Part 20

2K 36 0
                                    

"SIGURADO ka na ba dito?"

Tikom ang kanyang bibig. Hanggang sa pagdating niya sa restaurant na iyon ay naglalaban pa rin ang isip at puso niya sa dapat niyang gawin.

"Hindi ko ito puwedeng gawin sa St. Peter's, magkakaroon ng record," aniya.

Sumimsim si Bryan sa inorder nitong kape saka kinuha ang envelope na kanina pa niya nilapag sa mesa. "Curious na tuloy ako sa magiging resulta. Puwede ko itong gawing urgent dahil kaibigan naman kita."

Nakagat niya ang labi. Gaano na ba siya kahanda para dito? Parang gusto niya tuloy umatras dahil sa ginawang pagbabanta sa kanya ni Jessie. Hindi tuloh mabura sa isip niya ang mga pinagsasabi nito kanina.

"Let us see where this test could lead us," sambit ni Bryan. "Sa once upon a time or sa 'til death do us apart."

Napailing-iling na lamang siya nang mahinang tumawa si Bryan. Minsan rin atalag mapang-asar ang kaibigan niya ng ito. Ni hindi niya nga alam kung bakit dito rin sa Pilipinas napadpad ang bruhong ito samantalang maraming opportunities sa US bilang isang geneticist.

"Update mo na lang ako kapag may resulta na," tangi niyang nasabi.

And there, Bryan looked at him with mischievous smile. "Gaano ba kabilis ang gusto mo para sa resulta."

Napailing-iling na lamang siya. "Bahala ka. Alam kong atat ka rin malaman ang resulta."

"Well," nagkibit-balikat ito. "Here depends my brother's happiness. How about tomorrow you want?"

Natawa siya sa sinabi nito. "Baliw. Tingnan ko kung magawa mo."

"Hindi mo man lang na-appreciate iyon? Hindi ako matutulog para sa iyo?" Umakto naman itong parang may tinusok sa puso.

Tinawanan na lamang niya ang pang-aasar nito. "Bigyan mo ko ng magandang resulta."

"I got you, man!" ani Bryan.



KAKAUMPISA palang ng araw ay parang pagod na pagod na siya para maghapong trabaho dahil sa dami ng report na pinapagawa sa kanya ng kanyang ama. Hinihilot pa niya ang kanyang sentido nang buksan niya ang pinto ng kanyang clinic. Ngunit bago niya pa iyon maisara nang tuluyan siyang makapasok ay gulat na napalingon siya sa kanyang likuran nang may biglang humawak sa kanyang bewang.

There she found Erik closing the door. And locked it.

"Huwag mong i-lock! Darating si Jessie!" aniya rito.

Nagkibit-balikat lamang ang binata sa kanya. "Good morning!" bati nito sa kanya na oarang walang narinig sa kanya.

Kinunotan niya ito ng noo. Napailing-iling na lamang siya. Pinatong niya ang kanyang bag sa mesa at akmang iikot patungo ng kanyang swivel chair nang biglang hilahin ni Erik ang braso niya at ikulong siya nito sa pagitan ng mesa at tiningkayad nito ang mga braso.

"Erik!" saway niya rito.

"Hindi mo ako binati," nakangusong ungot nito. "Pagod ka ba?"

Nahilot niya ang noo. Mukhang napansin nito ang mood niya. "Medyo marami lang trabahong pinapagawa si Daddy."

"Tulungan kita?" alok niya dito.

Hinampas nito ng balikat. "Anong alam mo sa trabaho namin? Ikaw rin naman ay maraming report na kailangang gawin. Dalawa lang kayo ni Dr. Cortez sa Genetics Laboratory at hawak niyo pa ang buong 7th floor."

Nagkunwari itong nag-iisip. "Kaya na siguro iyon ni Dr. Cortez."

"Baliw!" natatawang saad niya.

BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]Where stories live. Discover now