone. Nagfe-facebook kasi ako. Scroll down lang naman ang ginagawa ko dito. Minsan boring eh.

The BOYS Next DoorWhere stories live. Discover now